"Tigilan niyo na lang yan. Ako lang yung nasasaktan e." Kausap ko sila sa phone."I'm sorry Yans. Pero I told you right? I'm only doing this kasi.. It's for you. Wala kasi talaga akong tiwala sa boyfriend mo." Masakit para sakin na ayaw ng mga bestfriend ko sa boyfriend ko. Pero hindi ko naman pinipilit na gustuhin nila si Marco. Alam kong gago siya paminsan minsan. Madalas na ako yung nag sosorry kahit siya yung may mali. Pero mahal ko siya.
"Tomorrow Yannie.. Kapag hindi niya pa din inamin na nag seselos siya. Titigil na ako. But again I'm sorry. I love you Yannie!" Ramdam ko ang sincerity sa tono ng pananalita ni Marian.
"Yeah. I love you too Marian. And you too Lovi." After that iniba nila ang usapan. Hinihintay ko na naman ang message sakin ni Marco. Sa facebook even in twitter nag d-ddm din kasi siya minsan sakin. Pero ngayon? Wala kahit isa. Galit na naman siya sakin. Gusto ko siyang i-text at tawagan. Pero tama na muna siguro. Hahayaan ko muna siya. Baka makulitan lang siya sakin.
-
Kinabukasan hindi na ako nagulat ng wala kahit isang message ang nag mula sa kanya. Ako na na nanamn ang lalapit sa kanya. Mahal ko siya. Kaya kahit mukha na kong tanga kakahingi ng sorry sa kanya gagawin ko pa rin."Oh Yannie. Kumain kana muna." Aya sakin ni Mama.
"No ma. Hindi ako gutom e. Sa school na lang ako kakain. Bye." I kissed her cheek tapos ay nag diretso na ako palabas. Matamlay akong nag lalakad. Iniisip ko kung paano na naman ako hihingi ng sorry. Kung bakit naman kasi puro kalokohan ang naiisip ng dalawa kong kaibigan.
Pagpasok ko ng school ay tinitignan ako ng mga tao. Ang aga aga para sa chismisan. Hindi ko sila pinansin at nag diretso lang sa classroom.
"Goodmorning." Bati sakin ni Marian and Lovi. Matipid lang ako ngumiti sa kanila. Hindi naman ako galit sa kanila. Sadyang wala lang ako sa mood.
-
Break time namin at sinabi kong hindi na ako sasabay sa kanila. Pupuntahan ko si Marco. Nung una ay ayaw pang pumayag ni Marian pero napilit naman siya ni Lovi.
Nag lakad ako papunta sa classroom nila Marco. Hindi ko naman siya nakita sa canteen. Pag dating ko sa tapat ng classroom nila ay saktong lumabas naman si Ryan. His classmate.
"Ryan.. Si Marco?" Tinignan niya muna ako sandali.
"Ah. Wala siya sa loob eh. Baka nasa gym. Ang alam ko kasi may practice sila."
"Ganun ba. Sge salamat." Pagkasabi ko nun ay umalis na ako at pumunta ng gym.
Pagkarating ko doon ay wala namang nag lalaro. Pero.. Nakita ko si Marco. Hindi siya mag isa. Kasama niya si Nicole..
His ex girlfriend.
Umiiyak si Nicole. At nakayakap naman si Marco sa kanya. Parang kong naistatwa. Parang nadikit na yung mga paa ko sa sahig. Hindi sa nag hihinala ako. May tiwala ako sa kanya. Pero masakit lang makitang may kayakap siyang iba.
"Uy Yannie." Biglang may tumawag sakin. Dahilan upang mapalingon si Marco at Nicole sa kinatatayuan ko.
Nilingon ko ang tumawag sakin at nakita kong si Rolly yun. Ka-teammate ni Marco.
"Yannie." Bigkas ni Marco. Hindi na ako nag dalawang isip na umalis. Dumiretso ako sa CR. Hindi ko alam kung bakit ang sakit. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong umiyak. Wala lang yun. Kailangan kong iukit sa isipan ko na wala lang yun.
Nag bell ang ring kaya bumalik na ako sa classroom. Tinitignan ako ng dalawa pero nginitian ko lang sila. Buong klase ay lutang ako. Walang pumapasok na lesson sa utak ko. Kundi yung eksenang magkayakap si Marco at Nicole lang..
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romance"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...