Chapter 17| Fixing Me

3 0 0
                                    

Fixing Me



Tahimik ang bawat sulok ng sala. Matapos kaming makauwi, masinsinang nag-usap sina tita, lola, Jerome at Christian sa loob ng kuwarto na hanggang ngayon ay wala paring ni isa sa kanila ang lumakabas doon.

Si tito naman ay hindi naparito. Isa pa, hindi rin naman siya papayagan ni lola. Alam kong galit si lola sa kanya lalo pa at hindi parin niya matanggap ang pagkatao ng kanyang anak. Malaki naman ang pasasalamat ko kay tita. Kahit naman kasi na ramdam ko na naguguluhan pa siya ay nanaig parin sa kanya ang pagiging ina. Mas pinili parin niyang pakinggan at isipin ang kapakanan ng kanyang anak.

Naibaling ko naman ang tingin sa dalawang kasama ko dito sa sala. Si Acerel ay tahimik na nakaupo lang sa tabi ko habang si Shawn naman ay sumandal ng tayo sa pader. Tahimik siya habang naka-ekis ang kanyang mga kamay sa harap ng kanyang dibdib.

"Gutom na ba kayo?" pagpuputol ni Acerel ng katahimikan. Isang tipid na ngiti lang ang ipinukol ko sa kanya habang si Shawn naman ay wala pa ring imik.

"Maghahanda lang ako ng pagkain sa kusina." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papalayo.

Sandaling nanumbalik ang katahimikan sa paligid at pati narin sa puso ko. Sa kabila ng mga nangyari, para akong nabunutan ng timik sa damdamin.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Shawn sabay umupo sa tabi ko.

Nginitian ko siya. "So much better than you think. Salamat."

"Walang ano man. Consider this as my payment."

"Payment?"

"Sa request ko sa'yo noong nakaraan," saad niya. Bigla ko namang naalala ang mga nangyari nang gabing umalis siya sa unit.

"Seryosos ka talaga doon?"

Hindi niya ako sinagot ngunit naglahad siya ng isang ngiti sabay ibinaling ang tingin palayo sa akin.

"Hindi ko pa siguro naikuwento sa'yo ang buo kong rason kung bakit ko itinayo ang club ng mga matchmaker," pagsisimula niya. "Ang mga magulang ko ay matagal nang naghiwalay. Oo at magkasama parin sila sa pagpapatakbo ng negosyo namin pero hindi na bilang mag-asawa. They were more of like companion rather than of being lovers. Mahuli kasi ni mama na may ibang babae si papa at simula noon ay hindi na bumalik sa dati ang pagtitinginan nila. Heto naman ako, palaging tinutuksong nabuo mula sa galit o siguro ay sa pagiging horny lang ng mga magulang —walang pagmamahal. Ilang taon din akong nagduda sa sarili ko. Ilang taon ding tinanong ko ang sarili ko sa totoong depenisyon kung bakit ba ako nabuhay pa dito sa mundo hanggang sa narealize ko na siguro'y naubos na talaga ang pagmamahal ng mga magulang ko. At ayaw ko 'yong mangyari sa iba. Ayaw kong maranasan nila ang buhay na meron ako. Kaya binuo ko ang ganitong club kasama ang mga taong katulad ko ay naniniwala din sa isang mala-fairytale na love story. Noong una'y isang club lang talaga ito para sa mga students ng department namin. Nag-oorganize lang kami ng mga kasal o kung ano pa man hanggang sa pinasok na nga namin ang ganitong gawain."

"Pareho pala tayo. Ang kaibahan ko lang ay walang kabuluhan ang mga ginagawa ko. Sadyang panggulo lang sa buhay ng iba," saad ko sa mababang tono ng boses.

"Hindi naman sa ganun. Iba lang 'yong paraan mo pero at the end of the day, pareho lang din tayong naghahanap ng pagmamahal," saad niya ng may ngiti sa labi. "Nagkakamali tayo dahil tao tayo na nasasaktan. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi natin pwede itama ang mga pagkakamali natin."

Sandali akong napatahimik sabay napangiti. "Salamat at palagi kang nariyan, Shawn. Salamat sa lahat."

"Ilang beses ka nang nagpapasalamat, hindi ka ba napapagod?" pagbibiro niya.

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon