“Langya, ang ganda at ang seksi pala ng girlfriend ni Tyler.” sabi ni Xynan. “Bakit ang gaganda ng mga nagiging girlfriend nung kambal?”
Agad ding nagpaalam noon sina Tyler at Genesis dahil ipapasyal daw ng lalaki ang girlfriend niya around Metro Manila. Matapos silang ipakilala isa-isa kay Genesis, umalis na rin ang dalawa.
“Eh kung ikaw yon, malamang hindi ka makakalapit man lang sa ganoong babae, Xynan.” sabi ni Leeone. “Panigurado kase, pag-iisipan ka ng masama. Mukha mo pa lang nakakaimbyerna na.”
“Talaga lang ha? At least ako nagkagirlfriend. Eh ikaw na maton ka, sigurado walang nanliligaw sayo.”
“Eh kung kagaya mo lang din lang ang manliligaw sa min, wag na lang.” sabi ni Hyna.
Napasimangot si Xynan. ‘Ako na naman ang pinagtulungan nitong mga maton na ‘ to.’
“Pero sa paningin ko, parang mas maganda pa rin si Alesha.” biglang sabi ni Yhaen. Napatingin sa kanya ang lahat.
“Oo syempre, maganda sya sa paningin mo dahil si Alesha, single sya. Eh yung si Genesis, may sabit na kay Tyler.” sabi ni Hyna.
“Hoping sya.” natatawang sabi ni Zach.
“O ano naman problema sa hoping?” tanong ni Yhaen.
“Kawawa naman si Alesha pag nagkataon. Kapag ikaw ang naging boyfriend non, lagi yong hindi mapakali dahil baka kung saan-saan gumagala ang mga mata mo.” natatawang sabi Xavier.
“O ano naman masama ang patingin-tingin sa paligid? Nakaka-appreciate lang kami ng mga magaganda.” sabi ni Yhaen.
“Okay lang yung tingin, eh yung tingin mo iba. Kumbaga sa X-Ray vission, para mo ring hinuhubaran yung mga tinitingnan mo.” segunda ni Zach. Natawa ang mga myembro ng Shadows.
“Pre, yan na talaga ang image mo sa kanila. Hindi na magbabago yan.” sabi ni Kzael. Imbes na maasar si Yhaen, natawa lang siya.
“Eh kung ligawan ko kaya ang isa sa inyo no? Para naman matauhan kayo na hindi ako ganon kasama.” sabi ni Yhaen.
“Ewwww, Yhaen. Hindi nakakatuwa.” sabi ni Hyna. Bakas sa mukha ng Pegasus ang pagkadismaya sa joke niya. Natawa lang sya.
Nakatingin sa kisame si Alesha. It was awfully silent that day. Wala na kasi si Janri, bumalik na ng Japan. Hindi na niya ito mayaya gumala sa kung saan. Panigurado, hindi rin niya makakausap ang babae dahil kapag nasa Japan si Janri, super busy ito. Marami kasi itong commitments bilang racer, bilang tagapagmana ng business ng papa niya, ang paminsan-minsan nitong pagmomodel sa mga magazines at kung anu-ano pa. Noong nasa Pilipinas nga lang ito nakabawi, kaya naman puro tulog ang ginawa ng babae.
“This is really boring.” she said.
Nakahiga pa rin siya sa kama. Naisip niyang puntahan ang condo ni Kzael. Baka may makita siya doon na pwedeng magpawala ng bore niya. Tumayo siya sa kama at dumiretso sa toilet and bath.
Nagulat si Marina nang makakita siya ng message sa phone nya galing sa pinsan ni Sei na si Alesha. Nagtatanong ito kung available siya that day. Eksaktong kakatapos lang ng last na class niya for that day, so free na siya. Nagreply back siya kay Alesha. After a while, may message uli ang babae sa kanya. Nagpapasama ito na mamasyal. Pumayag naman siya dahil mabait sa kanya si Alesha. She was very sweet to her. Katunayan, may mga binigay itong regalo sa kanya sa ilang beses na pagkikita nila dahil kay Lola Milagros.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...