Chapter 10 | You've Always Been My Sign From Heaven

13 1 0
                                    

You've Always Been My Sign From Heaven



"Hoy! Ba't hindi ka pumasok ngayon?" tanong ni Mark na nakatamba ngayon sa may mini-garden ng university kasama sina Josh, Marille at Claire.

"Hindi na muna ako papasok ngayong araw. Wala pa kasi ako sa mood pumasok. Nga pala, nand'yan ba sa campus si Jerome? Pumunta kasi ako sa bahay nila kanina ngunit sabi ng mama niya ay wala daw siya doon." Gusto ko lang sana siyang kumustahin ngunit matapos ang gabing iyon, malimit ko na siyang makikita.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko ngayon. Mapatitig ako sa may bubong ng mapansing natapalan na ang mga butas nito. Kakaiba ito dahil si lola Ermita lang naman ang nandito sa bahay at sigurado akong hindi naman niya ito maaayos ng mag-isa.

Napatayo ako mula sa pagkakahiga sabay dumungaw sa bintana dala-dala ang cellphone habang nasa-video call ako. Alas otso palang ng umaga ngunit matindi na ang sinag ng araw. Napansin ko rin na mas maayos na kung tingnan ang halamanan ni lola kaysa noong dati. May mga bagong halaman at bagong paso na rin.

Napaisip naman ako kung may tumutulong kay lola dito habang wala ako. Siguro ang mama ni Jerome. Maliban kasi sa kanya ay wala nang ibang anak at kamag-anak dito si lola. Kung ganun nga ay masaya ako. Sa totoo lang, madalang lang din naman kasi silang pumupunta dito kahit na ilang kanto lang ang layo ng bahay nila.

"Simula noong nakaraang araw, hindi ko pa nakikitang pumasok dito si Jerome. Ano na kayang nangyari sa mokong na 'yon?" saad ni Claire.

Napahugot naman ako ng malalim na paghinga. Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Masalanta.

"I will check on him later," saad ko sa mababang tono ng boses.

"Bibisita sana kami d'yan sa inyo kaso hindi na muna ngayon lalo pa at papalapit na ang mid-term exam." Manlaki nalang ang mga mata ko ng marinig ang sinabi sa akin ni Josh mula

"What?!" bulalas ko. "Oo nga pala malapit na ang mid-term exam."

"Oo, kaya kung ako sa'yo ay huwag ka nang aabsent," saad naman ni Marielle.

Napahawak naman ako sa sentido ko. Aaminin kong distracted ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko at alam kong hindi 'yon maganda. Dapat unahin ko muna ang mga bagay na dapat unahin ay isantabi ang mga bagay na pwede namang makapaghintay.

Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko mula sa telepono ko ang pagtunog ng bell ng school. Nakita ko naman ang pagmamadali ni Mark habang hawak-hawak ang cellphone niya. "Sige Dre, una na muna kami. May make-up class daw kasi ngayon sa subject ni Mr. Arsolon. Pambawi daw sa mga schedules niya na hindi niya napasukan sa section natin."

"Sige Dre."

Ibinaba ko na ang tawak sabay napahiga ulit sa kama ko. Napakabigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. Wala akong gana tumayo.

Ramdam ko naman ang paglangitngit ng pintuan ng kuwarto ko kasabay ng pagpasok ni lola Ermita.

"Huli kitang nakitang ganito noong na-hearbroken ka dahil sa batang si Acerel," bungad niya sabay napa-upo sa gilid ng kama ko. Napatawa naman ako ng mahina sabay napasubsob ng mukha sa unan ng marinig ang sinabi ni lola.

Alam kong may katandaan na si lola Ermita ngunit ang pag-iisip nito ay nakakasabay pa rin sa mga nagaganap sa panahon ngayon. Oo kumukulubot na ang kanyang mga balat pero hindi naman siya ganun ka tanda para makuba at magdala ng tungkod.

"La naman," saway ko sa kanya.

"Sa totoo lang, gusto ko 'yong batang 'yon," bungad niya na tinutukoy si Acerel. "Mabait at maalaga. Tanda ko pa noon, halos araw-araw nandito 'yon sa bahay. Hindi rin naman ako nagrereklamo lalo pa at tumutulong rin naman siya. Para ko na rin siyang naging pangalawang anak," saad ni lola.

To (Not) Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon