Mission Seventeen: Sebastian Devour II

148 14 0
                                    

Nagising sila the next day na nasa kwarto na. Nagulat sila dahil nakatulugan yata nila si Lee habang nagta-time travel ang lalaki. Magkakatabi sila sa kwarto. Buti na lang at malaki ang kama at nagkasya sila.

Dali-daling bumangon sa kama sina Throwa at Hyna. Ginising nila si Xavier na nasa tabi nila non. Pagbukas ng pinto, palabas din sa isang kwarto sina Leeone, Zach at Vyolene. Pagbaba nila sa sala, natutulog sa sahig ang grupo ng Shadows.

Nilapitan nila sina Carlos, nakasandal sa couch ang leader ng Shadows.

"Carlos," tawag ni Leeone. "Carlos."

Nagmulat ng mata ang leader, mataas na ang sikat ng araw.

"Nakatulog tayo?" tanong ni Carlos. Nagpunas ito ng mata. Ginising nila ang iba pa. Wala silang maalala sa nangyari kagabi. Ang natatandaan nila, hinihintay nila si Lee sa pagtime travel nito. Kumain sila, pagkatapos ay naglaro ng games at pagkatapos –

"Damn, wala kong maalala. Parang nakatulog na lang ako bigla." Reklamo ni Carlos.

"Weird, ganyan din ang pakiramdam namin. Anyway, nakatulog tayo dito sa bahay ni Janri." sabi ni Leeone.

Gising na ang iba nilang mga kasama. Nang lapitan nila si Lee, hindi nila ito mahawakan dahil kada gawin nila yon, nagrereklamo sa sakit si Lee.

"O ano, Lee?" tanong ni Carlos nang magising si Lee.

"Anong ano?" tanong ng kasama.

"Anong nalaman mo? San ka napadpad?"

"Ha?" takang tanong ni Lee. "Ah, yung time travel? Nalaman ko na kapatid pala ni Dawn si Sebastian Devour."

"Ha? Panong nangyari yon?" gulat na tanong ni Carlos.

"Actually, ganito Carlos," sabi ni Lee. "Hindi ko maalala masyado, pero ang natatandaan ko, napunta ako sa time nila Dawn. Nakita ko yung bahay nila. May celebration sila. Then si Sebastian, kuya ni Dawn. At parang may hang ups siya dahil hindi siya ang pinili nung tatay nila na magmana. Hindi ko alam yung details kung ano ung posisyon na sinasabi nila. Magiging leader ata  ng clan nila si Dawn. Galit yung Sebastian na hindi siya ang pinili."

Pinalibutan nila si Lee. Nakaupo sila sa sahig.

"Then may isang kapatid si Dawn, si Astyanax. Ang weird don, pakiramdam ko ay nakita niya ako." dagdag ni Lee.

"Nakita ka niya? Pero di ba, spirit mo lang ang nagtravel?" tanong ni Kzael.

"Hindi ko nga rin alam, pre. Pero hindi imposibleng buhay talaga ang kuya ni Dawn sa time natin. Pakiramdam ko, pareho sila ng ginamit ni Laura. Di ba, hindi tumanda si Laura?"

"Ang sabi mo Astyanax?" tanong ni Xynan. "Kamukha ba ni Asty yuung kapatid ni Dawn? Para rin ba siyang pinagsakluban ng langit at lupa?"

"You really want to die early don't you?" tanong ni Asty. "Tara sa labas, babasagin ko yang mukha mo."

"Joke lang boss. Ikaw naman, hindi talaga marunong tumanggap ng biro!"

"Pero teka, pano mo nalaman ang mukha ni Sebastian? Di ba ang sabi mo, hindi ka pwedeng magtravel sa past na hindi mo alam ang mukha ni Sebastian?" tanong ni Throwa.

Napaisip si Lee. "Hindi ko maalala, Throwa. Ang alam ko na lang, nandon ako sa past. Tapos nakita ko sila Dawn, yung tatay at nanay niya, yung mga kapatid niya. At nakita ko rin pala si Laura at yung Cid Quierhada."

"Yun lang ba yung information na nakuha mo?" tanong ni Tyler. "May nalaman ka bang reason kung bakit nanggugulo ngayon si Sebastian?"

Umiling si Lee. "Mukhang kailangan kong bumalik sa past, para malaman yon Tyler. At least ngayon, may mukha na si Sebastian sa atin. At may idea na tayo kung sino siya."

Series of Shadows: KhalifaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon