Pinagpapawisang nagising si Yhaen sa araw na yon. Tumingin siya sa alarm clock na nakapatong sa side table na katabi mismo ng kama niya. It was 11 in the morning. Sabado naman kasi kaya okay lang na late sya magising. Nakahawak siya sa ulo niya. He had a weird dream. Kung bakit naman kasi napanaginipan niya ang babaeng yon. Hinawakan niya ang katawan niya. Hindi naman masakit.
‘Talagang panaginip lang talaga…’
Flashback (sa panaginip ni Yhaen).
Tulala at parang estatwa na nakatayo lamang si Yhaen sa labas ng CR habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya.
‘Siya yung babaeng nasa magazine…’
Kakatapos lamang maligo ni Yhaen. Dahil mag-isa lang naman siya hideout kampante siyang lumabas ng CR na walang suot na kahit ano. Naiwan niya kasi sa dining chair ang towel niya. Sumisipol pa siyang naglakad papalapit sa upuan kung saan nakasampay ang towel niya nang mapansin niyang may taong nakatayo sa may pintuan at nakatingin lang sa kanya.
Agad niyang hinablot sa upuan ang towel saka ibinalot sa beywang niya para matakpan ang dapat niyang takpan.
“Hi!” nakangiting bati ng babae.
Hindi pa rin siya makakilos. Sumunod na iniluwa ng pinto si Tyler at Hyna na may dalang box ng pizza at inumin.
“YHAEN!!!!” sigaw ni Hyna.
Ibinigay ni Hyna kay Tyler ang dala niyang inumin saka mabilis na sinuntok sa tiyan at siniko sa batok si Yhaen. Hinawakan pa nito ang braso ng binata saka ipinilipit.
“Aray!” sigaw ni Yhaen.
“Ang bastos mo talaga Yhaen! Hindi ka na nahiya sa bisita natin! Magdamit ka bago ko mabali ang mga buto mo!” sabi ni Hyna na hawak pa rin sa braso si Yhaen.
“Oo na! Magbibihis na!”
Binitiwan naman siya ni Hyna. Agad siyang pumasok sa CR. Isang tingin uli ang ipinukol nya sa babaeng yon. Nakangiti ito sa kanya.
Umupo na si Yhaen mula sa pagkakahiga. Napatingin siya sa tabi niya. There was a magazine. At ang model na naroroon ang ultimate crush niya for the last few days. Nadiscover niya ito nang makapanood siya ng Victoria Secret’s Fashion Show.
Lumapag sa NAIA ang pribadong eroplano na galing sa Europa. Pagbaba ng babaeng yon sa eroplano, may umalalay na sa kanya para bitbitin ang mga luggage niya. Meron din siyang kasamang nagpapayong para sa kanya. She’s almost 5’9”. Maputi ang kulay ng balat. Medyo may pagkablonde ang buhok. Nakaponytail ang mahaba nitong buhok na hanggang baywang. Maganda ang pangangatawan nya. Bakit nga ba hindi? Isa siya sa mga top models ng mundo. Sa katunayan, kasama pa siyang nagmomodelo sa Victoria’s Secret.
Tumingin ang babae sa langit, saka nito tinanggal ang suot na shades. Tumambad ang halos kulay berde nitong mga mata. Matangos ang ilong niya at mamula-mula ang mga labi. Napakaganda ng babaeng yon. Yun ang tipo ng babae na kahit hindi maglagay ng kolorete sa mukha, mas maganda pa sa kilalang mga artista sa Pilipinas.
‘It is so hot!’ sabi nya sa isip niya.
Kinuha niya ang cellular phone sa bulsa niya. Hindi naman alam ng mga fan nya, kung meron man sa Pilipinas, na darating siya. May concert kasi ang pinsan nilang si Sei at niyaya sila nito na manood. Gusto ring ipakilala sila ni Sei sa malayo nilang kamag-anak na kambal, galing sa angkan ng mga Devour, ang anak ng Tito nilang si Aries.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...