(Flashback...)
Tumutugtog na ang musika. Ang lahat ng mga mata ay nakapako na sa akin. Halos hindi na ako makagalaw dahil sa sobrang kaba lalo pa at ang dapat na kapartner ko sa sayaw na ito ay nagkasakit.
Mag-isa akong nakatayo sa stage. Kabado at hindi alam ang gagawin. Hindi ko kaya 'to. Nangangatog na ang tuhod ko. Gusto ko nang umayaw pero hindi pwede. Kailangan ko 'to para maipasa ang subject na ito.
Bahala na si batman.
Humugot ko ng isang malalim na paghinga. Tinipon ko na ang lahat ng emosiyon kasabay pagpikit ko ng mga mata.
Pero bakit para akong nawawalan ng pandinig? Hindi ko masabayan ang tugtog. Hindi ako makafocus hanggang sa napako nalang ang katawan ko sa posisyong kanina ko pa hinahawakan.
Hindi ko 'to kaya.
Iminulat kong muli ang mga mata kasabay ng pagkaba pa lalo ng dibdib ko. Maraming ang nakatingin. Hindi na ako mapakali.
Hindi ko nga 'to kaya.
Tatakbo na sana ako pababa ng stage ng biglang isang kamay ang humawak sa kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya kasabay ng pagpatong ng kanyang isang kamay sa balikat ko.
Napatitig lang ako ng deretso sa kanyang mga mata habang patuloy na tumutugtog ang musika. Wala na akong nakikitang iba kung ang kanyang napakagandang mata na para bang hinihila ako sa isang mundong hindi ko aakalaing gugustuhin kong maging tahanan.
Kasabay ng pagbalik ng atensiyon ko sa ritmo ng musika ay ang hakbang niya na kaagad ko namang sinundan.
Isang sayaw.
Napaluha ako habang nakikita ang nakangiting mga labi niya. Mahigpit ang hawak ko sa kanya at ganun din siya sa akin. Sa isang iglap ay para bang nawala ang kaba ko. Nawala ang mga katanungang gumugulo sa isip ko.
Hanggang sa napagtanto kong nakakyanan ko na pala. Nagagawa ko na ang sayaw katulad ng napagpractice-an ko.
Ang hawak niya at ang tugtog ay binabalik ako sa panahong una ko siyang makilala.
18 years old ako nun. Sabi ko pa nga, ayaw ko na sa ideya ng pag-ibig. Pero kung nanaisin parin ng Diyos na ibalik ang pagtitiwala ko sa pagmamahal, nanghingi ako ng isang sign. Na Sana kung sino man ang taong itinadhana sa akin ay hindi na ako sasaktan at hinding-hindi ako iiwan. Sana yung taong yun ay kaya akong ipaglaban hanggang sa huli.
Kaya idinasal ko nalang ang isang sign kung kailan ko mahahanap at kung paano ko malalaman na siya na nga ang para sa akin. Malalaman ko lang na siya na talaga kung ang taong ito ay ang kauna-unahang tao na magbibigay sa akin ng pulang rosas sa loob ng simbahan. Alam ko na kasi kung gaano maglaro ang tadhana at wala na akong tiwala sa mga sinulid na nakikita ko. Ang sign na ito ay ang magiging basehan ko na ang Diyos talaga ang magbibigay sa akin ng taong mamahalin ko at hindi ang tadhanang mapaglaro.
Araw ng pag-ibig noon, habang nasa loob ng simbahan kung saan palagi kung sinasamahan si lola Ermita, una kong nakita ang kulay rosas na sinulid na bigla nalang tumali sa daliri ko.
BINABASA MO ANG
To (Not) Fall In Love
RomanceSi Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulma...