Liza invited us to attend her birthday party. Nang tanungin ko siya kung ano ang mga dapat isuot ay sinabi niyang bra at panty. Napaka baliw din. Pero kahit ano lang daw. It's her 18th birthday. Ayaw niya ng casual gusto niya eh yung ordinaryong party lang. Parang sa disco or bar. Tinext ko si Marian and Lovi at sinabi nilang susunduin nila ako. Simula ng dumating sila dito ay hindi pa kami nagkikita ulit.Narinig ko ang busina ng kotse at alam kong sila Marian na yun. Bumaba ako at nag paalam sa kasambahay namin. Sumakay ako sa kotse.
"Waaah! I love your bangs!" Bungad sakin ni Marian.
"Ang ganda naman ng outfit mo Yans! Lakas maka Amor Powers!" Binatukan ko siya sa sinabi niya. "Baliw ka talaga."
Nakarating kami sa mansyon nila Liza. Liza is a close friend. Kaklase namin siya at kahit papano ay close kami sa kanya.
"Happy birthday." Bati ko sa kanya at nag beso. Iniabot ko sa kanya ang regalo ko. "Thanks for the gift. Halika dito kayo maupo. Enjoy the party ha!" Sabi niya at nagpaalam sandali.
"Ang daming boys. I saw Archie. Ang gwapo gwapo niya." Madiin na sinabi ni Marian. Si Archie ay kateam ni Marco sa basketball. Gwapo siya at matangkad.
"Look Lovi! Si Josh oh. Yung crush mo!" Kinurot siya sa tagiliran ni Lovi. "Shut up! Mamaya ay marinig ka niyan." Pinandilatan siya ni Lovi.
"And. oh. my. god." Dahan dahang bulaslas ni Marian. Nakatalikod ako sa direksyong tinitignan niya. Dahan dahan akong lumingon at nakita kung sino ang tinitignan niya.
Si Miguel.
Anong ginagawa niya dito? Kaibigan ba siya ni Liza?
"Hindi ko akalaing kilala siya ni Liza.. I mean sinong di makaka kilala sa kanya. Hindi ko lang ineexpect na.. Mag kaibigan sila." Bulaslas ni Marian.
Naupo sa kabilang table si Miguel. May kasama siyang dalawang lalake at isang babae. Lumapit si Liza sa table na iyon. Napatingin siya sa direksyon namin.
"Guys! I want you to meet, Rozen, Mike, Jena and Miguel. Mga pinsan ko." Sabi ni Liza samin. Nagulat ako ng ipakilala niya ito samin.
"H-hi." Sabay sabay naming sinabi. "Cous. Mga classmate ko, this is Marian, Lovi and Yannie." Pakilala niya samin. Nag hi ang tatlo at ngumiti lamang si Miguel. Shocks.
"Napaka gwapo." Bulong ni Marian sakin. "Ang gwapo nung Rozen." Bulong din sakin ni Lovi.
Hindi ko maintindihan ang dalawang ito. Kanina lamang ay kilig na kilig kay Archie at Josh.
Sa kalagitnaan ng kasiyaha ay nag paalam ako na mag pupunta lamang sa CR. Nabigla ako ng makasalubong ko si Marco.
"Yannie." Tawag niya sa pangalan ko. "Uhm. Hi." Pagkasabi ko nun ay yumuko na ako at nag lakad pero sinundan niya ako.
"How are you? Kamusta kayo ng Boyfriend mo?" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"A-ayos lang. We're doing good."
"Bakit hindi ko nakikita na sinusundo ka niya?" Tinignan ko siya sa mga mata. Bakit gusto niyang malaman? Nag seselos ba siya?
"Ah kasi.. H-hindi niya naman ako sinusundo. Sa b-bahay namin doon siya nag pupunta." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Really? Yannie tell me.. Wala ka naman talagang boyfriend di ba?" Hinila ko ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan.
"Bitawan mo ko Marco. Baka may makakita pa satin." Lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sakin.
"Yannie mahal mo pa din ako diba?"
"Bitawan mo na ko please. N-nasasaktan ako!" Niyakap niya ako at pilit ko siyang tinutulak.
"May problema ba dito?" Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap. Si.. Miguel.
"M-miguel.." Tawag ko sa kanyang pangalan. Tinignan siya ni Marco. "Miguel?" Tanong nito.
"Yannie may problema ba?" Tanong ni Miguel. Lumapit ako sa tabi niya. "W-wala. Umalis na tayo dito." Hinila ko siya pero pinigilan kami ni Marco.
"Siya ba ang Miguel na yun? Siya ba ang boyfriend mo?" Sasagot na sana ako ng biglang sumagot si Miguel.
"Ako nga. Kaya tigilan mo na ang girlfriend ko."
-
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romance"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...