Hapon na nang bumalik sila sa hotel. Ang sabi kasi ni Seiya, magba-bar daw sila at isasama niya ang crew ni Janri pati na rin si Ryou. Nang dumating sila sa lobby. Nakita nila si Janri sa di kalayuan na may mga kasama. There were 2 men at isang babae.
Alesha immediately remembered the girl na kasama ni Janri. 'So she's also here.'
Mukhang paalis na ang mga ito at kasama nila si Janri. Janri is not saying anything, but one of the men na nakatalikod sa kanila ay kausap si Janri.
Napatingin si Alesha sa mga kasama, hindi nila napansin si Janri sa di kalayuan. Sumunod na lang siya. Kakausapin na lang niya mamaya ang pinsan. She needs to know kung sino ang babaeng yon. She will never forget how that girl treated her.
"I'll see when you get back to Manila, Janri." sabi ni Basty sa kanya. As usual, nakangiti ang lalaki sa kanya, na parang may ibig sabihin ang mga ngiting yon.
Sumama si Janri sa tatlo na bumaba sa lobby dahil ayaw niya na makasalubong kung sakali nila Basty ang grupo nila Alesha. Actually kanina, nakita na niya na papasok ng building ang pinsan niya, pero hindi siya nagpahalata. Alesha also saw them at siguradong kakausapin siya nito mamaya.
Hindi siya sumagot sa sinabi ni Basty. Bahagya niyang naramdaman ang bigat ng braso niya na may tatak na imprinted sa kanya ni Sebastian. Mainit yon. Napapaso siya.
Ngumiti lang si Basty saka tumalikod sa kanya. Ganon din ang dalawa nitong kasama. Tumingin din sa kanya si Dominique na nakasimangot pa rin. 'This girl doesn't like me.'
Katulad ng plano nila, natuloy ang celebration nila Janri sa bar. Kumuha sila ng isang table na loob ng bar sa KU DÉ TA. Nasa rooftop yon. Overlooking sa city. Nakabihis sina Alesha, Throwa, Vyolene at Marina. Pang-party talaga ang suot ng mga iyon. Nakasimpleng jeans and cardigans lang sila Seiya, Tyler, Asty at Kzael. Hinihintay nila noon ang grupo nila Seiya at Janri. Apparently, nang dumating sina Janri at Ryou, hindi na kasama ang mga crew nila.
Napatingin sila sa direction nina Janri at Ryou. Mukhang rugged pa rin ang itsura ni Janri. Terno sila ni Ryou. Magkatabi pa sila nang umupo sila sa table.
Masayang nagkwentuhan ang magbabarkada about sa mga lugar na napuntahan nila that day. Ngumingiti lang sina Ryou at Janri.
"Sayang hindi ka sumama Janri. Maganda don sa Dolphin Island!" bulalas ni Vyolene.
"I'll probably visit next time. Hindi ako mahilig sa ganyan." sagot ni Janri.
"Why? Ayaw mo ng sceneries?" takang tanong ni Marina.
"Not really."
"Janri is more of the daredevil type." sagot ni Ryou. "She wants extreme sports. She easily gets bored."
"How long do you know Janri, Ryou?" tanong ni Throwa.
"I guess," isip ni Ryou, "I guess around 12 years. I met her when she's still 5."
"How old are you?" segundang tanong ni Kzael.
"I'm 20. Older than you guys," nakangiting sabi ni Ryou.
"Are you single?" lakas na loob na tanong ni Kzael. "Or are you taken?"
Natawa si Ryou. "No. I have no one."
Napatingin sila kay Janri. Busy ito sa pagkain at pag-inom. Hindi na nito tinitingnan kung anong klase ng alak ang iniinom nito. Diretso lang ito sa pagtungga ng alak.
"Are you sure you can still last till later?" alalang tanong ni Ryou kay Janri.
Kasalukuyang may kinakain ito na pika-pika. "Huh? Why?" tanong ni Janri.
![](https://img.wattpad.com/cover/31056952-288-k839820.jpg)
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...