Today is our graduation day. Hindi ako makapaniwala. Sobrang bilis lang ng panahon. Pero bakit ganun? Parang naiiwan ako. Parang hindi umuusad yung sakit na nararamdaman ko. Lalo na sa tuwing nakikita ko silang magkasama."Congratulations anak!" Binati ako ni Mama at niyakap, ganun din si papa. "We are so proud of you Yannie." Sabi ni papa tapos may inabot siya sakin na flower.
"Thank you sa inyong dalawa. I love you both." Maiyak iyak ko pang sinabi. Alam na din nila na wala na kami ni Marco. Hidi ko sinabi ang dahilan. Sinabi ko lang na ganun talaga, may mga relationship na hindi nag tatagal hanggang dulo.
"Congrats girls!" Bati ni Lovi samin. Nag group hug kami. "Saan kayo mag celebrate?" Tanong ko.
"May party sa bahay! Sabihin mo kala tito na samin na lang tayo mag celebrate. Pati ikaw Marian." Anyaya niya. Pumayag naman ako at sinabi yun sa parents ko pumayag naman sila. Magkaibigan ang Mama ko pati ang Mama ni Lovi. Kaibigan naman ni Mama at ng Mama ni Marian ang Papa ni Lovi. Kaya magkakaibigan din kami. Besties for life.
Pagkatapos ng graduation ceremony dumiretso kami sa bahay nila Lovi. Nauna na sila Lovi doon kaya sumunod lang kami.
Pagkarating doon ay kumain kaagad kami. Nag uusap ang mga parents namin. Nakikinig lang kaming tatlo. Dati ay madalas kaming magkaroon ng ganitong klase ng salo salo. Kasama ang mga parents namin naging madalang na lang ito ngayon dahil pare pareho silang busy sa mga trabaho nila.
Nag paalam kami nila Marian na pupunta lang kami sa garden. Hahayaan na muna namin ang mga parents namin mag usap usap.
"Yannie. Nag search ako about Miguel!" Bulaslas ni Lovi pagkaupo na pagkaupo namin.
"What? Hindi mo pa din ba siya titigilan?" Tanong ko.
"Never. Ever. You know what. Base sa research ko. Magaling siyang kumanta! 18 years old. Nasa New York ang parents niya. Ang daddy niya ay may tatlong company na hinahandle. Tapos ang mommy niya ay isang magaling na pastry chef! And.. May kapatid siyang babae. Miel Alena ang pangalan. 14 years old.." Patuloy pa siya sa pagkwento ng mga impormasyong nakalap niya sa internet.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pa siyang lapitan. Sapat naman na yung alam ni Marco na may Miguel ako. Kahit hindi niya nakikita. Kahit puro bulaklak na nagmumula sa isang Miguel lang ang alam niya. Sapat na sa akin yun..
-
Dalawan buwan na ang nakakalipas simula nung graduation. Ang boring ng buhay ko. Nasa Palawan si Lovi at nasa Tarlac naman si Marian sinama siya ng Mommy niya sa medical mission neto. Ako naman. Nandito lang sa bahay. Walang magawa. Walang makausap. Bakit ba kasi hindi ako biniyayaan ng kapatid? Now my life is so boring. Bakasyon pero ang parents ko nasa work. Si papa nasa US si mama naman nasa company para mag trabaho.Naligo ako at napag desisyunan kong mag punta ng mall. Naisipan kong manood ng sine.
Pumara ako ng taxi. At nagpahatid sa mall. Pinagsisihan kong hindi ako sumama kay Marian o kaya kay Lovi. Akala ko kasi mag aaya ng vacation sila mama. Pero hindi pala.
Pumasok ako sa isang shop na puro damit. The yellow dress caught my interest. Ang cute niya. Above the knee, at tube siya. Kinuha ko yun at binayaran na. Pumasok ako sa isang cafe at bumili ng frappe. Sandali ako naupo at hinihintay ang order ko ng makita ko ang isang familiar na mukha.
Si Miguel Evangelista.
Nasa dulo siya ng cafe. Nakaharap sa laptop. Walang gaanong tao sa pwesto niya. Busy siyang nakatuon sa laptop. Ang ganda ng mata niya.. Matangos na maliit ang kanyang ilong. Kulay brown ang kanyang buhok. Napaiwas ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Yannie.. Miss Yannie" tawag ng gumawa ng frappe ko. Madali ko yung kinuha at lumabas na. Sumulyap pa ako saglit sa kanya at nakitang naka tingin pa rin siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nag madali akong lumabas. Pinag pawisan ako doon.
May nadaanan akong isang beauty parlor. I'm bored. So I decided na pumasok doon at mag paayos ng buhok.
Matagal tagal na din simula ng nag paayos ako. I decided to have a bangs. Para maiba naman. Nagpa manicure and pedicure na rin ako.
Nagustuhan ko ang naging resulta sa buhok ko. Sa tingin ko mas naging maayos na ang itsura ko. "Ang ganda mo na lalo ma'am" puri sakin ng baklang ng ayos sakin.
"Salamat." Pagkatapos at binigyan ko siya ng tip at lumabas na ng parlor.
How I wish.. Ganito din ako tignan ni Marco.. But yeah. He has Nicole. He loves her. Wala akong laban.
BINABASA MO ANG
Imaginary Boyfriend
Romansa"Umasa lang naman akong makikita ko yung taong para saken. At umasa ako na ikaw yun. Umasa ako na para kang isang Imaginary boyfriend. Hindi kayang manloko, hindi kayang manakit. I thought you will treat me like a queen. But i'm wrong. Kasi ordinary...