Chapter 5 | He Who Hates Love

26 1 0
                                    

Pamilya. Isang bagay na ang mga mapalad lang ang magkakaroon. Buong buhay ko, hindi ko naranasang magkaroon ng isang masayang pamilya —pamilyang masasabi kong totoo at kompleto. Buong buhay ko, alam ko nang hindi ko na talaga mararanasan ang magkaroon ng isang ina at ama. At kaiba sa lahat, isa sa pinakamalungkot na araw sa buong taon ay ang Parent's Day.

Hindi ko pa naranasang sumali sa mga palaro o kahit sa ano mang event tuwing Parent's Day.

Napaupo lang ako sa gilid ng gym ng paaralan habang pinapanood ang mga istudyante habang masayang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang. Ang iba'y masayang nagkukwentuhan sa gilid. Ang iba nama'y kumakain na ng sabay habang ako ay mag-isang nakaupo.

Tinoon ko ang lahat ng pokus ko sa paligid hanggang sa lumitaw sa paningin ko ang mga sinulid na kulay rosas. Kaiba sa mga nakikita kong mga kulay rosas na sinulid, ang mga sinulid na nakikita ko ngayon ay may buhay at makikinang.

True love.

Sana lahat may ganitong magulang. Yung mga magulang na pinagbuklod talaga ng totoong pag-ibig. Hindi katulad ko na nabuo lang dahil sa isang kamalian. Ang mama ko ay isang mapusok na probensiyana. Ang ama ko naman ay isang sundalong nangungulila sa totoo niyang pamilya. Talagang ang pag-buo sa akin ay isang kamalian.

Ramdam ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Ang saya nila tingnan ano?" sabi ko kay Acerel na hindi man lang siya nililingon.

"Nakakainggit nga eh. Pero hindi ko rin naman pwedeng pilitin ang mga bagay," sabi niya. Napalingon naman ako sa kanya. Nakatitig lang din siya sa mga studyanteng naglalaro kasama ang kanilang mga magulang.

"Bakit ka nandito? Nasan mga magulang mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Busy sila. Hindi ko rin naman sila pwedeng pilitin na pumunta dito. Tsaka, sanay naman din ako. Kahit nga dun sa nakaraang pinasukan kong paaralan, ganito rin. Tamang tingin lang sa mga naglalaro tuwing Parent's Day or aabsent ako. Ganun lang ang ginagawa ko," sabi niya sabay nilingon ako at ngumiti.

Napangiti naman ako ng pilit. "Pareho pala tayo. Ang kaibahan lang ay nad'yan pa ang magulang mo habang ako, ni anino hindi ko mahagilap."

"Ken, matanong ko lang. Ikaw ba, hinahanap mo parin magulang mo?" tanong niya.

Napaisip naman ako ng ilang segundo pagkatapos ay nilingon siya. "Noon hindi. Pero binigay mo sa akin ang sign na hinihingi ko kaya napag-isipan ko na siguro, oras narin para hanapin ang mga magulang ko."

Nakita ko naman ang pagtataka sa kanyang eskpresiyon. Napatawa nalang ako. "Teka, gusto mong makakita ng kakaiba? Give me your hand."

Napataas naman siya ng kilay.

"Basta, akin na kamay mo. But secret lang natin 'to okay?" Ibinigay naman niya ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pulso kasabay ng ekspresiyon sa kanyang mukha na para bang namamangha.

"Nabasa ko kasi sa internet na yung mga taong may third eye, kaya nilang maipakita sa ibang tao ang mga nakikita nila. Kaya sinubukan ko," sabi ko.

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon