Hinila niya ako palabas ng bahay nila Liza. Hindi niya ako binalik sa table namin nila Marian."S-salamat." Sinabi ko yun pagkahinto namin sa labas. "Wala yun. Okay ka lang ba?" Tumango ako.
Sumandal siya sa pader at ako nananatiling naka tayo lamang sa gilid. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nabigla ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
"H-hindi mo na sana sinabing g-girlfriend mo ako." Naka yuko ko itong sinabi.
"Sinabi ko lang yun to stop him. Mukha na siyang baliw. Bayolente. Baka kung ano pang gawin niya sayo." Hindi ko din alam kung bakit ganun ang inasta ni Marco.
"Pasensya kana." Hinawakan niya ang chin ko at iniangat ang mukha ko.
"Stop saying sorry. Kahit sinong babae ang malagay sa ganung sitwasyon ay hindi ko naman hahayaan."
Oo nga naman. Somehow I feel special. Pero mali eh. Kasi kahit sino nga namang nasa sitwasyon ko tutulungan niya. Hindi lang ako.
"Halika. Bumalik na tayo sa loob." Hinawakan niya ang kamay ko pero pinigilan ko.
"W-wag mo na kong sabayan. Baka kung ano pang isipin ng mga tao." Ngumiti siya sakin. "Ayos lang. Halika na." Hindi ko na siya napigilan. Sinabayan niya pa din ako sa pag pasok sa loob.
Nag aya na akong umuwi dahil nawala na ako sa mood. Naiisip ko pa din ang nangyari. Yung ginawa ni Marco. Minamabuti kong wag na lang sabihin sa kanila ang nangyari. Basta gusto ko na lang umuwi sinabi ko na lang na hindi maganda ang pakiramdam ko.
Habang nag papaalam kami kay Liza ay napapansin ko ang pag titig sa akin ni Miguel. Nahihiya ako sa kanya. Kung may nakarinig sa amin kanina ay malamang kumalat iyon. Ayokong madamay siya samin ni Marco. Hindi ko naman din maintindihan ang ginawa ni Marco. He has Nicole now. Ano ba ang gusto niya? It's been a month. Yes. I'm still into him. Pero it doesn't mean I want him back..
Sa kotse ay tahimik lamang ako. Samantalang ang dalawa ay tuwang tuwa dahil nakausap daw nila si Josh at Archie. Aware naman silang masama ang pakiramdam ko kaya hindi naman nila ako kinukulit. Masaya sana ang gabi kong ito kung hindi dahil sa ginawa ni Marco.
Nag paalam ako sa dalawa at sinabing mag iingat sila sa pag uwi. Kahit na napaka lapit lang ng bahay nila sakin. Nag diretso ako sa kwarto ko at nahiga. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Handa na akong mag move on. I already start moving on. Pero ano bang ginawa niya? Why did he have to do that? Bakit niya pa ako niyakap? Alam kong mahal ko pa din siya. But I know this love is wrong. Hindi ko na maramdamang tama pa ito.
-
Ngayon ang unang araw ng pagiging college student ko. I'n excited but a little bit nervous. Ito ang unang beses na walang Marian at Lovi sa classroom. Ngayon lang kami nag hiwahiwalay. But we need this. Ito na ang simula ng buhay namin ng hindi dumedepende sa presensya ng bawat isa.Pumasok ako sa loob ng classroom. May mga tao na sa loob pero halata namang hindi pa kami kumpleto. Naupo ako sa bandang dulo. Yung iba ay mayroon ng mga nakakausap. Yung iba ay mag isa. Kagaya ko.
Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ding prof. May mga nag tatanong na ng pangalan ko at masaya ako dahil ang friendly nila.
Bumukas ang pinto dahilan kung bakit natahimik ang lahat.. Kahit ako na tahimik ay naging tahimik sa pag iisip. Tila ba huminto ang pag takbo ng isip ko.. Mag kaklase kami.
Naghahanap siya ng mauupuan. Sa tabi ko.. May bakanteng upuan. Nakita niya yun. At nakita niya rin ako. Naka ngiti siyang lumapit sa akin.
"Yannie?" Nakangiti pa rin siya. "Miguel.."
"I'm glad we're classmates." Sabi niya sa akin at hindi pa din nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong nag bubulungan sila. Oo nga pala. Hindi basta basta ang lumapit sakin. Sikat siya.
"Kamusta? Matagal na din simula nung araw na nakilala kita." Panimula niya ng hindi ako sumagot.
"I.. I'm fine. Oo nga eh. Ikaw ba? Kamusta ka?" Tumango siya at ngumiti. "I'm doing good. Glad to be back. Namiss ko mag aral eh."
Sasagot pa sana ako pero dumating na ang prof. Puro introduce yourself lang naman ang nagyari. Paulit ulit sa halos walong subject.
Lunch break na namin at nagulat ako ng mag aya siyang kumain. "Sabay tayong mag lunch. My treat."
"Ha? Wag na. Nakakahiya eh." Ngumiti siya sakin. Madalas siyang ngumiti.
"It's okay. Tara na." Nauna siyang lumabas kaya sumunod lang ako. May dalawa pa kaming subject na susunod. Magkaiba ang schedule namin nila Marian.
Halos lahat pala ng subject ay magkaklase kami. Mukhang mapapadalas ang pag sama niya sa akin.. Pero sana wag na lang.
-
![](https://img.wattpad.com/cover/3719529-288-k145756.jpg)
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romance"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...