Chapter 3

590 27 4
                                    


Pagkatapos ng break time namin ay bumalik na kami sa classroom. Hindi pa ubos ang oras para sa break time namin. Puro kwentuhan lang ang ginagawa namin. Tungkol sa mga artista. Na-showbiz kasi ang pag iisip netong si Marian.

"You know what Yannie.. May naisip ako." I looked at her, naka point yung index finger niya sa chin niya. Para bang nag iisip talaga. "Ano na naman yan Marian?" Si Lovi na ang nag tanong.

"Lets play a game." A smile form on her lips. Yung malokong ngiti. "What? Play a game?"

"Yes.. Lets prank Marco." Hindi ko pa alam kung anong gagawin niya pero against na agad ako sa naiisip niya. "No way. Why would I do that? Alam mong I won't let that happen Marian." She rolled ger eyes. Si Lovi naman tahimik lang para bang nag hihintay lang siya sa sasabihin ni Marian.

"Hindi naman masasaktan si Marco. Actually it's for a good purposes naman. Titignan lang natin if.. He would be jealous." Sinabi niya yun na parang bang may ningning sa mga mata niya. "Jealous? Anong klaseng prank ba yang naiisip mo?" Tanong ni Lovi.

"We will create something.. An ideal man. An Imaginary boyfriend!" Napanganga ako sa sinabi niya. Baliw na talaga tong kaibigan ko na to.

"Marian. Baliw kana. Seriously Imaginary boyfriend? I don't need that. I already have a boyfriend. Nice try Marian." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Come on! Subukan lang natin. Promise. Give me some week.. Kami ng bahala ni Lovi. Promise! Makikita mo kung kaya niya bang mawala ka sa buhay niya." Nailing na lang ako sa sinabi niya. Nag bell na ang ring kaya bumalik na kami sa kanya kanyang upuan. Si Marian naman parang nababaliw dahil ang laki ng ngiti sa mga labi niya. Crazy girl.

-
After our class nakatanggap ako ng text kay Marco. Saying sorry kasi he can't bring me home. May practice sila ng basketball. Mahigpit pa naman ang coach nila. Kaya hinayaan ko na lang ayoko namang mapagalitan siya dahil lang sa akin.

"Sabay kana samin Yannie." Sabi ni Lovi. Naglalakad kami palabas ng school. Iisang village lang kami kaya okay lang kung mag sabay sabay kami. Tsak mag lalakad lang kami pauwi. Namiss ko din to. Maglakad pauwi.

"I have a plan." Biglang bulaslas bi Marian. Ayan na naman siya. "What is it?" Interesadong tanong ni Lovi.

"Para maging makatotohanan ang plano natin, we should create a name. Yung gwapong pangalan. Yung talagang kaselos selos pangalan pa lang!" Sabi ni Marian. Si Lovi naman. Parang may naisip na kaagad kasi parang kinilig siya.

"Ohmygash!! Daniel Padilla!" Sigaw ni Lovi. "No way! Too obvious Lovs." Patuloy sila sa pag susuggest ng pangalan at sa kalsada pa talaga?

Patawid na kami ng muntik ng mahagip ang pusa ng isang jeep. Malayo pa lang ito ay nabasa ko na ang nasa itaas ng jeep. Naisigaw ko ang pangalan na iyon dahil sa gulat.

Napahinto naman ang dalawa sa pagtatalo at parang naliwanagan sa sinabi ko. "Kyaaa!! Miguel Evangelista!!" Sigaw nilang dalawa. Napailing na lang ako sa kabaliwan nilang dalawa.

Miguel Evangelista? Seryoso. Napaka gwapong artista nun. Kilalang kilala. Ayun talaga ang gagamitin nila? Tss.

Imaginary BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon