"You don't remember?" tanong niya. "My name is Sebastian. I am Sebastian Devour. Galing ka sa angkan ni Rafaelo Kashmir, hindi ba?" tanong ni Sebastian kay Throwa.
Napakunot ang noo ni Throwa, mukhang hindi naman delikadong tao si Sebastian. Kung tutuusin he looked like a warm person, unlike ni Dawn Devour.
"Ibigay mo lang sa amin ang libro at aalis na kami." sagot niya. Hindi niya sinagot ang tanong sa kanya ni Sebastian.
"Matapang ka." sabi ng lalaki. Halos katapat na niya ang lalaki ngayon, parang yayakapin na nga siya. "Pero bakit ka nagpunta dito? Walang kinalaman sa Kashmir ang gulong ito."
Itinapat ni Sebastian ang mga mata niya sa mata ni Throwa at hinawakan siya nito sa mukha. Hindi siya nakapalag. Kung tutuusin, hindi pala siya makakilos. Her body went numb. 'May ginagamit ba siyang spell?' isip ni Throwa. 'Nakagamit sya ng spell nang hindi ko man lang namamalayan.'
Tinitigan siyang mabuti ni Sebastian. Hindi ito kumukurap. Maya-maya ay binitawan siya nito at ngumiti.
"Kung ganon ay kasintahan mo pala si Asty Devour. Kaya pala nagpunta ka dito. Pero bakit hindi mo siya pinakinggan? Hindi ka dapat nagpunta pa rito."
"How did you - " gulat na tanong ni Throwa. 'Pano nya nalaman ang bagay na yon? He saw through my eyes?'
Ngumiti si Sebastian. "You really shouldn't have come here, Throwa Kashmir. That's all I can say."
Bumaling si Sebastian sa mga kasama nito. "Mukhang wala na si Darius. Buhay pa si Christian, pero tingin ko ay hindi na niya kakayanin pang lumaban. Get ready, those Devour's are coming here."
"Wala na si Darius?" gulat na tanong ng babae. Nasa mukha nito ang pagkabigla. "P-patay na sya?"
"Yes. Also, mukhang nandito ang babaeng yon. I think she will personally deal with you, Dominique." sagot ni Sebastian.
Nagkatinginan ang magbabarkadang Pegasus. 'Kung ganon ay Dominique pala pangalan niya.'
"Isa lang sa kanila ang Kasmir hindi ba?" tanong ng lalaking may malaking katawan. Kasama iyon ni Dominique na nagdala sa kanila doon. "Anong gagawin natin sa kanila?"
Tumingin si Sebastian kila Hyna at Zach. Ilang segundo lang itong tumingin. "They aren't part of any clan. Anyway, let's just wait for those Devours. Would you like a cup of tea?" tanong niya sa grupo ng mga babae.
However, hindi sila natuwa sa pag-iimbita sa kanila ni Sebastian. There was something in the way how he smiled at them. Mukhang may pinaplano itong gawin sa kanila.
Nakatingin lang kina Ryou at Janri ang kambal na nasa di kalayuan. Of course, naaalala ni Ryou ang mukhang yon. At dahil identical ang dalawa at tanging hairstyle lang ang magkaiba sa dalawa, alam niyang ang isa don ay nakalaban na niya at muntikan na niyang mapatay. However, mukhang nakabawi na yon ng lakas dahil sa itsura ng kambal na yon, parang walang labanang naganap. They are very fine, and that person is fully healed.
"I didn't know that he had a twin." sabi ni Ryou kay Janri. "Does the other one also have the same powers?"
"Īe. He had a different ability. Anyway, I will block their magic. Be fast in killing them though."
Ngumiti lang si Ryou. "Dōitashimashite (My pleasure)."
Ryou unsheathed the sword and started walking towards the twin. Hindi naman gumalaw si Janri sa pwesto niya and she's just staring at Ryou's back. Hindi naman mahihirapan ang kababata niya na makipaglaban sa mga may abilidad na kagaya nila, as long as protected siya. That how Ryou and Janri usually fights. Ryou does the killing and Janri protects him. Ganun din sila sinanay ni Ryuga.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...