"No! No! No!" paulit-ulit kong sigaw sa harap ng diwatang si Masalanta kasabay ng pag-echo ng boses ko dito sa loob ng c.r.
"Yes! Yes! Yes!" sabi nito. Nang-iinis ba siya? Dahil ako naiinis na talaga. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko talaga ang pagsasabutahi ng lahat sa akin —ang damuhong si Shawn, ang nakakainis na diwatang 'to, ang tadhana at ang lahat-lahat na. Pinagkakaisahan talaga nila akong lahat.
"Hindi ako magiging isang matchmaker . Hindi ako sasama d'yan sa Shawn na 'yan," madiing sabi ko.
"Sige na Kendrick. Kailangang-kailangan ko ang tulong mo," pagmamakaawa niya. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat isipin. Dumagdag pa talaga 'tong si Masalanta.
"Sabihin mo, anong makukuha ko kung susundin ko ang request mo? Hindi 'to madali para sa akin." Kumuha ako ng sabon mula sa lalagyanan nito sa may gilid ng lababo at naghilamos na. May kailangan pa akong asikasuhin sa library at kailangan ko nang magmadali pero dahil sa mga asungot na 'to, late na naman ang aabutin ko.
"Bibigyan kita ng isang prebelehiyo. Ipapahiram ko sa'yo ang gintong gunting ko," sabi niya na ikinatigil ko sa paghihilamos. Napatingin ako sa kanya mula sa salamin.
"Gintong gunting? Ano 'yon?" tanong ko.
"Dahil binigyan na kita ng engkantasiyon, hindi mo na kayang pumutol ng sinulid ng tadhana pero kung tutulungan mo ako sa bagay na'to, ipapahiram ko sa'yo ang gunting ko pero isang beses lang. Pwede mong putulin ang kahit kaninong sinulid ng isang beses," sabi niya.
Napaisip naman ako. "Baka scam 'yan, Masalanta."
"Hindi nagsisinungaling ang mga diwatang katulad ko," sabi niya.
Napaharap naman ako sa kanya sabay pinagsingkitan siya ng mata. Hinihintay ko pa na sabihin niyang joke lang ang mga sinabi niya pero hindi 'yon nangyari. "Sure?"
"Promise."
"Okay, deal. Ano bang gusto mong gawin ko?" Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Mapuputol ko na rin ang sinulid na nakatali sa kamay ko.
"Kailangan mo lang sumagot ng oo sa proposal ng matchmaker," sabi niya na ikinagulat ko.
"You're kidding, right? Nahahalata ko na kayo ah. Pinagtutulungan niyo talaga ako," sabi ko.
"Hindi ah. Nagkataon lang na ang problema ko ay problema din niya," sabi niya.
Napagtaasan ko naman siya ng kilay. "You're not for real. Bakit hindi nalang siya ang hiningan mo ng tulong tutal magkatulad naman kayo ng paniniwala sa buhay tungkol sa pag-ibig at bonus pa na matchmaker siya. O di naman kaya'y ikaw nalang ang gumawa ng paraan d'yan sa problema mo tutal may magic ka naman."
"Hindi pwede. Ikaw lang nakakakita sa akin at 'tong problema ko na 'to ay hindi na saklaw ng mga kakayanan ko," paliwanag niya.
"Ano ba kasi 'yon?"
"Problema ko 'yong ghost bride sa may China Town. Ilang baranggay lang 'yon mula dito kaya sa tingin ko ay tamang-tama lang din na ikaw ang hiningan ko ng tulong."
"Ghost bride? Meron pa ba 'yon ngayon?" Hindi ko talaga alam kung gaano kalala ang problema ng diwatang 'to at nanghingi na talaga siya ng tulong.
"'Yun nga. Simula pa nun, isa sa mga naging problema naming mga diwata ng pag-ibig ay ang tradition ng mga chinese tungkol sa pagpapakasal ng isang buhay na nilalang sa yumaong anak nila. Napakahirap nito para sa akin lalo pa at sinisira nila ang balanse ng mundo at malas pa na ipinagbabawal sa aming mga diwata ang makialam sa ideya ng buhay at kamatayan ng isang nilalang. Sabi ko naman sa'yo dati pa na kung pwede lang kaming pumatay ay noon ko pa ginawa para matapos na'tong problemang 'to pero hindi maaari," paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
To (Not) Fall In Love
Storie d'amoreSi Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulma...