To Fall In Love
Napababa ako sa jeep na medyo naiilang. Paano ba naman kasi? Kasama ko ngayon ang damuhong Acerel.
Napatitig naman ako sa screen ng cellphone ko ng bigla nalang itong tumunog.
"Nasa harap kami ng building," saad ni Marielle sa kanyang text message.
Napabaling naman ako ng tingin kay Acerel na ngayo'y nagpapatay-malisya na para bang hindi ko pansin na nakikibasa siya sa message ko.
Inirapan ko lang siya sabay naglakad na ulit.
"Sungit," rinig kong sabi niya na hindi ko nalang pinansin.
Habang naglalakad sa may hallway ay ramdam ko naman ang tinginan ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero pinakiramdaman ko lang sila hanggang sa napagtanto kong hindi sila sa akin nakatingin kundi sa lalaking nasa likod ko.
"Kinda hot huh?" inis kong saad sa kanya. Hindi naman sa nagseselos ako o kung anuman pero ayaw ko lang talagang madamay sa mga ganito. Tama na siguro yung may mangilan-ngilang pinag-uusapan ako dahil sa pagiging break-up planner ko. Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga bashers ko sa buhay.
"As always, baby," saad niya na pabulong.
"Eww." Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Binilisan ko talaga ng konte para hindi makasabay sa lakad si Acerel ngunit humahabol parin ang mokong.
Nang makarating na kami sa harap ng college building ay bumungad sa akin ang kakaibang titig ng mga barkada ko. Alam ko na namang hindi na naman nila ako tatantanan sa kakatanong nito lalo pa at mga praning 'yong mga 'yon.
As usual, hindi ko nakikita si Jerome. Nitong mga nakaraang araw, hindi na siya sumasama sa amin.
"Ehem," pagpepeke ni Claire ng ubo. Kaagad siyang lumapit na akala ko'y ako ang pupuntahan niya ngunit hindi pala. Dumeretso siya kay Acerel sabay inilahad ang kamay niya upang makipag-shake hands. "Hi. Claire nga pala."
Kaagad namang tinanggap ni Acerel nag kamay niya. Sumunod naman si Marielle at nagpakilala na para bang hindi nila ako nakita.
"Ang lalandi ah?" pagbibiro ko.
"Che! Manahimik ka. May Shawn ka na," saad ni Marielle. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko ang matalim na titig ni Acerel sa akin na talaga namang nakakailang.
"Tara na nga," saad ko sa kanilang apat. Naglakad na ako papasok ng building. Kahit na pareho kami ng department ni Acerel ay iba naman ang program namin. Mas mabuti narin 'to at nang mahiwalay naman ang paningin ko sa kanya.
"Susunduin kita mamaya," saab niya.
"Sa dorm ako uuwi," maikli kong tugon.
"Nope. Sa bahay ka uuwi," saad niya na para bang nagtatampo na ewan. Ramdam ko rin ang titig ng mga kaibigan ko na kanina ko pa gustong iwasan.
"Bahala ka d'yan sa buhay mo," saad ko sabay binilisan ang lakad. Humabol naman sa akin ang mga kaibigan ko.
"Two timer," biglang sabi ni Mark.
"ganda yarn," pang-iinis ni Josh.
"Suntukan nalang? Baka gusto niyo?" panghahamon ko sa kanilang dalawa. Tinawanan lang ako ng mga mokong.
"Sa totoo lang Kenrdrick, support naman kami sa kung anong mga gagawin mo. Tanggap ka namin...," saad ni Mark. "... kaso magbigay ka naman sa iba. Huwag maghakot ng lalaki Kendrick. Bigyan mo naman 'tong dalawang babaeng 'to na di pa nadidiligan."
BINABASA MO ANG
To (Not) Fall In Love
RomanceSi Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulma...