Chapter 10

382 15 1
                                        


It's been one month simula nung nag hiwalay kami. One month na rin.. Simula ng may nag papadala sa akin ng kung ano ano. Sa ngalan ng Miguel Evangelista. May mga usapan din na nabubuo. Ginagawa ko lang daw yun para mag papansin kay Marco. Yung iba naman, baka daw yung artistang si Miguel ang nagpapadala nun sa akin. Hindi lang ang isang Miguel Evangelista ang nagbibigay sa akin ng kung ano ano. May mga school ate ako na nag sisimulang pumorma sa akin. Pero wala lang yung sakin. Dahil nga may Miguel na daw ako.

"Yannie! May mga bulaklak at chocolate ka na naman sa tapat ng locker mo. Nadaanan kasi namin." Sabi ni Joy na kaklase namin.

"Ah ganun ba. Sige kukunin ko na lang mamaya." Naka ngiti kong sabi sa kanya. Nandito kami sa canteen ngayon. "Kunin mo na. Kasi yung iba kinukuha nila. Ninanakawan ka nila ng chocolate. Alam mo na.. Maraming naiinggit sayo." Sabi pa niya at tumango na lamang ako.

Si Lovi at Marian ang gumagastos sa mga pinadadala sakin. Sinabi ko nga na tumigil na sila kasi ang daming pera na ang nasasayang nila pero ayos lang daw. Sa magulang naman daw nila galing ang mga pera kaya okay lang.

"Yans. Bukas na tayo mag papasa ng requirement sa LNU ha." Paalala ni Marian. Doon kami mag aaral. Bukas na din ang examination. Hindi naman ako kinakabahan dahil kampante ako na papasa kaming tatlo. Nag decide ako na mag Architect. Samantalang nag Culinary naman si Lovi since may sarili na siyang restaurant. Si Marian naman, Political science ang kinuha niya. Balak niyang mag abogado.

Sa loob ng isang buwan, may araw pa rin na naiiyak ako sa tuwing naiisip ko siya. Nakakasalubong ko silang dalawa dito sa school. Iniisip ko na lang na wala akong nakikita. I need to be strong lalo na sa harap niya. Ayokong mag mukhang kawawa.

-
Sabay kaming pumunta ni Marian sa LNU. Hindi sumabay samin si Lovi dahil sa ibang lugar siyang manggagaling. Hinihinty namin siya sa labas ng room kung saan kami mag eexam. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Lovi. Saktong dating ng proctor na mag ga-guide samin.

Pinapaliwanag niya ang mga dapat gawin. May mga ilang rules at may oras ang pag sagot sa bawat page. Isa isa niyang tinatawag ang mga mag eexam. To make sure na walang late or walang mamomove ang pag eexam.

"Alona Estrada" nag taas ng kamay ang babaeng chinita sa unahan.

"Miguel Evangelista" hindi pa nag sink in sakin ang pangalan na yun. Pero.. "Miguel Evangelista.." Tawag ulit ng proctor. "Wala pa si Mr. Evangelista?" Tanong niya at bigla namang bumukas ng pinto. May lalaking pumasok. Matangkad. Maputi. At masasabi kong gwapo siya.

"You are?" Tanong ng proctor namin.

"Miguel. Miguel Evangelista" napa awang ang bibig ko.. Alam ko. Na hindi lang nag iisa ang pangalan na yun. Pero.. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

Natapos ang exam namin at parang kilig na kilig si Lovi. Naiisip ko pa din ang lalaking pumasok kanina. Physically pasado siya bilang isang ideal man, perfect look para sa Imaginary boyfriend ko.

"Yannieee!! Totoo siya! Omg!!" Kilig na kilig na anunsyo ni ni Lovi.

"Malamang te. Totoo talaga siya! Artista kaya yan!" Sabi ni Marian.

"I know!! Ang gwapo niya sa personal!! Siya na Yannie! Siya na talaga!" Sabi ni Lovi na nag tatatalon pa. "Siya na ang perfect para sa isang Imaginary boyfriend!"

"What do you mean by that?" Takang tanong ko. "Kailangan mo siyang maging close! Para maging makatotohanan ang ginagawa natin." Suhestyon niya.

"Baliw kaba Lovi? Alam kong baliw ang plano kong Imaginary boyfriend pero duh. May baliw yang iniisip mo." Sabi ni Marian at inismiran si Lovi. Sang ayon ako sa sinabi niya.

"Nakita ko kung anong course niya. Yannie kapareho ng sayo! Tadhana na ang naglalapit sa inyo!" Ohmygash. Ang baliw na talaga ng kaibigan ko.

"Yeah right. Pareho man kami ng course but it doesn't mean na magiging mag kaklase kami."

"Malaki ang possibility! Basta. Ako ang bahala sa lahat. Mag kaklase man kayo o hindi!"

Ipipilit niya talaga ang gusto niya. Lord help me. Help me understand why Lovi is acting like that. Baka di ko na kayanin.

Imaginary BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon