Mission Twenty Three: Pegasus VS Shadows

107 10 6
                                    

"Carlos," sabi ni Seiya sa leader ng Shadows. Tumayo ang lalaking iyon. Natanggal ang pula nito sa mata at ang screen nila sa wall. Mukhang aalis si Seiya. Ilang segundo pa lang na umalis sina Ryou at Janri. "I need to talk to Janri. Is it okay to leave you for a while?"

Kahit nag-aalangan ay tumango si Carlos. It is perfect to let the cousins talk. Baka may makuhang sagot si Seiya na hindi masabi-sabi sa kanila ni Janri. Inilapag ni Seiya ang libro ni Dawn Devour sa ibabaw ng mapa nila.

Naglakad si Seiya palabas ng sala ng bahay nila Asty. Wala silang choice kundi umupo lang doon at maghintay. Nang mawala si Seiya sa sala, nagsalita si Kzael.

"It doesn't make sense." sabi ni Kzael. "Di ba Carlos?"

Napatingin si Lee at Carlos kay Kzael. Nakatingin ito sa libro ni Dawn Devour. Pare-pareho sila ng iniisip.

"It doesn't." sagot ni Carlos. "Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Janri. Nothing on what she did makes sense. Kung gusto niyang pagsilbihan si Sebastian, she could've killed us. Pero instead, she brought that." Ang tinutukoy niya ay ang libro ni Dawn Devour.

"Kung ganon pala, pwede na nating sabihan sina Asty na nakuha na natin ang libro. Actually, si Janri pala ang kumuha." sabi ni Lee.

"But they can't." sabi ni Kzael. "Kasi, since nandon na sila, at may mga nakalaban na sila, siguradong hindi sila paaalisin don ng basta-basta. Isa pa, kailangan nila talagang ayusin ang gulo nila kay Sebastian Devour, dahil kung hindi, hindi rin yon matatapos."

Napahawak si Kzael sa baba niya. "Pero why would Janri bring that here? Hindi kaya inutusan siya ni Sebastian? Or baka naman may tracker yan."

"Hindi naman yan computer," sabi ni Lee. "na pwedeng lagyan ng computer chip para matrack sina Asty at Tyler. Isa pa, alam ni Sebastian ang bahay na 'to. Nakalimutan nyo ba na kapatid siya ni Dawn Devour? Kung gusto talaga niyang sumugod dito, hindi lang si Janri ang ipapadala niya."

"Not quite." sabi ni Carlos. "Janri is capable of defeating multiple enemies. Nakalimutan nyo ba yung engkwentro sa Enchanted Kingdom?"

Nag-isip silang tatlo. Mukhang wala silang makukuhang sagot.

"Baka naman hindi talaga kalaban si Janri at spy siya don sa kabila?" tanong ni Lee.

"Kung hindi siya kalaban, bakit niya kailangang patayin ang lola nila Asty at Tyler? I don't think she's stupid enough to declare war sa mga Devours." sagot ni Kzael.

"Pero bakit niya dinala yan?" tanong ni Carlos. Tinuro pa niya ang libro. Huminga ng malalim si Carlos. "I feel uneasy about this."

"Anyway, hintayin na lang natin si Seiya. Baka may makuha siyang sagot mula kay Janri. Sila lang ang pwedeng mag-usap ng diretsahan I guess." sabi ni Kzael. "Wala tayong magagawa kundi maghintay muna."

"Teka, bakit parang ang tagal nila Xynan? Natagalan kaya silang hanapin sina Throwa?" tanong ni Lee. "Di ba dapat mabilis lang yon?"

Huminga uli ng malalim si Carlos. "Hindi magiging madali yon, dahil nandon si Throwa. That girl," naiiling na sabi ng leader nila, "siguradong manlalaban yon. Buti nga kung makabalik sila dito ng walang bugbog si Xynan."

"Teka, ano palang plano mo kay Xynan? Di ba paparusahan mo pa un?" tanong ni Kzael. "Pwede bang ako ang magbigay ng parusa?"

Napailing si Carlos. Siguradong may masama na namang pinaplano si Kzael sa karibal nito.

"May naisip na akong plano. Kzael, wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano." Warning niya sa kaibigan. "Siguradong may masama ka na namang iniisip para kay Xynan."

Series of Shadows: KhalifaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon