Chapter 11 | He Who Take A Step Backward

4 0 0
                                    


He Who Take A Step Backward



'Hindi ko alam kong isa na naman itong laro ng tadhana ngunit sa tagpuan ni Bathala, palaging ikaw at ikaw ang naroroon. Ikaw ang palaging tunguhan ng aking bawat panalangin. Ang dereksiyon ng aking pag-ibig ay palaging sayo nakatutok.'

"Matagal na noong huli kitang nakita dito sa loob ng simbahan, Acerel," saad ni Father Diego kay Acerel kaya nakahanap naman ako ng tiyempo upang makapuslit papalayo sa kanya. Dumeretso na ako ng punta sa lugar na pag-aalayan ng mga kandila. Nasa labas ito ng simbahan kung saan malapit ang malaking rebulto ni Mama Mary. Kahit naman wala akong dalang kandila, naparito narin ako kasi nakagawian ko na ang pagtitig sa mga kandilang sabay-sabay na nakasindi.

Napahugot naman ako ng isang buntong-hinga. Sa totoo lang, hindi ko alam kong pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana o sadyang nang-iinis lang sa akin ang pagkakataon.

Napabaling naman ako ng tingin sa rebulto ng Inang Maria. "Talaga po ba? Parang inulit niyo lang naman po 'yong dati eh. At katulad lang din noon, baka sad ending na naman 'to. Sana hindi nalang kasi ako nanghingi ng sign."

" Huwag ka nang manisi," biglang sabat ni Acerel mula sa likuran ko. Ewan ko rin ba sa lalaking ito bigla-bigla nalang sumusulpot.

Tumabi siya ng tayo sa akin habang ako naman, hindi ko parin siya matingnan ng deretso. Naroroon parin kasi ang inis sa kaloob-looban ko.

Isang puting kandila ang iniabot niya sa akin. Kahit medyo nag-aalangan, tinggap ko nalang ito. Sa gilid ng aking mata, nakikita ko ngayon ang pilyong-ngiti na ginawa ni Acerel.

"Isang ngiti pa at tiyak akong dadapo na sa pisngi mo itong kamao ko," inis na sabi ko. Sinindihan ko na ang kandila ko gamit ang apoy mula sa kandilang hawak ni Acerel. Inilagay ko na ang kandila ko sa bakal kung saan ito dapat ilagay kung saan itinabi naman ni Acerel ang kanya.

Tsk! Sarap parin batukan ng mokong. Kung hindi lang talaga kami nasa simbahan ay kanina ko pa ginawa.

Sandaling bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatoon lang ang pansin ko sa apoy ng mga kandila na nasa harapan namin habang pinapakiramdaman siya sa gilid ko.

"Lord..." pagpuputol ni Acerel sa namayaning katahimikan. "... salamat po at kahit papaano ay wala na akong nakikitang luha sa kanyang mga mata. Kahit na medyo may inis at galit parin sa kanyang mata, okay na para sa akin 'yong hindi ko na siya nakikitang lumuluha."

Naibaling ko ang aking pansin sa kanya. Hindi ko alam ngunit ramdam ko mula sa kanya ang senseridad. Pero mahirap parin para sa akin. Kahit naman ang buong mundo na ang nagsasabing patawarin ko siya, hindi ko parin maiaalis na sakit.

Siya ang taong huli kong pinagkatiwalaan at siya rin ang huling taong nang-iwan sa akin kasunod ng aking ama at ina.

Ramdam ko naman ang pagharap niya sa akin. "Ken, I'm sorry. I'm very sorry for what I did. Alam kong nasaktan kita ng todo sa pag-alis ko."

Sa panahong ito, nagawa ko nang harapin siya at tingnan siya ng deretso sa mata. Kahit papaano ay naipaintindi ko na sa sarili ko ang mga bagay. Sa totoo lang, noon pa man ay naiintindihan ko na kaso natakot lang siguro akong harapin ang mga kasawian ko. "Oo at nasaktan ako noon pero hindi mo rin naman responsibilidad ang paghingi ng tawad sa akin. Noon pa man, alam kong wala rin naman akong karapatan, Noon pa man, alam na nating dalawa na walang tayo kaya wala ka ring dapat ikahingi ng tawad. Ako ang may mali. Ako ang naglagay sa sarili ko dito sa posisyon kung nasaan man ako ngayon."

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon