Chapter 17

254 19 1
                                    



Monday came, at wala akong balak pumasok. Sana. Ayoko sanang pumasok dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko. Nilalamig din ako. Wala naman akong lagnat pero hindi lang talaga okay ang nararamdaman ko.

Napansin ni Mama na hindi ako okay. Pero sinabi kong okay lang ako para hindi na siya mag alala. Pinahatid niya na lang ako kay Manong Roger. Pumayag naman ako. Madalas kasi ay nag tataxi lang ako. Ayoko kasi talaga na nag da-drive.

Nakarating ako sa school pero ganun pa din ang pakiramdam ko. Mas lalo akong nilamig sa kotse. What more sa room? Dalawa ang aircon doon at mas malamig. And oh. Nakalimutan ko ang jacket ko.

Pagkapasok ko ng room ay nandun na siya. Ngumiti siya ng makita ako. Masaya ba siyang makita ako?

"Hey. Got a prob?" He asked when I sat down beside him.

"Ha? Wala ah." Tinignan niya ako at parang di siya naniniwala sa sinabi ko.

"You look pale. May sakit ka ba?" Tapos ay sinapo niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "Medyo mainit ka. Kagabi kapa ba may sakit?"

"Hindi. Wala naman akong sakit. Masakit lang ang ulo ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Sana hindi kana pumasok. Nag text kana lang sana sakin."

"Baliw ka? Mas lalo lang akong magkakasakit kapag nasa bahay ako."

"Ikaw bahala. Basta sabihin mo lang sakin kung hindi mo na kaya." Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Pagkaraan nun ay bigla na din dumating ang professor namin.

-

Lunch break, at medyo nanghihina na ang tuhod ko. Kumakalam ang sikmura ko. Kanina pa ko nagugutom. Si Miguel na lang ang bumili ng pagkain. Napansin niya din kasi na medyo hirap ako sa paglalakad.

"Pagkatapos mong kumain. Inumin mo to." Inabot niya sakin ang gamit. Nilapag ko yun sa tabi. Ugh. Medicines. Ayoko talaga ng umiinom ng gamot. Nakakasuka ang lasa.

"Bakit ang tabang?" Tanong ko sa kanya ng matikman ko ang pagkain na nabili niya sakin. Sinigang na baboy. Dapat maasim to diba?

"Matabang? Patikim nga." Tinikman niya ang sinigang at napasimangot. "Yannie ang asim kaya. Niloloko mo ba ko?" Uminom siya ng tubig. Ayaw niya ng mga maaasim na pagkain. Pero matabang naman talaga.

"No. Wala naman talagang lasa." Napanguso ako dahil nag sasabi naman talaga ako ng totoo.

Sinapo niya ulit ng kamay niya ang noo ko.

"May lagnat ka na. You should call your driver. Mag pasundo kana."

"May dalawang subject pa tayo Miguel. Tatapusin ko na lang muna yun." Umiling siya. Gusto niya namang sundin ko siya.

"No. You're sick. Sige, let's ditch our class. Para may kasama ka."

"Ayoko nga! Wag kana sumama. Ako na lang." Inikot niya ang mga mata niya. He look so cute. Pero naiinis ako sa kanya.

"Ayaw mo akong kasama? Bakit?" Gusto kitang kasama. Natatakot lang ako.

"Wala lang. I have reasons kung sakaling mag cut ako. Ikaw kasi wala naman."

"I have reasons too.. Sasamahan kasi kita."

-

Wala akong nagawa. Nag cutting nga kami. Hinayaan ko na lang din dahil masama talaga ang pakiramdam ko.

"Tinamad ka ba kaya sumama ka sakin?" Tinignan niya ako at nag taas ng kilay. Aba.

"Sinabi ko na sa'yo diba. Sasamahan kita." Sabi niya. Hindi ko na tinawagan yung driver namin. Since kasama ko naman siya, driver niya na lang nag hatid samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imaginary BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon