Nakasalubong ko sila Marian. Kitang kita ko sa mga mata nila ang awa. Pero ayokong kaawaan nila ako. Dahil mas nasasaktan ako. Sinabi nila wag na kaming pumasok at mag stay na lang sa bahay ni Lovi. Pumayag ako. Dahil alam kong hindi ko na din kakayanin.
"Dito na kayo matulog. Saturday naman na bukas eh. Tumawag na lang kayo sa mga parents niyo." Sabi ni Lovi. Pumayag ako. Alam kong papayag din naman sila Mama. Ayoko din na makita nila na ganito ang mata ko. Namumugto at sigurado akong masesermonan ako ni Papa.
Kinuwento ko sa kanila ang naging usapan namin. Pati ang pagsisinungaling ko na nagkikita kami ni Miguel.
"It's not your lost Yans. I never been in love. Never been in that situation pero nakaka relate pa din naman ako. We got your back, okay?" Sabi ni Marian at ina alo alo ang likod ko.
"Itutuloy natin ang plano." Bulaslas ni Lovi. "Patuloy ang role ni Miguel Evangelista sa buhay mo. Panindigan natin ang sinabi mo. Hindi ako makakapayag na siya lang ang masaya." Galit na sabi ni Lovi.
"Pero Lovi. Do you think na magiging masaya ako kung tutuloy mo yung plano? Kayo lang ang gagawa ng move para magkaroon ng isang Miguel Evangelista."
"Hindi. Basta tuloy ang plano. Wag na tayong mag talo tungkol doon. Basta kami ang bahala. Tutulungan ka namin mag move on." Sabi niya pagkatapos ay niyakap ako.
I'm blessed I have a sweetest yet crazy, bestfriends.
Kinabukasan nagising ako at nakitang tulog pa ang dalawa. Napatingin ako sa salamin at nakitang mugto ang aking mga mata. Nakakahiya at baka makita ako ng parents ni Lovi na ganito ang mata. Baka kung ano ang isipin nila.
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita may mga message si mama. Alas otso palang ng umaga. Tulog pa ang dalawa at wala akong magawa. In-on ko ang wifi at nag decide na nag facebook sandali. Pero pinagsisihan ko iyon..
Bungad sa newsfeed ko ang isang litrato.. Si Nicole at si Marco. Magkahawak ang kanilang kamay. "I miss being with you, baby girl" that's the caption. He really loves that girl. He never posted a picture of mine. He never posted a picture of us.. An he never calls me baby girl. Damn.
Pinatay ko ang cellphone ko at nag tungo sa banyo. Naiiyak na naman ako. Parang hinihiwa ang puso ko. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko alam kung bakit ganito. Agad agad, sila na? Wala man lang pakundangan? Hindi man pinaabot ng isang linggo? Hindi naba talaga uso ang 3 month rule?
Naghilamos ako at nag desisyong lumabas. Nag iwan akong notes sa gilid ng lamp shade ni Lovi at sinabi kong babalik din ako kaagad. Nag tungo ako sa park.
May mga batang nag lalaro. May ilang couples din na nandito kahit napaka aga pa. How I wish.. Ganito din kami ni Marco noon. Masaya naman ako sa kanya. Tinanggap ko kung ano lang yung kaya niyang ibigay. Kaya nga mas ako yung nagmahal. Kaya ako rin yung mas nasaktan. Ganun naman talaga dapat diba? Punan kung ano yung kulang ng kapartner mo? Kasi kung pareho kayong magkukulang walang mangyayari.. Pero ganun din pala. Kahit punan mo. Iiwan at iiwan ka din..
"Miguel! 'tong batang to kay likot oh!" Sabi ng isang Yaya sa alaga niyang bata.
Miguel.. My Imaginary boyfriend. Simula ngayon.. May boyfriend na ulit ako. Si Miguel. Siguro it willhelp me to ease the pain. Kahit papaano mababawasan siguro nito ang kirot sa puso ko.
Kailangan ko lang isipin na totoo siya. Kailangan makita ni Marco na hindi lang siya ang nakahanap ng taong mahal siya at mahal niya. Ako din.
Hindi man niya nakikita kung sino nga ba talaga ang Miguel Evangelista na yun.. Ang mahalaga nakikita niyang may ibang nag papasaya sa akin sa paraang hindi niya nagawa noon.
He never introduce me to his parents. Sa kapatid niyang si Mari, yes. Pero accidentally lang. We met her sa mall. At alam kong she doesn't like me. But it's okay. Mahal ko yung kapatid niya kaya hinayaan ko. Kasi yung kapatid naman niya yung mahal ko. Kasi nga lang.. Hindi pala ako mahal.
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romance"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...