Days passed, yung tipong hindi mo namamalayan na second semester na at take note midterm na. Ganun ata talaga kapag lutang ka. Madalas di ka aware sa mga nangyayari. Madalas kang wala sa sarili. Ikamamatay ko pa nga ata to dahil madalas akong wala sa sarili at kamuntik ng maaksidente, nangyari lang naman to nung--
"Hey. Hindi ka na naman nakikinig" nabalik sa realidad ang pag iisip ko ng mag salita ang katabi ko. Si Miguel.
"Ha? Nakikinig ako. Okay lang yan. Tuloy mo lang ang kwento." I heard him sighed. Tinaasan pa ko ng kilay.
"Wala naman akong sinasabi eh." Sabi niya. "Oh eh wala ka naman palang sina-" naputol ang sasabihin ko ng ma absorb ko ang sinabi niya. Wala siyang sinasabi. Sinabi kong ituloy niya ang kwento. Err.
"Seriously? Madalas ka ng ganyan. Wala ka sa sarili. May problema ka ba?" Tinignan niya ako ng may halong pag aalala. Boset. Ang gwapo. Nakakabaliw.
"Wala. Nako don't worry. Napuyat kasi ako eh. Pasensya kana talaga." I gave him an apologetic look. Mukhang na convince naman kaya ginulo niya na lang ang buhok ko. He always do that. And i'm used to it.
Sa totoo lang.. Madalas talaga akong wala sa sarili ko. As in. Sobra. Yung tipong malapit na kong masagasaan hindi ko pa alam. Hindi ko maintindihan. Nag simula kasi to nung.. Nung parang nalilink siya sa iba. Oo nag aaral siya.. Pero may trabaho pa din siya. May isa siyang project ngayon. Nag simula yun nung sembreak until now. Nalilink siya kay Karmina Reyes. Maganda siya. Compare to me, mas maganda siya. Simula nung pumutok ang balitang lumalabas sila. Palagi na akong lutang. Minsan nga tinatanong ko yung sarili ko eh. Pero hindi ko naman din makuha yung sagot. Gusto ko ba siya? Hindi. Eh bakit ako ganito? Kasi wala lang. Oh diba? Mukha akong tanga.
Pakiramdam ko gusto ko siya. Pero pakiramdam ko din hindi. Magulo kasi. Hindi ko siya pwedeng gustuhin eh. Though kapangalan niya ang 'Imaginary boyfriend' ko.. Hindi talaga eh. Speaking of that. I already told that thing to him. Pinag tawanan niya ako. Kinuwento ko yun kala Lovi and it freaks them out. Kukurutin daw nila sa singit si Miguel. Kahit daw napaka gwapo nito.
Mga baliw sila. And speaking of Lovi and Marian. They teasing me! May crush na daw ako kay Miguel. Wala naman. Maybe that's the reason kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Kasi niloloko nila kong dalawa. Feeling matchmaker. Hindi ko gusto si Miguel. Oo gwapo siya, matangkad. Ang ganda ng ilong, ng labi. Lalong lalo na yung mata niya. Ewan ko ba. I love seeing his eyes. Hindi naman ako ganito kay Marco dati. And speaking of Marco. We study in the same university. Lokong yun. Naalala ko na naman yung nangyari nung birthday ni Liza. And even Nicole study here. At sila pa rin. But I don't care.
Naglalakad kami palabas. Uwian na. Sasabay umuwi samin sila Marian and Lovi. Ihahatid kami ni Miguel. I forgot to say, my parents already met Miguel. Tuwang tuwa si mama kasi he knows Miguel. Napapanood niya daw ito minsan kapag break niya sa office. Si Papa naman akala niya boyfriend ko si Miguel. Napagalitan pa ko. Bakit papalit palit ako ng boyfriend. Like duh? Well, I can't blame him. Hindi niya naman kasi alam nun na wala na kami ni Marco.
"Huy. Kanina pa nag riring yang phone mo. Sagutin mo na." Tinignan niya ang cellphone niya na parang naiirita. Sinilip ko yun. At nakita ko sa caller ID kung sino ang tumatawag.. 'Karmina'.
Ini-slide niya ito pa kaliwa. Meaning pinatay niya ang tawag. Bakit kaya?
"Bakit hindi mo sinagot? Sino ba ang tumatawag?" Tanong ko na kunwari'y walang alam.
"It's Karmina." Wow hindi man lang nag sinungaling. Good boy. "Nakakainis. I already told her na wag akong tawagan kapag nasa school ako. Malamang Tita Fel told her na ganitong oras ang uwian ko." Iritadong sabi niya. Si Tita Fel, kapatid siya ng mommy ni Miguel. Wala kasi ang parents ni Miguel dito. Kaya si Tita Fel ang nagsisilbing guardian nito. Nakilala ko na siya noon. Kaso masungit eh. Halatang ayaw sakin.
"Chill. Ayan na sila Lovi. Halika na." Aya ko sa kanya palapit kala Lovi. They hugged me as if hindi kami nagkita kanina after lunch break.
Sumakay kami sa van nila Miguel.
"Hi Manong Greg!" Hyper na bati ni Marian. Kinawayan at nginitian lang siya ni Manong Greg. Madalas kaming ihatid nila Miguel kaya close si Marian at si Manong. Mabait naman kasi siya. Nakikisama sa kalokohan ni Marian.
Tahimik kami sa biyahe. Actually kami lang ni Miguel ang tahimik. Maingay kasi si Marian tsaka si Manong Greg. Si Miguel naman, naka tingin lang sa bintana. Ako sa tabi niya ay nakating lamang sa kanya. Naalis ang tingin ko sa kanya ng hawakan ni Lovi ang kamay ko. Tinignan niya ako na para bang nag tatanong kung ayos lang ba ako. Ngitian ko lamang siya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.
Nakarating kami sa village namin at nag paalam sa isa't isa. Nag paalam ako kay Miguel at nginitian niya lang ako. Baka pagod lang siya..
Sa loob ng ilang buwan. Halos marami na rin ang nangyari. Hindi ko akalaing magiging close ko siya eh. Hindi ko akalaing siya ang kusang lalapit sakin nung unang araw ng klase. At hindi ko din inakalang sasama siya sakin sa araw araw. Mabait si Miguel, sweet siya. May times na ang sarap niyang kaltukan kasi ang arte niya. Ang bossy! Kailangan kapag sinabi niya sundin mo. Pero kapag nainis kana susuyuin kana niya. Kung ano anong wacky pose ang gagawin mapangiti ka lang niya. And to be honest, being with him helps me forget Marco. Hindi naman sa ginamit ko siya para makausad sa sakit na nararamdaman ko. Natulungan niya lang ako without knowing na nakakatulong siya sa pag momove on ko. Basta magulo eh.
He makes me smile. I always feel safe whenever i'm with him. Masyado na kaming close. Tipong napagkakamalan na kaming may relasyon. Sa school kilala siya, ofcourse artista siya. Kaya madalas akong pag chismisan ng mga babae sa school. May mga natutuwa naman kasi nakikita nila na bagay kami. Pero sinasabi ko sa kanilang. Kaibigan lang ang turing naman sa isa't isa.
And by thinking about the old days.. Makes me realize something. And i'm afraid..
I know. I like him.
-
Can I request?
Kung may nag babasa man.. Please. Leave some comments. Something that will motivate me para matapos ko to :)
VOTE AND COMMENT? Thanks.

BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romance"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...