Kaagad naman akong napangiti ng marinig ko ang sinabi ni Madison. Tama talaga ang desisyon ko na ginawan ko agad ng paraan ang bagay na ito.
"I will send you my payment right away. After this, kailangan mo nang I-delete ang number ko at huwag na huwag mo na akong tatawagan o kakausapin," utos ni Madison mula sa kabilang linya ng telepono.
"Sure," sabi ko naman.
Kaagad kong ibinaba ang tawag sabay napahugot ng isang malalim na paghinga. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko kasabay ng pag-hila ng isang drawer mula sa kabinet ko. Kinuha ko kaagad ang isang maliit ng notebook at bumalik ka ulit sa pagkakaupo sa study area ko.
Mabuti at wala dito ngayon ang mokong na si Shawn kaya solong-solo ko ang unit. Napatitig naman ako sa listahan ko at napangiti.
"Konteng-konte nalang. Mabubuo ko na," sabi ko sa sarili ko sabay muling isinara ang notebook.
Nakakabagot ang araw na 'to. Alas dos ng hapon palang ay wala na kaming klase. Wala naman din ang mga barkada ko kasi wala din silang klase habang si Josh naman ay may trabaho pa. Wala rin ako pasok sa part-time job ko kasi may gagawing renovation sa library ngayon kaya nag-early out nalang ako sa utos din ng head library.
Binuhay ko ulit ang screen ng cellphone ko at kaagad na pinuntahan ang chat room ng barkada pero wala akong nakitang ni isang online sa kanila. Wala ring nag-message sa email at sa website ng 'The Break-Up Planner'.
Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa kama. Ilang sigundo din akong hindi gumalaw sa puwesto ko habang iniisip kong ano bang pwede kong gawin ngayon. Hindi naman kasi pwedeng maglibot-libot dahil malamang sa malamang ay mapapagastos ako ng wala sa oras.
Tumihaya ako at hinarap ang kisame. Siguro ay uuwi nalang muna ako kina lola. Mabuti narin 'to ng mabisita ko siya.
Napatayo akong muli sabay punasok na sa c.r. para maligo at pagkatapos ay nagbuhis. Kinalikot ko ang bag ko para hanapin ang paborito kong pabango ng bigla nalang sumagi sa isip ko ang card na nahanap ko sa locker ko kahapon. Kinuha ko ito at dumeretso sa cabinet ko. Hinila ko ang pinakaibabang compartment at inilagay ito kasama ang iba pang card.
"Kung sino ka man, sana itigil mo na 'to," sabi ko habang nakatitig lang sa mga cards. Sabi ng mga kaibigan ko, baka admirer ko raw. Kung totoo man, sana huminto na siya. Hindi niya deserve na mag-effort ng ganito lalo pa sa taong hindi naman itinadhana sa kanya.
Napalingon naman ako sa kama ni Shawn. Bigla nalang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kagabi.
'Matchmaker ako. Ako ang sumusulat ng tadhana. At malay mo, baka ako ang makakasagip d'yan sa puso.'
Napatitig naman akong muli sa mga card. "Isang taong may malalang paniniwala lang sa pag-ibig ang gagawa ng ganitong bagay sa loob ng mahabang panahon. Isang taong katulad ng isang matchmaker."
Baka si Shawn. Kilala niya na siguro ako bilang isang break-up planner at siguro, ginagawa niya lang ito dahil sa akala niya ay kailangan niya akong tulungan.
Napakagat naman ako ng ibabang-labi dahil sa pagtataka.
"Hindi naman siguro," sabi ko sa sarili ko. Napatitig akong muli sa kama niya. Kailangan ko ng patunay.
Kaagad akong pumunta malapit sa kama niya. "Hindi pa naman siguro dadating yung mukong na 'yon."
Madali kong binuksan ang cabinet niya at tiningnan ang loob nito. "Wow, malinis din pala sa gamit ang mokong na'to."
Nagtungo naman ang tingin ko sa mga compartment na nasa ibaba. Kung siya man ang nagbibigay sa akin ng mga ganitong cards, I'm sure may mga bagay dito na pwedeng magsasabing siya nga ang gumagawa nun.
BINABASA MO ANG
To (Not) Fall In Love
Storie d'amoreSi Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulma...