Chapter 14| To Fall Out Of Love

4 0 0
                                    

To Fall Out of Love



Alas-otso na ng umaga. Nahanap ko ang sarili ko na inaayos ang suot kong uniform sa harap ng salamin dito sa loob nd dormitory. Masyado ring tahimik ang buong kuwarto. Hindi kasi umuwi dito si Shawn kagabi. Simula ng mga pangyayari kahapon, ni anino niya ay hindi ko pa nakikita.

Naibaling ko ang tingin sa kanyang kama. Hindi parin mawala-wala sa isip ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata kahapon. Dahil doon, hindi rin ako mapalagay. Gusto ko siyang kausapin ngunit tila ba ay masyado pa siyang busy na kahit ang pag-uwi dito sa tinutuluyan naming dorm ay hindi niya magawa.

O sadyang iniiwasan niya ako?

Napahugot ako ng isang malalim na paghinga kasabay ng pag-upo ko sa kama ko. Muli kong hinawakan kinuha ang bouquet ng bulaklak na bigay sa akin kahapon ni Shawn.

Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba akong matuwa dahil bumalik na siya? Kung ganoon ay bakit parang may boses sa kaloob-looban ko na nagsasabing hindi ako dapat matuwa. Hindi parin ako mapalagay.

Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa unan. Kahit kailan talaga hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

Bigla kong naramdaman ang paglakas ng ihip ng hangin. Rinig ko rin ang kaluskos ng mga papel sa paligid na tila ba'y liliparin. Nang tuluyan ng mawala ang hangin, isang malalim na pahinga ulit ang ginawa ko habang nakasubsob parin ang mukha sa unan.

"What do you want?" walang buhay kong tanong. Hindi na ako nag-atubiling lingunin siya dahil alam ko namang ang diwatang si Masalanta na naman ang makikita ko.

"Wala naman. Gusto ko lang i-check ang kalagayan mo," saad niya. "And I'm quite a bit happy."

Napaharap naman ako sa kanya sabay irap. "Happy?"

Napaupo nnaman siya sa kama ko. "Well, kind of. Atleast ngayon, hindi ka na gaanong sakit sa ulo ng mga diwatang katulad ko. Atleast ngayon, nandito ka nalang sa kuwarto at nagmamaktol."

Minsan din, nakakinis rin ang diwatang 'to na dahilan ng pag-iisip ko kung mababait ba talaga sila o hindi. Dapat tinutulungan niya ako o kung ano man pero heto siya ngayo't natutuwa pa dahil napapadili ang trabaho niya.

Ibinalik ko na ulit ang mukha ko sa pagkakasubsob sa unan.

"Come on, Ken. Cheer up," saad niya na nakakainis talaga.

" Tumahimik ka nga. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka rin sa mga nangyayari," saad ko sa kanya. Totoo naman. Dahil sa kanya, dalawang sinulid na ngayon ang nakatali sa akin na talaga namang nagpapahirap sa damdamin ko. Pangalawa, dahil sa alok niyang pagpapahiram ng gintong gunting, nagkasala pa tuloy ako sa pinsan ko at pangatlo, kung hindi dahil sa pakakamali niya noon ay wala sana akong sumpa ngayon —ang kakayahang makakita ng sinulid ng tadhana at pag-ibig.

"Okay. Alam kong may mali rin akong nagawa at sorry para sa mga 'yon. Kaya nga kahit hindi pwedeng makipag-koneksiyon ang mga katulad ko sa mga mortal ay sinuway ko para lang magabayan lang kita," pagpapaliwanag niya.

"Huwag mo ako lokohin. Gusto mo lang talagang hintayin na mamatay na ako para mawala na ang ibedensiya ng mga kamalian mo noon."

Rinig ko ang paghugot niya ng isang malalim na paghinga. "Well, kasali na rin 'yon doon pero ang siste, may limitasyon din ang mga kakayahan naming mga diwata. Minsan din nagkakamali kami katulad sa mga nangyayari ngayon. May mga bagay na hindi na namin saklaw at kasali na rin doon ang hindi makialam sa problema ng mga tao. Siguro nga tama rin ang sinasabi ng mga mortal. Minsan ay wala rin kaming kuwentang mga nilalang. Magaling lang kami sa pagreremedyo at ang pagtakpan ang mga kamaliang nagawa namin noon."

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon