Pag tapak ni Hilary sa lupa dala ang mga gamit niya ay nahinto muna ito at pinasadahan ng tingin ang buong paligid.
Tinapat niya ang walkie talkie sa bibig niya. "Nakalapag na ako" sambit nito.
"Madame, mag ingat ka" sagot naman ni Rome.
Isinilid niya ang walkie talkie niya sa bag at inumpisahang mag lakad. Nang makalapit siya sa gate na gawa sa kahoy ay napailing ito sa nakita. Maraming zombies na nakatumba sa daan, may inuuod, nilalanggam, nilalangaw at maraming buhok sa paligid.
Muntik pa itong maduwal dahil sa mabahong amoy. Dahil walang kandado ang gate ay maingat nalang niya itong binuksan. Dahil nga researcher siya ay alam na niya kung paano umatake ang mga zombies kaya maingat lang siya sa pag lalakad.
Nang makapasok siya ay tinapat niya ang baril niya sa paligid. Habang hinahanap ang pinto na may itim na kross dahil iyon ang palatandaan ng tinutuluyan ng siyam na pinadala niya.
Bahagya siyang napanganga ng sa pag lalakad niya'y may nakita siyang isa na sumisinghot sa paligid kaya naman napakagat siya sa pang ibaba ng labi niya at mabilis ngunit maingat siyang nag lakad.
Sa pag lalakad niya ay hindi maalis ang tingin niya sa zombies na patuloy sa pag singhot. Nang makita na niya ang bahay na may itim na kross sa pinto ay huminto ito sa tapat ng pinto. Napalunok siya at hindi pa rin maalis ang tingin sa zombie, gusto na sana niya itong barilin ngunit hindi niya pwedeng gawin iyon dahil baka mag silabasan ang ilan pa sakanila.
*tok*
Maingat niyang pag katok, ngunit hindi pa rin ito pinag bubuksan ng pinto dahil mahina lang niya itong kinatok.
*tok*
*tok*
*tok*
Sa pangatlong pag katok niya ay wala pa ring nag bubukas ng pinto. Tila ba nauubusan na siya ng pasensya kaya napasinghal nalang siya.
"Ow.. Sorry" bulong nito sa sarili ng makitang patakbo na ang zombie papalapit sakanya.
*Beng!*
Bumagsak sa lupa ang zombie at sunod niyang narinig ang pag bukas ng pinto. Kaya lumingon ito dito.
Bahagyang nanlaki ang mata nito ng bumungad sakanya si Ace.
"Hilary" mahinang sambit ni Ace, para bang hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon si Hilary.
Inalis ni Hilary ang tingin kay Ace saka niya ito nilampasan at pumasok sa loob. Nabigla ang lahat ng makita siya.
"Madame?" napatayo si Reign mula sa pag kakaupo.
"Anong nangyari? Akala ko ba.. siyam rin kayong makakalabas dito?" maotoridad niyang tanong.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Ace mula sa likod niya "Bakit ka pa pumunta dito Hilary?" nag punta si Ace sa harap ni Hilary at hinawakan niya ito sa mag kabilang braso niya "Delikado dito"
"Alam ko... " sagot ni Hilary at inalis ang kamay ni Ace mula sa pag kakahawak sa mag kabilang braso niya.
"Madame, kamusta sa lungsod?" tanong ni Brix
BINABASA MO ANG
Area 14
ActionAn action star, assassin, marksman, technician, psychologist, chef, risk taker, suicidal and aichmomania came together to exterminate the zombies in Area 14. --- COMPLETED Date started: July 14, 2021 Date ended: Oct. 29, 2021