Pag-uwi nila sa bahay, dumiretso sya sa kwarto ni Asty. Unlike the other days, nakahiga lang sa kama si Asty habang nakatingin sa kisame. There is no magic. Nakahiga lang si Asty.
Umupo si Tyler sa seat sa tapat ng study table ng kakambal niya, facing the bed.
"You're mad." sabi niya sa kakambal.
Hindi sumagot si Asty. Ni hindi siya tiningnan. Huminga ng malalim si Tyler. Mukhang hindi niya makakausap ng maayos ang kakambal niya.
"By the way, Janri," sabi niya, "she's in danger."
Hindi pa rin sumagot si Asty, as if wala itong pakialam sa pwedeng mangyari. It is surprising dahil alam ni Tyler na attracted si Asty kay Janri. Maybe it is a good thing, dahil hindi rin naman pwedeng maging sila dahil fiancee ni Asty si Throwa.
Tumayo na si Tyler mula sa pagkakaupo. Mukhang wala siyang mapapala kay Asty.
"Fine," sabi na lang niya. "Let's talk some other time."
Nagsimula na siya maglakad palayo sa kwarto ni Asty. Bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya uli kay Asty. "Forgive Throwa. Wala siyang kasalanan sa kin. It's all Sebastian's fault. Don't blame her."
Nakalabas na ng kwarto si Tyler nang umupo si Asty sa kama. Nakakuyom ang dalawa niyang kamay. Hindi pa siya kumakalma dahil sa nangyari sa kapatid niya, ngayon naman ay poproblemahin pa niya ang babaeng yon. He shouldn't care and he shouldn't feel that way, pero wala siyang magawa.
'Damn it!'
Napahawak sa ulo niya si Throwa. Nagising na naman siya na pinagpapawisan. Binabangungot na naman siya. Ilang araw na siyang hindi mapakali, simula noong nangyari yon. Naaalala pa rin ni Throwa ang pakiramdam noong bumaon sa katawan ni Tyler ang tila kuryenteng mahika na yon. There was blood in her hands. And Tyler was just looking at her. Nangingig ang buo niyang katawan sa tuwing dinadalaw siya ng panaginip na yon.
Hindi niya mapigilang maluha. Isa pa sa pinoproblema niya ay ang galit ni Asty. Ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Kahit nasa Christmas at New Year season sila, hindi na siya niyayang lumabas para sila magkita, o kahit man lang tumawag sa kanya. Hindi niya masabi kung makikipaghiwalay na si Asty sa kanya. Hindi naman siya makapag-initiate ng contact, nahihiya siya kay Asty, at nahihiya rin siya kay Tyler.
Hindi niya namalayan na bumukas ang pintuan ng kwarto niya. There stood her mom. Lumapit ito sa kanya at tumabi ito sa kama.
"What happened iha?" tanong ng nanay niya. There was worry in her face. Hinawakan ng mama niya ang nanginginig at nanlalamig niyang kamay.
Tumingin siya sa mama niya matapos niyang punasan ang mga luha sa mata niya. "N-nothing."
Huminga ng malalim ang mama niya. "I heard you scream, iha. It isn't just a nightmare is it?"
Hindi makasagot si Throwa. Simula kasi nang umuwi sila sa bahay at inihatid siya nina Hyna at Xynan, hindi niya nasabi sa mga magulang niya ang tungkol sa nangyari. Hindi nya masabi na muntikan niyang mapatay ang kapatid ng fiancee niya.
"You can tell me iha." sabi ng mama niya. "Please let me help you."
Hindi na niya mapigilan na maiyak. It was the first time na pakiramdam niya ay nagcollapse siya. Dati kasi, sa nakagisnan niyang pamilya, hindi siya nasanay na tulungan ng mga taong yon. She was all by herself.
Niyakap siya ng mama niya. At habang yakap-yakap siya nito, nagsimula siyang magsalita. Hindi niya masabi kung ilang oras o minuto silang ganon ng mama niya. Nagtyaga itong makinig sa kanya habang nagsasalita at sumisinghot siya. Hindi niya masabi kung ano ang reaction ng mama niya sa sinabi nya, kung nashock ba ito o nagalit o nahiya. Hindi siya makatingin sa mata ng mama niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/31056952-288-k839820.jpg)
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...