Kahit ganun eksena ang naabutan ko hinintay ko pa din si Marco. Kailangan ko siyang makausap. Mahal ko siya. Hindi niya kailangan mag selos kay Miguel kasi hindi naman siya totoo. Imaginary lang siya. Si Lovi at Marian lang naman ang may gawa sa kanya.
"Yannie. Sumama ka samin!" Mag proprotesta pa sana ako sa pag hila sakin ni Marian pero hindi na ako naka palag. Hinila nila ako paakyat ng rooftop. At sinenyasang wag akong maingay. Naguguluhan ako pero sinunod ko sila. Dahan dahan nilang binuksan ang pinto. May dalawang taong nag uusap doon.
"Mahal pa rin kita."
"Ako rin naman! Matagal na kong naghihintay! Matagal na! Kinailangan ko pang magkaron ng girlfriend para kalimutan ka. Pero mali eh. Kasi mahal parin kita.." Yung boses na yun. Alam kong.. Alam kong siya yun. Naka bukas ng kaunti ang pinto, sinilip ko yun at hindi nga ako nagkakamali. Siya yun. Sila ni Nicole yun.
"Umalis na tayo." Sabi ko at tumakbo pababa.
Masakit. Sobra. Pakiramdam ko at guguho ang buong pagkatao ko sa narining ko. Buong oras at araw na kasama ko siya.. Lahat yung nilaan ko ang pagmamahal ko. Pero I'm not enough. Fuck. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.
"Yannie!!" Naririnig kong tawag nila sa akon pero pumara ako ng taxi.
Nagpahatid ako sa isang tahimik na lugar. Sa isang park na madalang ang tao. Gusto kong mapag isa. Gusto konh sarilihin ang sakit. All this time.. Ako lang yung nagmamahal. Isang taon eh. Punyeta yan. Kulang na lang ibigay ko yung buong ako. Yung pinaka iniingitan ko para lang masabing buong ako yung nagmamahal sa kanya. Pero hindi siya nakuntento. Hindi pa ba ako enough? O sobra ako para sa kanya? Ano nga ba sa dalawa?
Sumalampak ako sa damuhan. Ayun na yun eh. Ayun na yung moment na sana sinampal ko silang dalawa. Pero hindi ko ginawa. Dahil duwag ako. Dahil naiisip ko pa lang na harap harapan siyang pipili.. Pakiramdam ko madudurog ako..
"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang eh. Hindi ko din alam kung saan ako nag kulang.." Bulong ko sa sarili ko.
Suddenly, Marian and Lovi's plan pop out in my mind. Imaginary boyfriend. Haha that thought made me laugh. Kung magkakaron man ako ng Imaginary boyfriend.. Yung hindi ko katulad. Yung hindi tanga. Handang lumaban pero hindi habangbuhay na tanga. Hindi sukdulan ang katangahan. Ibibigay lahat para lang maramdamang hindi ka mag isa. Ipaparamdam na hindi lang ikaw yung nagmamahal. Na dalawa kayo sa isang relayon.
Pero Imaginary nga lang eh. Imahinasyon. Ikaw lang ang may gawa. Ikaw lang ang nag iisip. Almost perfect. Pero hindi totoo.
Mag aala-sais na ng umuwi ako. Hindi ko nadatnan si Mama at Papa. Malamang ay nasa trabaho pa. Puro text at tawag si Lovi and Marian sakin. Pinatay ko ang cellphone ko. Naligo ako natulog.
Kinabukasan. Nagulat ako ng gisingin ako ni Mama at sinabing nasa baba ang boyfriend ko. Natigilan ako saglit at iniisip na baka panaginip lang ang mga nakita ko.
Naligo ako at nag bihis ng uniporme pagkatapos ay bumaba na. Nakita ko siyang nakaupo sa sala. Nginitian niya ako. Matipid akong ngumiti.
"Kumain muna kayo. Maaga pa naman." Anyaya ni Mama.
"Hwag na Ma. Sa school na lang." Hinalikab ko siya ag Nagpaalam. Ganun din si Marco.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Naiiyak na ako. Sinyales na ba ito? Mamaya ba ay ano ng mangyayari?
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Tahimik kaming bumabiyahe pero naramdaman niya siguro ang kakaibang tahimik na meron ako. Tumango lamang ako sa tanong niya.
Nakarating kami sa school ng wala na ulit imikan. Bago ako pumasok sa classroom ay nagsalita siya.
"Lets eat our lunch sa rooftop. I.. I have something to tell." I stiffed. Ayoko siyang lingunin. Pero sandali akong tumingin sa kanya. At tumango.
Kagaya kahapon wala akong naiintindihan sa lesson namin. Muntik pa akong mapagalitan ng teacher namin sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Hinayaan niya na lang ako at sinabing mag pahinga na lang muna.
Tumunog ang bell. Senyales na oras na. Nag paalam ako sa dalawa. Sinabi kong mauusap kami ni Marco. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at nag diretso sa rooftop.
Pagaktay ko ay nandun na siya. For the first time. Nauna pa siya sakin. Excited siguro siya. Excited siyang sabihin na hindi naman niya talaga ako mahal.
"Hi." Ayun lang ang nasabi ko. Tumabi ako sa kanya. May konting space sa pagitan namin.
"Kumain muna tayo." Saad niya. Tahimik kaming kumain. Hindi ko naubos ang pagkain ko dahil ang bigat ng pakiramdam ko.
"Yannie.." Tinignan ko lang siya ag hinihintay ang sasabihin niya..
"I.. I'm sorry.." Yumuko siya. Yunpa lang ang sinasabi niya pero naluluha na ako. "Sorry? For what?" Patay malisya pa Yannie.
"I lied. Matagal na panahon. I'm so sorry. Mahal ko pa rin siya.." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tuluyan na itong bumagsak.
"Maghiwalay na tayo Yannie." Ano pa nga ba? Ayan naman talaga ang sasabihin niya.
"Ayos lang. Masaya ko para sayo." Tumayo na ako. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm so sorry.. I hope you too will be happy.. That Miguel Evangelista.. Subukan mo. Maybe he's the one." Mas lalo akong naiyak. Sana nga eh. Sana totoo na lang siya.
"Oo na naman. Sasagutin ko na agad siya. M-mabait naman siya." Sagot ko at paalis na sana ako pero pinigilan niya ko ulit.
"Wait. I thought.. You don't know him?"
"Ah. Sorry. I lied. I just said that kasi I don't want you be jealous at him. Sorr nag sinungaling ako. Nagkikita kami noon pa. Sorry." Umalis na ako ng tuluyan. I'm such a liar. Sa tingin ko ba mapag seselos ko pa siya? Sa tingin ko ba nasaktan ko siya? I know it's not.
How I wish Miguel Evangelista is real..
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Lãng mạn"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...