Chapter 12 | He Who Was Cursed To Sail On Two River

3 0 0
                                    


He Who Was Cursed To Sail On Two River



"No way," bulalas ko ng marinig ko ang sinabi ni lola.

Ilang minuto lang matapos kaming makarating dito sa bahay at sa hindi ko inaasahan, binati pa ni lola Ermita si Acerel ng may ngiti sa labi. Nasabi ko kasi kay lola ang nangyari kanina. As usual, may konteng sermonan na naganap pero hindi rin nagtagal ay kumalma ang lahat. Alam ko naman kasing hindi rin matitis ni lola Ermita ang mga apo niya. Kumuha ako ng panglinis sa sugat sa loob ng kuwarto ko at tiyempong pagbalik ko ay ang pagsasalita nga ni lola.

"Dito na muna titira si Acerel, apo. Kawawa naman kasi at nagamit niya ang naipon niyang pera," saad ni lola sa akin.

"La naman. Huwag ka ngang nagpapaniwala d'yan. Marami pa 'yang pera," saad ko. Lumapit na ako sa walang imik kong pinsan at sinimulan ng gamutin ang sugat niya.

"Ano ka ba, Kendrick. Hindi ka ba naaawa sa batang ito? Siya na nga yung tumulong tapos ganyan ka pa umasta," saad ni lola.

Napatitig naman ako kay Acerel na para bang nagpapaawa na akala niya'y malilinlang ako.

"Okay lang po lola Ermita. May isa kasi d'yang ayaw sa akin kaya huwag nalang po nating ipilit. Kaya pa naman po siguro 'tong natitira kong pera. Maghahanap lang siguro ako ng mapagtatrabahuan sa lalong madaling panahon," pagpaparinig ng mokong na talaga namang nakakainis kung pakinggan.

Napabuntong-hinga ako.

"Sige La. Basta sa kwarto mo siya matutulog."

"Abay hindi pupwede 'yan. Sa kuwarto mo matutulog si Acerel.," saad ni lola.

"Hindi ako papayag," saad ko.

"Hindi mo ba alam na siya ang nag-ayos ng butas na bubong d'yan sa kuwarto mo? Tsaka siya rin ang tumutulong sa akin dito sa bahay. Isa pa, naalala ko pa noon, doon naman talaga sa kwarto mo natutulog si Acerel kapag ginabi siya dito sa bahay ah?"

"Okay lang, La. Hindi na ako mamimilit," paawa na naman ng mokong.

"Okay," inis kong sabi. "Pero umayos ka Acerel ha."

Nakita ko naman ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Kung pwede ko lang talaga siyang batukan sa harap ni lola ay ginawa ko na kanina pa. Nasagi naman sa mata ko na nakangiti rin si lola Ermita.

"Masyado ka nang napaghahalataan, La," parinig ko.

"Siyempre. Ano ba't madagdagan na naman ang matatawag kong apo. Bonus pa na gwapo." Pinisil naman ni lola ang pisngi ni Acerel na talaga namang nakakasuka. Ang Acerel naman ay para bang ginanahan pa.

Napabaling naman ang atensiyon ko nang bigla nalang inilayo ni Jerome ang kamay ko habang ginagamot siya.

"Labas muna ako," walang buhay niyang sabi.

"Jerome! Ano bang nangyayari sa'yo?" Napataas naman ng boses si lola ngunit wala paring emosyong naikintal sa mukha ni Jerome. Ang tangi ko lang nakikita ay ang kapaguran.

"La, please. Magpapahangin lang ako sa may bakuran. Excuse me," deretsong naglakad papalabas ng bahay si Jerome. Papagalitan pa sana siya ni lola ngunit pinigil ko nalang.

Lumapit ako kay lola. "La, ako na munang bahala sa kanya."

Deretso ko nang sinundan sa labas si Jerome. Alam kong may pinagdadaanang mabigat ang pinsan ko at sa tingin ko'y may arte ako kung bakit siya nagkakaganito.

***

'Kailan mo masasabing okay lang na hindi maging okay at kailan mo masasabing hindi na okay ang hindi maging okay?' Nakakalitong-tanong ngunit sa likod ng isipan ng mga taong makakarinig nito ay alam kong mapapaisip din sila kung paano nila sasagutin ang tanong na ito. Marami rin kasi sa atin ang nakakaranas ng hindi maging okay at alam na alam kong sa panahon ngayon, marami sa kanila ang hindi okay.

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon