I Already Did
(Flashback...)
Isang linggo. Ganun na katagal na hindi ko na nakikita si Acerel matapos ang naganap na pangbubully sa amin sa skwelahan. Sa loob ng isang linggo, naghilom na ang mga sugat at pasa pero nananatili parin ang bigat sa kaloob-looban ko.
Walang buhay kong tinatahak ang hallway papunta ng senior high building. Ramdam ko parin ang tinginan ng mangilan-ngilang estudyante na nakakasalubong ko pati ng mga madre. Ang kanilang tingin ay puno ng awa at kondemnasyon katulad kung paano nila araw-araw tignan ang pinsan ko.
Naunang nagpakilala si Jerome sa lahat bilang homosexual habang ang mga malalapit lang sa akin ang nakakaalam. Para kasi sa akin, wala namang pinagkaiba kung mag-out ka sa lahat dahil nandun parin ang judgement. As long as alam mo sa sariling mong hindi ka nakakasakit ng ibang tao at alam mo sa sarili mo na mabuti ka, hindi mo na kailangan ng validation ng mundo.
Napahugot naman ako ng malalim na paghinga. Somehow, nararanasan ko na ang mga nararanasan ng pinsan ko. Somehow, napahanga ako sa tapang niya para ilaban ang sarili niya kahit na maraming hindi sang-ayon lalong-lalo na sa isang paaralan na pinapatakbo ng simbahan.
"Buwesit ka! Hindi mo man lang ako hinintay," rinig kong sabi ni Jerome mula sa likod ko. Medyo hinihingal pa siya ng makarating siya sa puwesto ko.
"Ang tagal mo kasi," saad ko sa kanya sabay nagpatuloy na sa paglalakad. Sa gilid ng aking mga mata ay nasisilayan ko ang mga taong nadadaanan namin habbang nagchichismisan. Probably tungkol sa akin o 'di naman kaya'y kay Jerome. Tyempong pagdaan namin sa dalawang babaeng nagbubulungan ay ang pagkarinig ko rin ng kanilang pinag-uusapan.
'Siguro nasa dugo na ng pamilya ang pagiging bakla.'
Mapaigting namang ang tinga ko sa narinig. Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko ngunit hindi ko ginawa. Na-realize ko kasi na nakakapagod ding palagi nalang magpaliwanag kahit wala naman akong kasalanan o nagawang mali. Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko sa mga taong wala rin namang pinagkaiba sa mga taong nanghuhusga kahit wala namang alam o kung may alam man ay hindi parin mag-iiba ang kanilang paniniwala dahil nakaselyo na ang kanilang utak sa kung ano man ang kanilang nakalakhan.
"Hayaan mo na. Masasanay ka rin sa kanila," saad ni Jerome ng makalayo na kami sa mga babae. "Tsaka, sila rin naman ang nagumukhang timang sa ginagawa nila. Hindi nila alam na hindi tayo magkadugo. Chismis lang sila ng chismis kahit hindi naman nila alam ang lahat."
Isang ngiting pilit ang ginawa ko. Sa ganitong pagkakataon, hindi ko talaga mapigilang mag-isip. Palaging sinasabi ng mga taong natuto sa loob ng simbahan na kailangan daw naming tanggapin ang Diyos sa aming puso at magbago. Para sa akin, pwede naman sigurong maging totoo ka sa sarili mo habang nananampalataya ka sa Diyos?
Sadyang hindi ko lang talaga makuha kung ano ba talagang punto ng ibang tao.
"Ang ikinalulungkot ko lang Je ay baka dahil sa akin ay mapahiya ang pamilya mo. Malaki ang utang na loob ko kay lola Ermita at hindi ko kayang dungisan ang pangalan niya.
Isang ngiti lang ang ipinukol ni Jerome sa akin. "Tanggap tayo ni lola at hindi siya naaapektuhan ng mga ganitong bagay. Tsaka hindi naman siya katulad nila mama at papa na masyadong sarado na ang utak sa pinaniniwalaan nila."
BINABASA MO ANG
To (Not) Fall In Love
RomanceSi Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulma...