Chapter 2 | He Who Is Not Accepted

49 4 0
                                    

Madali kong tinahak ang isang maliit na eskenita at tumigil sa parte kung saan walang tao. Matapos kong makita ang nakataling sinulid sa kamay ko ay kaagad na akong tumakbo papalayo sa lalaking hindi ko naman kilala. Kumakabog parin ang puso ko kasabay ng emosyong hindi ko mawari kung ano. Basta naghalo-halo na ang lahat.

"Masalanta!" tawag ko sa diwata ng pag-ibig na noon pa may kinaiinisan ko na. Simula bata pa ako, alam kong ang mga katulad niya ay totoo. Palagi niya akong sinusundan at kalimitan ay nakakausap ko rin siya —siyempre patago lang akong nakikipag-usap sa kanya. Napagkamalan narin kasi akong baliw noong bata pa ako dahil sa nakikita ng ibang tao na kinakausap ko ang hangin. Pinapaliwanag ko naman sa kanila ang lahat kaso nang medyo nagkaisip na ko ay itinigil ko na. Na-realize ko kasi na kahit anong gawin ko, papaniwalaan parin ng mga tao ang gusto nilang paniwalaan. May mga bagay din na hindi abot ng kanilang pananaw sa buhay kaya pinili ko nalang tumahimik at mag-adjust.

Nakakapagod ding depensahan ang sarili ko para lang maintindihan ka ng ibang tao.

"Masalanta!" sigaw ko ulit ng hindi parin siya nagpapakita. Alam kong may kinalaman na naman siya sa sinulid na bigla nalang tumali sa kamay ko. Alam kong siya ang may kagagawan ng lahat.

"Ayaw mo talagang magpakita ha? Sige, ginusto mo 'yan." Kaagad kong pinagdikit ang mga palad ko at ipinuwesto ito malapit sa aking dibdib. Humugot ako ng isang malalim na paghinga sabay nanalangin.

"Magandan araw po sa inyo Lord, gusto ko lang pong isumbong sa inyo si Dian Masalanta dahil..." Hindi ko na naipagpatuloy ang panalangin ko ng bigla nalang umihip ang isang malamig na hangin kasabay ng paglitaw ng isang babae na kasaot ng puting gown, makikintab na mga ginintuang alahas at sapatos na may five inches na takong.

"Okay na, eto na. Panira naman 'to ng araw. Kita mo namang todo outfit ako ngayon tapos tatawagin mo lang ako dito sa maalikabog at maduming eskenita," pagmamaktol niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Simula bata pa ay pinagbilin na niya sa akin na huwag daw akong manalangin kay Bathala tungkol sa kanya. Ang mga panalangin kasing 'to ay naririnig ng Bathala at kung magkataon man na manalangin ako ng hindi maganda tungkol sa kanya, baka masira daw ang pangalan niya. Tsaka nahihiya na daw siyang humingi ng tulong kay bathala dahil marami na itong naitulong sa kanya.

Ayon sa kuwento niya, noong lumang panahon daw ay payapa pang namumuhay ang mga katulad niyang diwata kasama ang mga mortal na tao dito sa mundo. Mariang Makiling pa raw ang pangalan niya noon na tagapangalaga ng mga tao at ng pag-ibig. Dahil sa kanyang kapusukan at sa paniniwalang ang lahat ng bagay ay binuo ng pag-ibig, umibig siya sa isang mortal — ang kauna-unahang lalaki na naging babaylan. Napakakisig daw nito at napakaamo ng mukha. Dahil nga sa ito'y isang babaylan, malimit itong makipag-usap sa mga diwata lalong-lalo na sa kanya. Mas lumalim pa ang pagtingin niya rito hanggang sa napaibig na nga siya ng tuluyan. Niligawan siya nito at kalauna'y naging dahilan ang pagkakaroon niya ng nobyo na mawala ang buong pokus niys sa paggawa ng kanyang tungkulin. Napalagay na ang kanyang loob sa lalaki hanggang sa hindi na niya namalayang ang pag-ibig pala nito'y huwad. Ang kanyang balabal na hinabi sa gintong sinulid na nagtataglay ng kapangyarihang masilip ang tadhana ng isang tao ay ninakaw ng lalaki at ginamit ito sa kanyang pansariling kapakanan. Muntikan na raw masira ang balanse ng mundo noon at dahil sa sobrang lungkot at galit, nagpakamatay siya sa mismong bundok na ipinangalan din sa kanya. Dahil sa awa ni Bathala, binuhay siya nitong muli sa ibang katauhan at naging si Dian Masalanta. Binalikan niya ang kanyang huwad na nobyo upang bawiin ang pagmamay-ari niya pero huli na ang lahat. Ginawan ito ng orasyon ng lalaki at ikinintal ang bawat hibla ng sinulid sa mismong kaluluwa nito. Ang sabi ng diwata, sa bawat henerasyon na mula sa lalaki iyon ay may isang nilalang na magkakaroon ng kakayahang masilip ang tadhana ng bawat isa. Makukuha lang nito ang paunti-unting sinulid sa mga kaluluwa nito kung mamamatay ang mga may hawak nito. At ang sabi ng diwata, ako na raw ang huling nilalang na nagtataglay ng isinumpa niyang sinulid. Kaya naman binabantayan niya ako ng mahigpit. Aayusin niya sa kanyang sariling paraan ang kamaliang ginawa niya. Pero kahit na nakita na niya ang madilim na parte ng pagmamahal, hindi parin siya tumitigil sa pagkapit sa ideya ng pag-ibig na talaga namang hindi ko maintindihan.

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon