Matapos maibalik nila Throwa ang dalawa sa pinakamalakas na warlock sa Pilipinas, naturuan nila kung paano mamuhay ng normal ang sina Dawn Devour at Rafaelo Kashmir sa panahong wala silang ideya. Dinala nila Asty at Tyler si Dawn Devour sa Espanya at doon tinuruan. Ipinakilala rin nila ito sa kanilang mga magulang na sina Aries at Arielle. Kasama rin nilang bumiyahe si Marina Devour.
Samantala, habang bakasyon, naisipan ni Kzael na yayain na magdate si Vyolene, only to find out na may tatlong lalaking madalas magmasid sa bahay ng dalaga. Sa tatlong lalaking nagbabantay sa bahay ni Vyolene, may isa sa kanila ang hindi niya mabasa ang isip. Nayaya nga niya magdate si Vyolene one time, dahil mayroong syang kailangang ma-meet na business partner sa isa sa pinakasikat na hotel. Doon nakilala ni Vyolene si Bloise.
Pagkatapos ng bakasyon, ang tatlong lalaking nagmamasid sa bahay nila Vyolene ay sumali sa grupo ng Shadows. May kapangyarihan palang taglay ang tatlong lalaking yon - sina Xynan, Radcliffe at Nathan. Sinubukan ng Shadows ang mga kapangyarihan ng tatlo at pumasa naman ang mga yon, kahit bakas kay Kzael ang pagkadismaya dahil sa pagpapansin ni Xynan kay Vyolene. Madalas ding kampihan ng dalaga si Xynan kumpara sa kanya. At sa kamalasan pa, si Xynan ay kaklase pa nila ni Vyolene.
Pumasok din si Dawn at Rafaelo sa university na pinapasukan ng Shadows at ng Pegasus. At dahil nga sa pagbabalik nila sa kasalukuyang panahon, nagbago ang lahat ng nangyari dahil sa pagkawala nila Dawn at Rafaelo sa nakaraan. Nabuhay ang mga dapat na namatay na angkan ng mahika - ang mga Aquinox, Braganza, Leonza, at Hamayana. At dahil din sa pagbabalik nila, maaaring mawala ang lahat ng mga kaangkan ni Dawn.
Nagsimulang maghanap ng paraan ang grupo ng Shadows at Pegasus para maibalik sa nakaraan sila Dawn at Rafaelo. Nagsimula silang bumiyahe para hanapin ang lagusan ng oras.
Bumalik si Seiya para tulungan ang kambal dahil na rin sa hiningan ito ng tulong ni Donya Milagros na noo'y bumabalik na sa pagkabata, unti-unting nababawasan ang edad nito. Habang hinahanap nila ang lagusan, nawawalan na ng memorya ang kambal. Humiwalay sina Rafaelo at Dawn para tugisin naman ang mga myembro ng Aquinox. Sinama nila si Kzael para mahanap ang mga Aquinox na may kapangyarihan.
Hindi tumagal, nalaman ng Shadows at Pegasus ang tungkol sa angkan ng Verden, na tanging may alam sa lagusan ng oras. Ang kapangyarihan nila ay tungkol sa mga portal at pagbyahe ng panahon. Sila na ngayon ang hinahanap ng grupo para maibalik sa dating panahon sina Dawn at Rafaelo. Naisipan ni Asty na turuan sila Carlos, Lee, at Yhaen na gumamit ng magic. Sa tulong ni Tyler, nagawa nilang turuan ang tatlo at nakagamit sila ng mahika laban sa mga kalabang angkan ni Dawn Devour.
Habang nasa byahe sila, bumalik na sa pagkabata si Tyler at nawalan ng malay si Asty. Nagpasya muna silang bumalik sa hideout dahil kailangang magpalit ng damit ang mga miyembro nila dahil sa laban nila sa mga Braganza. Nagpahinga sila saglit at nang umaga na, bumiyahe uli sila.
Samantala, hinanap din ni Aishen, na galing sa angkan ng Verden, ang grupo ng Shadows at Pegasus para maibalik nila sa dating panahon si Dawn Devour at si Rafaelo Kashmir. Ngunit habang wala siya sa templo ng mga Verden, sinalakay ng ibang angkan ang mga kasama niya kaya napilitan silang lumipat. Tumulong din si Khmer, na galing din sa angkan ng Verden, na mahanap ang grupong naghahanap sa kanilang angkan. Nakita niya sina Seiya at Marina sa templo ng Verden. Nagpasya sina Marina at Seiya na dalhin si Khmer sa hideout na condo ng Shadows subalit hindi na nila nadatnan doon ang grupo. Nagpasya silang dalhin si Khmer kay Donya Milagros para mahanap ang location nila Asty at Tyler.
Nagawang mapatay ni Dawn karamihan ng mga angkan ng Aquinox dahil na rin sa kapangyarihan na nagawa ni Ivan, ang kapatid niya sa ama. Bahagya niyang pinalitan ang mahika para hindi madamay ang mga Aquinox na wala namang kapangyarihan. Hindi nila inaasahan na si Kzael pala ay kasama sa angkan ng Aquinox.
Di nagtagal, matapos harapin ang apat na angkan, nakilala ng Pegasus at Shadows ang mga Rivaria o gate keepers ng Verden Clan. Subalit noong nakita nila ang mga yon, patay na ang isa sa apat, si Clara. Dahil doon, hindi makakabalik sina Dawn at Rafaelo dahil kailangan ang apat na Rivaria para mabuksan ang portal ng panahon. Doon nila nalaman na si Xynan, na may kapangyarihan ng teleportation, ay myembro ng Verden at syang pansamantalang pumalit kay Clara. Nabuksan nila ang portal at naibalik nila si Dawn at Rafaelo. Bago umalis si Dawn, tinanggal niya ang alaala ni Kzael tungkol sa pagiging Aquinox nya. Malubha kasing dinamdam ni Kzael na kasama siyang pumatay sa mga kaangkan niya. Matapos maibalik si Dawn at Rafaelo, bumalik na ang lahat sa dati.
Matapos noon, nagtapat ng pag-ibig si Xynan kay Vyolene na ikinagulat ni Kzael. Sa pag-aakalang sasagutin ni Vyolene si Xynan, nagpatulong sya sa pinsang si Ashley. Akala ng lahat ay nobya niya ito. Sa pamamagitan ng isang laro, napaamin nila ito na hindi nobya ni Kzael si Ashley kundi isang pinsan na may alam ng lahat, kasama ang kapangyarihan nito at ang kaalaman tungkol sa Shadows at Pegasus. Nabasted si Xynan at nagparamdam si Kzael na gusto niya talaga si Vyolene. Natapos ang lahat na nakita si Vyolene at Kzael na nagtatawanan sa hideout nila. Hindi nila masabi kung sila na.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasíaMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...