Chapter 2

749 27 2
                                    


Nagmamadali akong lumabas ng mabasa ko ang text ni Marco na nasa labas na daw siya. Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko kaagad ang sasakyan niya. Kinatok ko ang bintana ng sasakyan, binaba niya yun at sinenyasan niya ako na sumakay na.

"Hi beb." Masayang bati ko sa kanya. "Hi." Matipid niyang sagot at bahagyang ngumiti. Ginantihan ko lamang siya ng ngiti at nag maneho na siya papunta sa school namin.

Hindi kami nag uusap habang nasa biyahe. Ayaw kasi ni Marco ng ganun. Gusto niya tahimik lang habang nasa biyahe. Well nag uusap naman kami kapag nasa biyahe depende nga lang sa mood niya. I'm used to it anyway. I love him. So if that's what he wants i'll obey him.

Nakarating kami sa school within 15 minutes malapit lang naman ang school namin sa village na tinitiran namin. Ginulo niya ang buhok ko habang naglalakad kami.

"Yans. I'll text you kung maihahatid kita pauwi ha." Sabi niya tumango lamang ako bilang sagot.

He kissed my forehead when we reach my classroom. Hindi kami magkaklase ni Marco. Nakakalungkot nga e. Pero okay lang kasi apat na classroom lang naman ang layo ng classroom niya hehe.

Pagkapasok ko ay ang sama ng tingin sakin nung dalawa. I missed 'em both!! My besties..

"Lovs and Marian!!" I gave 'em a power a hugh. A super duper hug!!

"Adik! Dalawang araw lang tayong hindi nagkita. Baliw kaba?" Sabi ni Lovi sabay ismid. Si Marian naman kinurot ang pisngi ko. "Oo nga naman. Nag da-drugs kana no? O baka naman.." Tinignan niya ako na para bang alam niya na ang dahilan kung bakit ako ganito.

"Nagpaka-shungaers ka na naman ano?" This time ako naman ang umismid sa kanila. Ganyan sila. Palagi nila akong sinasabihan ng ganyang kapag bati na kami ni Marco.

"Duh! Mahal ko yung tao. Kapag nagmamahal ka kailangan mong babaan ang pride mo. Tsaka ano ba kayo? Kasalanan ko diba? Sinigawan ko siya.." Naupo ako sa upuan ko at umikot paharap sakin si Lovi.

"Oo nga naman Marian. Kapag nagmahal ka. DAPAT TANGA KA. Requirement yun teh kapag na inlove ka! Try mo kasi minsan." Sarkastikong sabi ni Lovi. Mga baliw kong kaibigan. Buti na lamang ay sanay na ako sa kanila. Buti na lang mahal ko sila kahit ganyan sila. Err

Nanahimik na silang dalawa ng biglang dumating yung teacher namin. Pero mamayang break time e gigisahin na naman ako ng dalawang yan. Si Lovi medyo balimbing yan. Minsan kampi sakin minsan kampi siya kay Marian. Adik kasi yang si Lovi. Lalo na si Marian. Siya ang pinaka baliw sa amin. Siya ang pinaka mahilig sa panenermon sa amin. Feeling nanay siya sa amin haha. Pero mahal na mahal ko yang dalawa na yan. Bukod sa pamilya ko at kay Marco sila ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko.

Natapos ang tatlong subject namin at ngayon ay break time na. Bumaba kami sa canteen para kumain. Habang naka pila kami ay naka tingin ang isang grupo ng kababaihan sa amin. Well.. Ganyan talaga. Palagi na kaming pinag titinginan simula ng maging boyfriend ko si Marco.

"Artistahin na naman ang dating natin friend." Bulaslas ni Marian at iniismiran ang mga babaeng naka tingin sa amin. "Ganyan talaga kapag magaganda!" Malakas na sabi ni Lovi. Nag bulungan naman yung mga babaeng nakarinig.

"Girls. Hayaan niyo na sila. Parang hindi naman kayo sanay sa mga yan." Sabi ko pagkaupo. "Excuse me? Hayaan? Kaasar kasi. Ang chachaka naman ng mga pagmumukha." Nakasimangot na bulaslas ni Lovi.

"Ayun na nga Lovs. Chaka na nga kaya wag mo ng patulan. Wag mong babaan ang level mo para sa kanila. Okay?" She rolled her eyes at natawa na lang kami ni Marian sa inasta niya.

Imaginary BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon