"Dadalaw tayo kay Janri, today, Lola?" tanong ni Tyler kay Donya Milagros. Kakatapos lang nilang mag-almusal noon. Nakaupo pa rin sila sa dining table.
"Yes. Malamang ay pagod na ang batang yon sa pagbabantay." sabi ng matanda. Ang tinutukoy niya ay si Ryou. Ilang araw na rin kasing nakabalik ng UK si Alesha, kahit labag sa kalooban nito ang pansamantalang pag-alis. Simula nang magdecide sila na dalhin sa ospital si Janri para mas mabantayan ang vitals nito scientifically, hindi na umalis ng ospital si Ryou.
Biglang sumulpot si Seiya sa dining area nila, umupo ito sa tabi ni Tyler. Madalas na ring sumulpot si Seiya simula nang macomatose si Janri. Every other day ay sumusulpot na lang ito bigla sa bahay nila.
"Hi Lola," bati ni Seiya. Kumuha ito ng tinapay mula sa mesa at kumain.
"Are you coming with us?" tanong ni Tyler.
"Yeah. I want to check her." sabi ni Seiya. "By the way, I've confirmed that Uncle Ryuga will come here few days from now. Aunt Kazuha is with him. And I think a man named Heiji."
"Heiji?" tanong ni Tyler. "Who's Heiji?"
Nagkibit-balikat lang si Seiya. "How are you, Asty?"
Napatingin ang tatlo sa kakambal ni Tyler. Tahimik lang itong kumakain as usual. At katulad ng dati ay blank pa rin ang expression nito sa mukha.
"I'm good."
"How's Throwa?" tanong ni Seiya.
"You have nothing to worry about her." sagot ni Asty.
"Nag-usap na kayo ni Roa, apo?" tanong ni Donya Milagros.
"Yes, Lola. Mamaya magkikita kami." sagot ni Asty.
Napatingin lang si Tyler kay Asty. 'Are you not coming with us? To see her?'
Hindi pa pumupunta si Asty kahit minsan sa ospital. Parang iniiwasan nito si Janri. Magiging maayos naman iyon kung ganun nga ang gagawin ng kakambal niya. Buti na lang at sinusubukan talaga nitong panindigan ang pangako nito kay Throwa. Akala talaga ni Tyler, hihiwalayan nito ang fiancee niya dahil sa muntikang pagkamatay niya sa kamay ni Throwa.
'There is no need. Ryou is with her. I don't think you would need me there either.' Sagot ni Asty sa telepathy.
Natigil ang pag-uusap nila nang makita nilang lumapit si Artamiel sa mesa. Katulad ng dati ay matamlay pa rin ito. Mukhang nasasanay na ito sa panahon na yon. Nag-iba na ang itsura nito.
Flashback.
Nakaupo si Astyanax sa sofa sa sala kasama ang kambal at si Donya Milagros. Iyon ang gabing unang nakita nila si Astyanax sa bahay na yon. Ang nakakapagtaka, naiintindihan sila ni Astyanax kahit English ang ginagamit nilang salita.
"Kung ganon, kapatid mo si Dawn?" tanong ni Donya Milagros.
Tumango ang binata. "Kung hindi kayo naniniwala sa sinasabi ko, wala akong magagawa."
"Paano ka nakapunta sa panahon namin?" tanong ni Tyler.
Tumingin si Astyanax kay Tyler. "Hindi mo na ba ako naalala? Nakita mo na ako minsan."
"Ha? Nakita na kita?" takang tanong ni Tyler.
Huminga ng malalim si Astyanax. "Muntikan ka nang magamit ng taong yon sa panaginip mo. Pinipilit niyang gamitin mo ang mga mahika na naisulat ni Dawn sa kanyang aklat. Wala akong magawa kundi ang magpakita sayo. Para makabalik ka."
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...