Chapter 19: Miss de Guzman

90 3 7
                                    

Chapter 19: Miss de Guzman


After that crying session, nakatulog kami. Syempre after mo ilabas lahat ng sama ng loob mo mapapagod ka. And ang katangahan ko lan, don din ako sa guest room nakatulog.


Nagising ako ng nakayakap kay Maf. Ako ang nakayakap ha! Kaya napalayo at napatayo agad ako.


"Nako. Naistorbo ko pa si Maf. Eh, may sakit na nga siya," sabi ko sa sarili ko.


Chineck ko yung noo ni Maf. And thank God hindi na ito mainit. Inayos ko muna yung higa niya. May pasok ngayon eh, pero 4 am pa lang naman kaya okay pang matulog siya.


Bumalik ako sa sarili kong kwarto. Napagpasyahan kong maligo dahil wala akong magawa. Nagluto na din ako ng breakfast. I know di ako marunong, pero kung prito prito lang naman ay ayos ako magluto.


So eggs, bacon, at hotdogs niluto ko. Nagtoast na din ako ng bread at nagtimpla ng juice. 5:45 na nung natapos ako.


Sina Mommy sure tulog pa yan. Day off daw nila both.


Mga 7 pa naman pasok namin. And may 1 hr pa. 15 mins lang naman ang biyahe. Pero gigisingin ko na si Maf. Baka matagal maligo eh!


Hindi na ako kumatok sa room niya. Wala eh, bahay ko to! Hahaha


"Maf, wake up na," sabi ko tapos tapik tapik ng mahina sa braso niya.


"Hmm," sabi niya lang. Aba! Mahirap pala to gisingin ah.


"Huy, gising na po!" sabi ko ulit tapos tapik ulit.


Ayaw pa din! Ano ba ito. Buti hindi ko siya naisipang gisingin ng 6. :(


"Ma--" gigisingin ko sana siya ulit ng hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap! omo!!


"Hoy, ano ba ginagawa mo?" sabi ko, medyo sigaw na nga eh. Ang awkward kasi ng position namin. Parang nakapatong ako sa kanya tapos nakayakap siya kaya di ako makaalis. Eh super lapit na ng mukha namin!!!!


Namesmerize nga ako sa mukha niya eh. Ang gwapo niya kapag tulog. Haha parang nahypnotize nga ako eh. Napatitig ako sa kanya. Tapos napansin ko pa yung lips niya, parang nang aakit eh! Napapalapit mukha ko sa kanya, gusto kong iki--


"5 minutes pa Berry. Pinuyat mo ako kagabi eh," sabi niya bigla kaya napatigil ako. Aww kasalanan ko nga pala! Muntik na akong magkasala. Huhu


"Bitawan mo na muna ako," sabi ko dahil baka malagot na. Maulit uli yung nangyari kanina. Di pwede yun.


"Shh. Natutulog pa ako, wag ka maingay!" sabi niya at hinigpitan pa yung pagkayakap sa akin. Ano ba ito?! Gumalaw galaw naman ako para bitawan niya na ako.


Kaso, omg! Ayaw kong banggitin kung anong nangyari kaya napabitiw na si Maf.


"*ehem* sorry," sabi niya tapos tumayo na ng nakatalikod sa akin.


"Ahmmmmm... Labas na ako. Baba ka na lang para kumain," sabi ko ng medyo naaawkwardan. Sino bang hindi? Huhuhuhu


Lumabas ako ng kwarto niya at sumandal sa pintuan. Wooooh! Awkward talaga yun.


Pinakalma ko ang sarili ko bago bumaba. Hindi pa ako kumain, mas masayang may kasabay eh. Nakakamiss si Jake. Dapat nandito na siya ng ganitong oras eh, sasabay sa aking kumain. Siguro galit pa din yun.


Mga ilang minutes lang din ng bumaba si Maf. Nakauniform na siya. Btw, pinalabhan namin yung uniform niya kagabi. Ginamit niyang clothes yung kay Dad. Medyo malaki lang ng konti pero okay lang. Just for the night lang naman eh.


Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon