Chapter 18| End Game

5 0 0
                                    

End Game



"Congrats sa atin guys!" excited kong sigaw ng makita ko ang mga mokong sa harap ng auditorium na nasa third floor ng building ng IC department. Kaagad naman kaming nag-group hug.

Wala akong paglagyan ng tuwa ngayon. Sa hinaba-haba ng prosisyon ay nakarating narin kami sa aming patutunguhan.

"Hello po," bati ko sa mga magulang na kasama nila ngayon. Napangiti naman ako ng bumati din sila sa akin pati narin kay lola Ermita na kasama ko. Nandito rin ang nanay ni Jerome na siyang dadalo para sa kanya.

Napabaling ang atensyon ko sa paligid. Medyo dumadami narin ang mga taong nandito. Sa hindi ko inasahan, napangiti nalang ako ulit ng makita ang mga schoolmates kong may ngiti rin sa kanilang mga labi habang nakasuot ng itim na toga. Ramdam ko rin ang pagiging proud ng bawat magulang na nandito.

"How do I look?" tanong ni Marielle sabay inilahad ang kanyang suot na itim na toga.

"Dahil graduation natin ngayon ay pagbibigyan ka namin. You look beautiful," pagbibiro ni Claire. Napatawa naman kami.

"Am I late?" Sa mataong lugar, nakarinig kami ng isang boses hanggang sa lumitaw na sa aming paningin si Shawn na hingal na hingal. Nakasuot lang siya ng normal na damit. Hindi kasi sabay ang araw ng graduation ng department sa college nila kaya ganun. Kaagad naman siyang bumati sa mga magulang namin.

"Just right on time," saad ko kasabay ng isang ngiti.

"Pasok na po tayo sa loob para makaupo na po kayo," saad ni Josh sa mga magulang namin. Kaagad namang sumang-ayon ang lahat. Papasok na sana kami ng bigla nalang akong pinigilan ni Shawn.

"I have something for you," saad niya. Nagtaka naman ako ngunit hindi nalang din ako nareklamo. Pumasok na ang iba sa auditorium maliban sa akin at kay lola Ermita.

Inilabas ni Shawn ang phone niya kung saan nakita kong nasa linya ng video call si Acerel. Napangiti naman ako.

"Congrats Ken," saad nito kasabay ng isang ngiti. Alam kong busy siya sa buhay niya sa ibang bansa. Kahit ngayon, alam kong nasa loob siya ng isang opisina na sa tingin ko'y opisina ng tatay niya. Sa loob ng ilang taon, wala siyang ginawa kundi ang magfocus sa pag-aalaga ng kanyang magulang at sa kanilang negosyo. Madalang na nga rin namin siyang makausap at naiintindihan din naman namin. Para rin ang ginawa niya sa sarili niya at sa pamilya.

"Salamat Acerel," saad ko.

"Anyways, tara po sa labas," anyaya ni Shawn kay lola Ermita. Napakunot naman ako ng noo.

"Ano na naman 'to?" pagtataka kong tanong kay Shawn kung saan isang ngiti lang ang kanyang isinagot sa akin. Hindi nalang din kami nagtanong ni lola. Sinundan nalang din namin siya papunta sa labas ng building at dumeretso sa may parking lot.

Napatigilan naman ako ng makita ang isang babaeng nakatayo malapit sa kotse ni Shawn. May ngiti sa kanyang labi at mga luhang namumuo sa gilid ng mata.

Si mama.

"Kaya ako natagalan papunta dito kasi sinundo ko pa si tita sa airport," saad ni Shawn.

"Thank you," nakangiti kong sabi. Napabaling naman ako ng tingin sa mama kong ngayo'y lumuluha na rin. Oo at masyadong mabato ang daanang tinahak ko at ng mama ko pero wala na akong galit sa kanya. Matagal ko nang pinalaya ang sarili ko mula sa puot.

***

(flashback...)

Nangangatog na ang tuhod ko. Nasa harap ako ng gate ng isang bahay. Ayon kay Shawn, ito daw ang address na tinutuluyan ni mama. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Kagabi pa ako nag-iisip kung paano ko siya kakausapin pero hanggang sa puntong ito ay hindi parin ako mapakali.

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon