There was a silhouette sa kwartong yon. Nasa loob siya ng isang silid na katapat halos ng malaking swimming pool sa labas ng bahay. The wall that is facing the pool is all glass, na may sliding door. May kausap sya sa telepono. Naka-loud speaker ang teleponong yon dahil may conference sila tungkol sa gagawin nila sa target nilang Devour. Nagsimula na kasing kumilos ang leader ng grupo ng mga malalakas na warlocks at witches ng Devour. Alam nila na noon ay may naghahanap sa libro na nawala sa angkan nila at alam din nila na nakabalik na ang libro sa dapat nitong kalagyan, ang lumang bahay ni Dawn Devour, probably the strongest warlock noong era niya.
At dahil nga naibalik na ang libro sa angkan ng mga Devour, kailangan nang isagawa ang plano ng kanilang leader. Aagawin nila ang trono ng mga tagapagmana at kukuhanin nila ang pinakamalakas na sandata na ginawa pa ng mga pinakamalakas na angkan ng mahika. The oldest and strongest clan of magic: ang Khalifa.
“Ano ang gagawin natin sa binatang yon?” tanong ng isa na nasa linya ng conference. Naka-loud speaker ang teleponong yon. “Hindi siya kasinglakas ng kakambal niya. Paano kung marealize nila kung ano ang ginagawa natin sa kanya?”
Nakatingin lamang sa labas ang taong yon, na para bang nag-iisip.
“He won’t realize. Because they really think it’s just a dream.” sagot ng leader nila. “They were never exposed to these kind of abilities or magic as they call it.”
Finally, nagsalita siya. “Hindi pa rin niya napapansin ang nangyayari. He’s just confused I guess. But it doesn’t show in his actions.”
“Kumusta na ba ang pagmamanman mo sa kanya? Get his attention, Dominique.” dugtong pa ng leader nila.
“Don’t worry, young master. He will.”
“Paano kung hindi natin siya makuha sa santong dasalan?” tanong ng isa pang nasa linya.
“Malakas ang pakiramdam ko na hindi tayo mabibigo. At kung sakali man na mabigo tayo, kailangan nyong ihanda ang mga pinakamalakas sa ating mga Devour. Haharapin natin ang pamilyang yon.”
“Sya nga pala, it seems that there is someone from another clan, watching over that man. Anong gagawin natin sa kanila?” tanong nya.
“Hintayin natin silang kumilos.” sagot ng Leader. “Whoever that is, if they are stronger than the twins, let’s see what their motives are.”
Asty went to Janri’s house that night. Biglaan kasing tumawag si Sei. Nang makausap nga niya ang pinsan, he sounded sick.
Flashback.
Nagtaka si Asty nang makitang nagri-ring ang phone niya. It was 9 AM in the morning. Kakagising lang niya halos at kakabangon niya lang mula sa kama. Nakita niya ang pangalan ni Seiya sa phone. Naisip niyang puntahan si Tyler sa kanyang kwarto. The guy is already awake. Katulad ng mga nakaraang araw, parang hindi na naman ito nakatulog ng maayos.
“Seiya is calling.” sabi niya sa kakambal.
“Sei? Why would he call? Di ba nasa Hawaii sila ngayon?” tanong ni Tyler.
“I have no idea.”
“Why don’t you answer? Pupunta lang ako sa toilet to get ready.” sabi ni Tyler.
Pumunta na ng comfort room ang kapatid niya. Umupo naman si Asty sa kama, saka niya sinagot ang tawag ng pinsan. Marahil kukumustahin nito si Marina, o ang mga pinsan niya.
“Asty,” sabi ni Sei sa kabilang line. Medyo namamalat ang boses nito. And he can hear him breathing heavily.
“Are you okay?” tanong niya. “What happened?”
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasiaMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...