I included the missing(di na siya missing) part here dahil okay na ang wattpad app ko. :) i deleted chapter 13.5. Enjoyyy~
////////////////////////////////
Chapter 13: The Answer is still NO
Berry's POV
"Maffyyyyyy!" masayang sigaw ni May pagkadating niya. "Hi bes," tas biglang ganun lang sa akin? Mas masaya pa siya nung nakita niya si Maf, grabe what a friend!
"Good morning!" masigla kong bati. Syempre kahit ganyan yan sa akin di niya masisira ang good vibes ko. Sabay kaya kami pumasok ni Jake. *0*
"Good morning din" binigyan niya ako ng tipid na ngiti tapos biglang binaling nya yung atensyon niya kay Maf. "Uyy, mamaya ulit ha!" Ulit? Tinusok ko yung tagiliran niya para sana itanong kung ano yun kaso di niya ako pinapansin. :'(
"Ang taba mo na oh, pagkain pa din nasa isip mo!" sabi ni Maf sabay kurot sa tagiliran ni Mayree.
"Hindi kaya! Ikaw din kaya nasa isi-- I mean ikaw din kaya mataba na!!" namula siya kasi muntik na siyan madulas na puro si Maf lang sa isip niya.
Itsapwera na ba ako sa story na to? Di na ba ako yung bida? lol dadrama lang po.
Nako! Parang may something dito kina May at Maf. Ano kayang nangyari sa kanila? Bakit di ko alam, bestfriend ko naman si May bakit di niya man lang ikwento? Boto naman ako sa kanila eh, actually masaya naman ako sa progress ng relationship nila. Kahit medyo magulo at makulit si Maf masaya naman yun kasama kaya sa tingin ko sasaya ng todo si May sa kanya. Diba ang bait kong bestfriend. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya kaya kahit anong maging desisyon niya, go lang ako. Support lang ako sa kanya. Parang siya rin sa akin.
"What did you say? I heard that, ikaw din nasa isi---p ko? Yun ba sunod nun?" pang aasar nung lalaki.
Ha! Ang talino pala talaga nito ni Maf. Akala ko naive at bingi bingian yan eh. Nako bagay sila ni May.
"AYYY! No, di kaya yun. Ang kapal lang po." pagtanggi nung loka. Kahit obvious naman na tama si Maf. Haha natatawa ako sa babaeng to. Deny pa!
"Asus, amin amin na din pag may time. The truth will set you free!"
"Kulit mo po," pagpapacute niya. Yuck, nakakalimutan nilang nandito ako. Nagfliflirt pa sila sa harap ko. Kaumay, no offense ah, kahit bestfriend ko tong nakikipaglandian nakakadiri pa din pakinggan eh. Pahard to get kuno, kahit kanina pa niya gustong bumigay. Nakooo. Mga babae nga naman. Haha parang di ako babae no?
"The answer is still no!" dagdag ni May.
"OmyGod! English," bulong ko na alam kong narinig ni May kasi tinaasan niya ako ng kilay. Sa loob na lang ako tumawa kasi baka mainis na sa akin tong babae na to.
"Totoo naman po kasi yung sinasabi ko," si Maf din nakikipo na. Why ang galang nila?
"Ehhhh! Di nama-----"
"Ano po, start na po yung klase," singgit ko. AYAN! Nagaya na ako sa kanilang dalawa, nakikipo na din. Haha.
Baka mapagalitan pa sila eh tsaka class ni Jake na no! Di ko po marinig si Jake magsalita eh, ingay po ng dalawa. Hohoho nako baka po hanggang mamaya pa ako magpopo. ( what? ang pangit pakinggan!! )
---------------
Nung break, syempre kailangan ko na makausap si May. Di ko na kayang itago ang chismosa side ko. Mehehehe.
"Bes, ano po yung pinag uusapan niyo ni Maf kanina? DATE po ba?!" ako na di pa din nakakaget over sa po. ^----------------^v
"Ah, yun ba? Kumain lang kami sa fastfood kahapon. Libre niya. Yun lang," no emotion niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceFriendship over love. Bestfriend before boyfriend. Sisters before misters. But what if both you and your bestfriend fell in love with the same guy? Are you willing to sacrifice the one you love for the sake of friendship?
