Chapter 16

162 14 1
                                    


Today is saturday. Walang klase. Si Marian kasama si Archie. And Lovi is with Josh. How cute. Sila na ang may date. And i'm happy for them. Effective ang love potion na ginawa namin. Charot lang. Masaya ko para sa kanila. Kasi finally nililigawan na sila ng mga crush nila. Si Marian, parents niya mismo ang dahilan kung bakit nagkalapit sila ni Archie. Pinakilala ito sa kanya, kasi mag best friend pala nung highschoool si Tito Melvin (Marian's dad) and Archie's Dad. Ayun. Nakakuha siya ng chance para makausap si Archie.

Si Lovi naman, isang beses umuwi siya ng late. Muntik na siyang mapahamak but  suddenly, Josh came. Tinulungan siya nito. Kaya ayun. Nagliligawan na sila. Mabait naman si Josh and Archie. Although may pagka mayabang ang dating but they are both okay and gentlemen.

Since I don't have anything to do, I decided to go to the mall. Ang lumbay ng buhay kapag ganito, My parents are both busy. I wish I have my own sister, o kaya kuya. Hmp! Mahirap talaga kapag parehong may trabaho ang parents mo. Madalas mas okay na sila sa iisang anak.

-
Nag punta ako ng mall, and I decided na ako na lang ang mag maneho. Marunong naman ako, at pinapayagan naman ako nila Papa, tamad lang talaga ako mag drive.

Pagkapasok ko sa mall, diretso kaagad ako sa National Bookstore. Gusto ko sanang bumili ng libro, para libangan lang in case magkaroon ulit ng ganitong scenario. I'm sure mas dadalas ang ganito, magkakaroon na ng love life ang dalawang best friends ko. Yes I'm happy for them, pero hindi pa rin maaalis sa akin na malungkot. Mawawalan na ako ng kasama every weekend. I mean, may kahati na ako. Siguro if Marian and Lovi can read my mind, napalo na nila ako sa kung saan mang parte ng katawan ko ngayon.

Nakabili ako ng tatlong book, balak ko pa nga sanang bumili ng mga sampu. Haha. Kaso naalala kong may mga homeworks din pala ako, hindi naman palaging always free ako sa mga gawain sa school.

I was about to call Lovi ng biglang mag vibrate ang phone ko. Someone's calling me..

And it's him.

I don't know what to do. Naaalala ko kasi bigla na I admitted na. I like him. Alam kong makakaramdam ako ng awkwardness. Sasagutin ko na sana ng bigla nag end ang call.

Ako na ang tumawag. Baka kung ano pa ang isipin niya. Two rings and then he answered my call.

"Are you busy?"

"Woah. Wala man lang 'hello'?" I imagine his frowned expression. "Nasa mall kasi ako. Naka silent ang phone ko." Okay. I lied..

"Oh. Dumaan kasi ako sa bahay mo"

"Ha? B-bakit?"

"Hm. Nothing. Kakatapos lang kasi ng shoot ko, tapos I decided to drop by your house kaso wala ka." Parang kinokonsensya niya pa ako.

"Hindi ka naman kasi nag text, so where are you now?"

"Mall." Matipid niyang sagot.

"Mall? Seriously? Ang dami kayang tao."

"Okay. I'm going home na lang." Natahimik ako ng yun ang isagot niya. Parang tumigil sa pag function yung utak ko. "Ingat sa pag uwi. Bye"

Adik ba siya? Sabi niya nasa mall siya. Niloloko niya ba ko? Yun lang minsan ang kinaiinisan ko kay Miguel. Ang sensitive. Masarap siyang kasama, he makes me smile. Kaya nga I end up liking him. Hindi ko naman siya nagustuhan just because he has the same name sa 'Imaginary boyfriend' thingy na yan. Ugh.

Binalewala ko na lang ang nangyaring pag tawag niya sakin at pumasok sa isang fast food. Mag take out na lang ako at sa bahay ko na lamang kakainin.

-

Nang makauwi ako, dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Bitbit ang pagkain na binili ko. Binuksan ko ang TV at nilipat sa kung saan saang channel. I saw Miguel's new commercial. With Karmina. Yeah. Again. Love team sila eh. Ano pa nga ba?

Actually bagay nga sila eh. Pareho silang sikat. Maganda naman si Karmina. Morena. Sa tingin ko mas nakaka attract ang pagiging morena niya. Kwento ni Marian, mas maliit daw ito kumpara sakin. Nakita niya na kasi ito minsan. Nakasalubong niya sa isang hospital.

Hindi naman namin napag uusapan ni Miguel si Karmina. Nag sasabi siya tungkol sa trabaho niya pero si Karmina, never niya namang na kwento ito sakin.

Biglang nag ring ang phone ko, Lovi is calling me.

"Hey Lovs"

"Hi Yans! Ngayon ko lang nabasa mga text mo. Sorry ha"

"Nah. It's okay. Kasama mo kasi si Josh. Kaya alam ko naman"

"Huy!! Hindi naman. It's just.. I can't allow myself na humawak ng cellphone kapag kasama siya. Sinusulit ko lang naman ang pag tingin sa mukha niya." May kilig pa sa tono ng pananalita niya.

"Yeah. I know the feeling. I've been there." Natatawa kong sinabi.

"Kay Marco ba o kay..." Ayan na naman siya. Aasarin na naman ako. Tama naman sila. I like him. Pero ugh. Ayoko lang ng inaasar ako.

"Shut up Lovi." Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Baliw talaga.

"Kasi naman Yans. Sa amin kapa ba talaga mag tatago? Kami pa na best friend mo? Look. Wala naman akong nakikitang mali sa pagkakagusto kay Miguel. Ang gwapo kaya niya. And most of all, pareho sila ng pangalan ni Imaginary boyfriend mo. Malay mo meant to be kayo!" I rolled my eyes.

"Fine. I like him. Happy? Pero lately ko lang din naman na realize.. I like him. Yes. Pero not the way you like Josh. Hindi pa intense. Pwede pang pigilan."

"What? Pwede pang pigilan? Baliw kaba Yannie?"

"No. Lovi.. Ayokong lumalim yung pagkakagusto ko sa kanya. Ayokong isipin niya na nagustuhan ko siya just because he has the same name sa Imaginary Boyfriend na yan. Ayokong lumalim yung pagkakagusto ko sa kanya. Kung kaya pa namang pigilan. Edi pigilan." I heard her sighed.

"Yannie. It's not as if you're getting into relationship again. Bakit mo pangungunahan ang lahat? Nag uumpisa pa nga lang tatapusin mo na? I know you've got hurt. Parte yun ng pagmamahal right? Motto mo yun eh. Pero naiintindihan ko naman kung bakit ka ganyan."

Parte ng pagmamahal ang masaktan. Pero kung mahal niyo naman ang isa't isa.. Bakit kailangan ka niyang saktan? Bakit ganito? Pakiramdam ko, lahat ng sakit na naramdaman ko kay Marco.. Bumalik.

"I'm sorry Lovs. Let's talk about this some other time. Okay? I'll hung up now. Bye"

She said okay. Tapos ay in-end ko na ang tawag.

Nag facebook ako, tinignan ko ang facebook ni Marco. Sila pa rin ni Nicole. Bihira ko silang makita sa school. Kung makasalubong ko man sila. I'm with him.

Pero bakit nga ba ganito? Siguro nadala lang ako. Sa takot na baka lumalim yung pagkakagusto ko sa kanya.

-

VOTE AND COMMENT.
Pero sa tingin ko mas better ang comment :)

Imaginary BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon