Chapter 30: Hindi video scandal, okay?

36 2 0
                                    

Chapter 30: Hindi video scandal, okay?


Berry's POV


Natapos ang fieldtrip na di ko naenjoy. Halos natulog lang ako nung naglibot sila. Paggising ko naman dinner time na. Kaya di talaga ako nag enjoy. Ininggit lang ako nina May sa mga pics nila. Di pa sila bumili ng souvinier dahil kinabukasan na lang daw according sa schedule.


Nakapaglibot naman kami kahit saglit kinabukasan. Nasulit ko lang sa pagbili ng pasalubong ang fieldtrip. Buti na nga lang, sobrang ganda sa Tagaytay kaya kahit di ako gaano nakapaglibot, maganda pa din ang lugar na napuntahan namin. Yung fresh air pa lang okay na eh! Next year, di na talaga ako magkakasakit!!! Di na ako papayag, swear.


"Alam mo, buti na lang matalas paningin ko. Kundi baka nung bonfire, maghintay ka doon ng ilang oras tapos di ako dumating," sabi ko kay Jake pagkauwi. Nandito kami sa kwarto ko, nagcuddle lang kami sa kama ko.


"Ha? Anong sinasabi mong maghihintay ako ng ilang oras? And what do you mean about matalas paningin mo?" Takang taka niyang tanong. Napabangon naman ako sa pagkahiga namin. Nagtataka na din ako.


"You know, yung sinulat mo doon sa paper ko sa likod?"


"I don't really understand, babe. Ano yun?"


Tumayo ako para kunin yung how-others-see-me paper ko sa bag. Nung nakuha ko na bumalik ako sa kama. Nakaupo na din siya dahil nacurious siya sa sinasabi ko.


"Ito oh, babe. Ikaw nagsulat niyan diba?" Sabay turo ko doon sa sulat na nasa baba. (Chineck ko yung chapter 26, and di naman nakaindicate doon kung yung taas ba yung kay Jake or yung sa baba. So yung nasa taas na yung kay Jake. Okies)


"Di ko handwritting yan, babe," sabi niya kaya nanlaki mata ko. Napansin ko naman noon yun, pero malay ko ba kung gusto ko lang magpasuspense ng boyfriend kong ito. Sorry na kung assumera ako ah.


"P-pero... Bakit nagpunta ka din sa harap ng inn nung time na yon? Nagmadali ka pa nga nung nakita mo akong nakaupo doon eh," sabi ko na tila di pa din convinced na di siya iyon. Baka pinagtitripan lang ako nitong boyfriend ko eh.


"Swear, Berry. Di ako nagsulat noon," sabi niya tapos nagcross-my-heart pa siya. "And kaya ako nagmadali kasi syempre ayaw ko namang malamigan ang aking mahal," sabi niya na ikinakilig ko naman. Dahil doon, nakalimutan ko na ang importanteng pinag uusapan namin. Wala eh, ang galing magpakilig ng boyfriend ko.


"Jake naman eh. Pinapakilig mo naman ako," sabi ko habang namumula. Pabebe ako sorry hahaha


"Job ko yan as your boyfriend. Di ka pa ba sanay?" sabi niya tapos niyakap ako.


"Never ako masasanay. Biglaan ka kasi umatake eh."


"Sus. Kailangan mo masanay, babe. Kasi for life ganito na tayo. Di ako magstop na pangitiin at pakiligin ka." Hindi lang diyan natapos ang patweetums namin ni Jake. Hindi ko na ikekwento lahat dahil baka mainggit lang kayo sa sobrang sweet namin.


----------------


Kinabukasan, may pasok na, ewan ko why pero may weird feeling ako ngayon. Not sure if good to or bad, pero alam kong may something na mangyayari. I just hope maganda ang mangyayari.


While I'm walking alone, napapansin kong almost lahat ng tao sa corridor nakatingin sa akin, which got me conscious about my physical appearance.


Kung may dumi ba ako sa mukha or there's something wrong with my uniform. Chineck ko naman and wala naman unusual sa akin.


I decided to ignore the stares, so awkwardly I walked through the corridor to our classroom.


Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon