Napatingin si Frank sa kasama niya na kinakalaban ng lalaking may kontrol ng apoy. At ngayon mukhang tutulungan pa ng mga babaeng pinapasundo ni Sebastian ang mga kalaban nila. Ang habilin ni Sebastian, dalhin nang buhay ang mga iyon, kaya hindi sila pwedeng gumamit ng malalakas na mahika para pasunurin ang grupong yon. Kanina pa siya nabalot ng yelo sa paa ng lalaking may kontrol ng tubig. Kung hindi siya kikilos, babalikan na naman siya ng lalaking kayang gayahin ang kilos niya. Nakakapagtaka dahil minsan lang nakita ng lalaking yon ang mga kilos niya, pero nagagawa nitong gayahin, ng parehong lakas at bilis.
Itinapat ni Frank ang kamay niya sa nagyelong bahagi. Mabilis na kumalat ang isang apoy na tumunaw sa yelo kaya malaya na syang nakagalaw. Tuluyan niyang itinukod ang kamay niya sa lupa nang makitang palapit sa kanya ang lalaking yon para sipain siya. Katulad ng inaasahan niya, naiwasan niya ang sipa nito. Itinapat niya ang kaliwa niyang kamay sa lalaking yon -
"Iore." (Blast)
Mabilis na tumama sa bahaging tyan ang tira niyang yon. Nakita niyang nasaktan ang lalaki. Nang makatayo siya, mabilis niyang sinipa palayo ang lalaki sa kanya. Pagtingin niya sa lalaking may kontrol ng tubig, pinaulanan niya ito ng bola ng apoy. Hindi naiwasan ng lalaking yon ang mga tira niya kahit pa pinoprotektahan sila ng grupo ng mga babae kanina.
Habang ginagawa niya yon, kumilos din ang kasama niya. Itinaas nito ang dalawang kamay niya. Biglang tumigil ang lahat. Hindi na kumikilos ang mga iyon. Ikinumpas ng lalaking kasama niya, si Wyan, ang kamay niya at tuluyang bumagsak sa lupa ang mga naroroon. Mukhang nairita na ito sa pagsalakay ng mga grupong yon. Akala nilang dalawa ay tapos na, subalit biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa area.
Biglang hindi na lang makagalaw si Throwa. Hindi niya makontrol ang katawan niya. Pagtingin niya sa lalaking kalaban ni Athan kanina, nakataas ang kamay nito. Mukhang ginagamitan sila ng Kinesis. Napatingin siya sa mga kasama niya, mukhang kagaya niya hindi na sila makakilos.
Nakahandusay sa kalsada si Yhaen, ganon din si Athan. Nahuli kasi ang protective barrier niya kanina at hindi tumatama ang mga spell na ibinabato nila Hyna at Zach. Surprisingly, hindi sila inaatake ng dalawang Devour. Tanging sina Athan, Yhaen at Radcliffe lang.
Maya-maya ay biglang may nagtulak sa katawan nila pasubsob sa kalsada. Hindi a sila makakilos.
'Damn, mukhang seseryosohin na kami ng dalawang lalaking to.' isip ni Throwa. Kailangan siyang makagawa ng paraan para madistract ang lalaking may gamit ng kinesis.
Nakahawak ang kamay ni Throwa sa lupa. May ibinulong siya na tanging siya lang ang nakarinig. May nagsimulang gumapang sa lupa. Tubig yon na nanggaling sa lupa. Hindi iyon napapansin ng mga kalaban nila. Mabilis na kumilos ang tubig hanggang sa makadating iyon sa pwesto ng lalaking nagpatigil sa kanila sa pagkilos. Then out of nowhere -
Mabilis na umakyat ang tubig sa katawan ng lalaking yon at unti-unting naging yelo. Subalit hindi iyon nabahala. Hindi pa man umaabot ang yelo sa tuhod ng lalaki, natunaw na yon na parang walang nangyari. Nakita ni Throwa na napatingin ang lalaking yon sa isang direction. Although nahihirapan siya, pinilit niyang lumingon. Sina Carlos at Xynan ang naroroon.
Lumuwag ang pakiramdam nila. Unti-unti na silang nakagalaw. Napansin ni Throwa na hindi rin kumikilos si Carlos sa pwesto niya. 'May ginagawa ba siya?'
Nakadating na sila Sebastian sa bahay na malapit sa talon. Halos gawa yon sa purong kahoy at mayroong dalawang palapag. Medyo malaki rin yon ngunit hindi iyon kagaya ng mansyon na pinanggalingan nila. Katapat ng bahay ang isang talon at batis sa baba non. Sa gitna ng batis ay may isang circular na bato. May mga steps din papunta sa gitnang bahagi ng batis. Napatingin si Sebastian sa langit, maliwanag ang buwan, kasama na rin ang mga bituin sa langit. Nagrereflect ang liwanag ng buwan at mga bituin sa batis na naroroon. Umihip ang hangin. Dinig sa paligid ang hampas ng hangin sa mga dahon ng mga punong naroroon, kasama na rin ang pagbagsak ng tubig mula sa batis.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasiMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...