Nakatingin si Asty sa lalaking kalaban niya. Hindi pa rin siya kumikilos. Nag-iisip si Asty. 'What could I use to kill this man instantly?'
Hindi kumikilos ang lalaking yon sa pwesto niya. However, that shadow is still expanding. Habang nag-iisip si Asty, he protected his ground. May invisible na linya sa paa niya, paikot sa kaya. That shadow could not penetrate. However, kapag na-out of balance siya at natapakan niya ang shadow na yon sa lupa, siguradong hindi iyon magiging maganda para sa kanya.
Maya-maya ay napangiti si Asty. Mukhang nairita ang lalaking yon.
'What is he thinking? Smiling at a time like this? Tsk.' isip ni Riyard.
Ni hindi kumikilos ang reincarnate ni Dawn Devour. Nakatayo lang ito sa di kalayuan habang nakatingin sa kanya. Pagtingin niya sa paa ni Asty, hindi umaandar ang anino na kontrolado niya at kahit anong pilit niyang i-penetrate ang protection nito, hindi ito nakakalusot. Asty's defense was thorough and strong. Kung hindi niya kakilala ang lalaking iyon, he would think na galing ito sa Kashmir.
Itinaas niya ang kanang kamay at maya-maya lang ay may inihagis siya. Kasabay ng paghampas ng kamay niya sa hangin, there was a yellowish light na lumabas, almost like a ray of sun's light. Ilang metro na lang ang layo ng mga iyon kay Asty, hindi pa rin ito kumikilos. Ikinumpas ni Riyard ang kamay niya. That light dispersed, only to attack Asty on all angles.
That dispersed yellowish light turned into fine lines of light, maninipis iyon na parang pinagkumpol-kumpol na hibla ng buhok. Pinaikutan ng mga iyon si Asty habang hindi pa rin ito kumikilos. Then he heard him take a deep breath and then –
Ikinumpas ni Asty ang kamay niya. Nawala na parang bula ang mga liwanag na yon, kasabay ang isang malakas na hangin. Tumilapon siya sa malayo. Subalit mabilis siyang nakabawi. Humawak sya sa lupa para hindi mawala ang kontrol niya sa aninong nakapalibot kay Asty.
Nakatingin ngayon si Asty sa kanya. He was directly staring at him. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.
"Tefara duschka iyeda."
Napakunot ang noo ni Riyard. Noon lang niya narining ang mahikang yon. May dumaan na malamig na hangin sa paligid niya.
Tik. Tak. Tik. Tak.
He can hear his wristwatch. Parang napakatagal ng sandaling yon. Then that bastard smiled at him at tumalikod na.
'Wha – ' he thought. 'What's happening? Bakit niya ko lalayasan?'
Pagtingin niya sa kamay niya, he was horrified. Unti-unting natutunaw ang kamay niya. It was like as if he's being drowned in acid. At ang nakakatakot don, hindi siya makagalaw, habang unti-unting naaagnas ang katawan niya. He can no longer control the shadow. Pumalibot sa kanya ang aninong yon. He couldn't understand. As if that shadow has turned it's back on him.
He heard that man laugh. Matapos non ay lumingon sa kanya.
"That's the first complex magic written in Dawn's book." sabi ng lalaki. "You'll die not feeling pain. It's a horror, right?"
Napahawak si Riyard sa pisngi niya. Unti-unting nalalaglag sa lupa ang balat niya sa mukha. But he is not feeling anything.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"
Yun na ata ang pinakamalakas na sigaw na ginawa ni Riyard sa buong buhay niya. He will die. And that Elixir will not be able to save him. Kinakabahan siya, dahil kahit nagreregenerate ang katawan niya, his skin is fastly falling off to his body. Kung hindi man siya mamatay sa spell na binigay sa kanya ni Asty Devour, siguradong mababaliw siya. Naglakad na palayo sa kanya ang lalaking yon. He tried to stand up, pero hindi na niya magawa.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...