Nagkausap kami sa phone ni Marco kagabi. Pagod na pagod siya sa practice. Halata nga eh, kasi nakatulugan niya ako. Pero it's okay. I understand. Kahit ako naman ang mapagod at makatulugan siya maiintindihan niya din.
Inexpect ko na din na hindi niya ako masusundo. Ganun siya kapag napagod sa practice. Malalate siya kinabukasan at hindi papasok ng first subject. Ilang months na lang gagraduate na kami. Ilang months na lang Senior year na kami. Hindi pa namin napag uusapan kung saang university ba kami papasok. I have options naman na kaso hindi ko pa nasasabi sa parents ko kahit kela Lovi.
Pagdating ko sa classrom si Lovi pa lang nandun. Wala pa si Marian, himala.
"Goodmorning!" Bati niya sa akin.
"Morning. Where's Marian?"
"Ah. Padating na din yun."
Tumango lang ako at naalala ang plano nilang dalawa. Ano naman kaya ang gagawin nila. What if.. Hindi mag work? What if masayang lang ang effort nila? Si Marco kasi.. I never see him jealous. Wala naman kasing ibang lalake ang lumalapit sakin. Siya lang. Well may mga nagtakang pumorma sakin. Pero simula ng maging kami wala na. Takot lang nila sa gwapo kong boyfriend.
Pagpasok ng teacher ay tsaka naman ang biglang dating ni Marian, first time niyang malate kaya hinayaan lang siya ng teacher namin. For the record never na late yang si Marian.
"Bakit ka late?" Tanong ko pagkaupo niya sa tabi ko.
"Later, you'll see." Sabi niya tsaka nakipag apir kay Lovi.
Hinayaan ko na lamang at nakinig sa teacher. Math pa naman ito. Pinaka ayokong subject. Hmp!!
After our class bumaba kami para kumain. Marco texted me na sasabay daw siya kumain samin. Sinabin ko sa dalawa na sasabay daw si Marco samin kumain at pumayag sila. Agad agad. Usually mag iinarte pa si Marian. Pagagalitan niya muna kami ni Lovi pero ngayon.. Pumayag siya agad. Wow.
Pagpasok namin ng canteen nakita ko agad si Marco. He waved his right arm. Ang cute ng boyfriend ko!
"Hi." Bati niya sakin tsaka umakbay. "Sorry kagabi. I fell asleep. Tsaka hindi na din kita nasundo napagod talaga ako eh." He apologized.
"It's okay. Alam ko naman na yun. Tara na lets buy some foods." Inaya ko din sila Marian sinabi mauna na kaming pumila.
Marami na naman ang naka tingin samin. Lalo na't kasama ko si Marco. Ang dami kong kaagaw sa kanya. But good thing he's mine. Kaya mainggit sila sakin!
Bumalik kami sa table at masayang nag uusap si Marian and Lovi. May pagkain na din sila. Sa kabila pala sila pumila. Kinausap nila si Marco as if wala silang issues dito. Ayaw kasi nila si Marco para sakin. Babaero daw. Eh hindi naman hays.
"Yannie?" Biglang may tumawag sa pangalan ko at nagulat ako dahil si Leo yun. Kaklase namin siya.
"A-ano yun?" Tinitignan din siya nila Marian.. Even Marco. Nakita kong may hawak siyang boquet. The fudge. Don't tell me ibibigay niya sakin yun?!
"Ahm. Kasi may naghahanap sayo kanina sa labas. Sakto na ako yung napag tanungan niya. Kilala naman kita kaya ako na yung inutusan niya. Pinabibigay sayo." Iniabot niya sa akin ang boquet. Tinignan ko si Marco. Hindi ko maintindihan ang expression sa mukha niya.
"S-sino daw siya?" Tanong ko.
"Ah. Miguel? Naka sulat naman diyan yung pangalan niya. Sige mauna na ako." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
Binasa ko ang nakasulat sa card. "Miguel Evangelista." Isang boses ang malakas na nag basa. Si Lovi. And yes. Nag simula na nga sila sa plano nila.
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romance"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...