He Who Always Got My Back
"Mano po, La." Kaagad ko namang kinuha ang kamay ni lola Ermita sabay nagmano. Ganun din ang ginawa ni Acerel. Kababalik lang namin dito sa bahay mula sa paaralan. Alas otso na ng gabi. Under maintenance kasi ang library ngayon kaya maaga akong nakauwi. Pinili ko na rin na dito matulog sa bahay dahil tiyak akong malulungkot lang ako doon sa dorm. Ewan ko lang talaga kung bakit hindi na ako sanay na sa hinaba-haba ng panahon ay tumira ako doon ng mga-isa.
"Mag-ayos na kayo. Ihahanda ko na ang hapunan," saad ni lola. Kaagad naman kaming umakyat sa kwarto. Isinubsob ko agad ang sarili ko sa malambot na kama.
"Mauuna na ako sa c.r." saad ni Acerel. Hindi na ako nag-abalang sumagot. Nang makapasok na siya sa c.r. bigla nalang tumunog ang cellphone niya. Dahil sa kuryosidad, tiningnan ko ito at nakita ang tawag mula sa isang unknown number. Bago ko pa man ito masagot ay naputol na ang linya.
"Acerel! May tumatawag sa'yo!" sigaw ko para marinig niya mula sa loob. "From unknown number. Hindi ko nasagot kasi bigla nalang naputol ang linya."
"Hayaan mo nalang. Tatawagan ko nalang mamaya," saad niya.
Bumalik na ako sa pagkakahiga sabay napatitig sa kisame. Sino kaya ang tumatawag sa mokong? Hindi ko ugaling makiusyoso pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mag-isip.
Lumabas mula sa c.r. ang mokong na naka towel lang. "Hindi mo nasagot?"
"Hindi."
Dumeretso siyang kinuha ang cellphone niya sabay nai-check ito. Mababakas sa kanyang mukha ang pangangamba.
"Aleng Ermita!" rinig naming sigaw ng isang babae mula sa labas. Naibaling naman namin ang atensiyon namin pareho sa tawag. Para itong nagmamadali o kung ano man.
Sabay kaming napadungaw ni Acerel sa bintana kung saan kita namin ang harapan ng bahay.
Si Aleng Merna pala. Mahahalata sa kanyang mukha ang kaba at pagmamadali. Ilang segundo pa ay lumabas na si lola. Hindi pa man ito nakakalapit ay kaagad nang nagtapat si Aleng Merna. "Aleng Ermita, yung apo niyong si Jerome, binubogbog na naman ng ama niya."
Nanlaki nalang ang mga mata ko sabay napatitig kay Acerel na ngayo'y gulat din. Bigla nalang din akong nakaramdam ng kaba.
Kumaripas na ng takbo sila lola at Aleng Merna habang kaagad naman akong lumabas sa kwarto.
"Sama ako," saad ni Acerel.
"Nang naka tuwalya? Magbihis ka nga tapos sumunod ka nalang. Also, ikaw na maglock ng pinto." Madali akong tumakbo palabas ng bahay.
Dito sa amin, lalo na sa kanto kung saan naroroon ang bahay nila, alam na ng mga tao kung ano ang sitwasyon ni Jerome. Alam ng mgakapitbahay kung gaano kabrutal ang magulang niya sa kanya. Kahit naman mga chismosa silang mga kapitbahay, wala rin silang magagawa dahil away-pamilya naman ito kahit gusto nilang pumagitna. Tinatawag nalang nila si lola para ito na ang umawat.
Mabuting bata si Jerome at alam 'yon ng lahat. Oo at naichismis din nila si Jerome pero sa simula lang 'yon. Naunawaan naman nila ang sitwasyon kalaunan. Sa katunayan, mas tanggap pa nga ng mga kapitbahay ang pagkatao ni Jerome kaysa kina tito at tita. Maging ako, malapait din ako sa kanila lalo pa at halos ng mga taong nakatira dito ay may puwesto sa plaza.
Napatigil nalang ako sa katatakbo ng marating ko na ang harap ng bahay nila Jerome. Sa labas ng gate ay makikita ang mga nagkukumpulang tao—mga nakikiusyoso pero nakakatulong din naman tulad ni aleng Merna.
BINABASA MO ANG
To (Not) Fall In Love
RomanceSi Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulma...