Mission Nineteen: Christmas

149 12 0
                                    

Nakabalik na sila ng Manila, kaya naman hindi na siya tinantanan ni Sebastian. It seems that magkakaron na siya ng laban, because that Sebastian wants to declare a war on that clan. But that isn't only her problem. Nang bumalik sila sa Manila, Carlos was very quiet. Of course, she knew what caused it. Natatandaan pa niya at naririnig pa niya ang sinabi ni Carlos sa kanya.

"You are mean. You know that I like you."

Kahit anong sabihin niya kay Carlos non, wala siyang maisasagot. She's got no romantic feelings for the guy. Huminga siya ng malalim. 'I guess I shouldn't have done it.'

Bumaba sya sa bahay niya. Maya-maya lang ay may dalawang tao pala na naghihintay sa sala ng bahay nya. They were twins. Ang kambal na mga alipores ni Sebastian Devour. Mukhang susuduin siya.

"Why are you here?" tanong ni Janri.

"Sebastian wants you to come with us." sabi ng isa sa kambal at nakaupo sa couch niya.

"Why didn't he call me instead?" tanong niya.

Pinuntahan niya ang dalawang lalaki. Umupo siya sa tapat nila.

"He's busy. He's recruited a number of Devour's who'll fight with us. And he's laying out his plan by this time." sagot ng isa pa.

'He's busy?' isip ni Janri. 'Aside from him wanting me to get rid of lola Milagros, he's laying other plans. That sly annoying man.'

"Fine. Let me get my katana. Wait for me here." sabi niya.

Tumayo sya at tumungo sa second floor ng bahay niya. Nagpalit na rin siya ng damit dahil nakapambahay lang siya noon. Nagsuot siya ng comfy na damit para just in case kailangan nyang lumaban, hindi siya mahihirapan. Huminga muna siya ng malalim nang makuha niya ang katana nya na nakapatong sa paanan ng kama niya. 'It's time for war.'


Mukhang pinagsakluban pa rin ng langit at lupa si Carlos that day. It was a first time na makita nilang ganon ang leader nila. Nakatambay sila noon sa open field. Kumpleto silang lahat, except kay Asty at Tyler. Kahit sila Xynan, Athan at Radcliffe ay kasama nila.

Simula kasi ng nangyari yon, doon sa beach, nong hinalikan ni Janri si Carlos, at mukhang nacarried away ang leader nila dahil nakita nilang humawak si Carlos sa maliit na waistline ni Janri, hindi na nagsalita si Carlos. Obviously, maraming tumatakbo sa isipan nito. At hindi pa ito nagsasalita tungkol don.

Kahit anong pilit nila na magkwento si Carlos, wala itong sinasabi.

"By the way, anong nangyari pala sa inyo ni Janri nung sa beach?" tanong ni Xynan. "Naghalikan kayo sa beach di ba?"

Tiningnan ng masama nina Yhaen at Lee si Xynan. Talagang wala sa hulog mag-joke ang kasama nila.

Binatukan ni Radcliffe si Xynan. Tumingin ng masama ang isa. "Bakit mo ko binatukan?! How dare you!"

"Eh panong hindi ka babatukan? Eh kita mo nang – " sabi ni Athan.

"Stop it." sabi ni Carlos. "Pwede, wag muna nating pag-usapan?"

Natameme ang mga magkakasama non. May kasamang iritasyon ang pagkakasabing yon ni Carlos.

"Anyway, pre, hindi ko talaga mahanap si Sebastian Devour." sabi ni Kzael. "Parang hindi na siya nag-eexist sa panahon na to. If hindi talaga natin siya makita, anong gagawin natin?"

Huminga ng malalim si Carlos. "Can we just stop? Parang ayokong kumilos lately."

"Ha?" tanong ni Yhaen. "What do you mean stop?"

Series of Shadows: KhalifaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon