"This is what you bought me?" inis na sabi ni Janri kay Sei. Napakamot ng batok si Seiya. Kakadating lang nito galing sa pamimili. Dahil hindi daw niya kabisado ang Manila, bumalik siya ng London para doon bumili ng damit.
"I like girls wearing dresses. I know it will look good on you." sabi ni Seiya. "Just this once, wear it."
Nakangiti si Seiya. Mukhang excited nga ito na magsuot siya ng damit na ganon. She sighed. Wala naman siyang magagawa. Pwede naman siyang lumabas sa unit na yon, kaso nga lang siguradong mahihimatay sya sa sobrang init sa labas for sure.
Umakyat sya sa taas. Naghanap siya ng bakanteng kwarto. Surprisingly, apat ang kwarto sa loft, at may kanya-kanya itong mga toilet and bath. Pumasok sya sa isang kwarto na wala pang nakalagay na mga gamit. Mukhang hindi pa nalilipat ng iba ang mga gamit doon.
Napangiti si Sebastian. Nagmulat siya ng mata. Nasa library siya noon at nakaupo sa desk niya. Naramdaman niya si Janri. Nasa Pilipinas ito ngayon. Naaamoy niya ang lason na nilagay niya sa katawan ng babae.
Imomonitor niya kung nasan si Janri. Tinanggal niya ang lahat ng gamit sa desk niya hanggang sa maging bakante na ang mesa. Hinawakan niya yon.
"Teiha." He said.
Biglang umilaw ang buong table top. Maya-maya ay lumitaw ang mga imahe. It was Janri and a group of people na hindi niya kakilala. Kita nya ang mga tao within 2 kilometer radius, syempre ang nasa sentro na yon ay si Janri.
Isa sa mga special na tracker ang salamangka na ginamit niya kay Janri. Maliban sa poisonous ang mahikang yon, it also serves as a monitor sa taong sinumpa. Syempre, hindi naman niya isasali kaagad sa grupo niya si Janri kung hindi niya ito kayang manmanan.
'Still beautiful as ever.' Sabi ni Sebastian sa isip niya.
Iniikot niya ang tingin niya. Naroroon din ang isa pa sa mga Khalifa, si Alesha. At naroroon din ang kakambal ni Tyler na si Astyanax Devour McClarinett. Naisip niya, since makakalaban niya ang mga yon pag nagkataon, naisip niyang itest ang kambal kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga iyon. Hindi ba't sila ang tagapagmana ni Dawn?
Kinuha niya ang telepono niya. Tatawagan niya si Frank, Hans at Aramis. Patutulugin nila ang mga taong naroroon sa silid na yon. Lalabanan nila ang mga yon - sa panaginip.
Nakababa na si Janri. Katulad ng pakiusap ni Seiya, isinuot niya ang damit na binili nito. Buti na lang at medyo may taste sa damit si Seiya kaya kahit papano, nagustuhan niya ang damit na binili nito. It was an A cut striped dress na medyo long sleeved.
Natigilan si Janri. May nararamdaman siyang kakaiba, as if may gumagamit ng mahika sa loob ng silid. Napatingin siya kay Alesha. Nakatingin ito sa TV.
'Do you feel that Alesha?' tanong niya sa telepathy.
'Yeah. I think something will happen.' Sabi ni Alesha. 'Should we warn them?'
'You warn them, I can't do anything. I have a feeling that Sebastian has something to do with this.' Sabi niya.
Lumapit si Janri sa grupo. Napatingin sa kanya ang magbabarkada.
"Wow, Janri!" sabi ni Radcliffe. "Bagay sayo yung ganyang suot."
Hindi siya sumagot.
"Ano naman ang wow dyan? Parang hindi mo pa nakitang magdress yang babae na yan." sabi ni Xynan. "Hindi ko pa rin pag-iinteresan yang isang yan na parang pinagsakluban ng langit at lupa."
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: Khalifa
FantasyMalalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas. Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar...