Chapter 29: Nag ingat ako

69 7 7
                                    

Chapter 29: Nag ingat ako



"Tara na dito bes!"



Kahit hilong hilo na ako sumunod pa din ako kay May. Dapat pala nagstay na ako sa inn. Ganito ako kapag kulang sa tulog, nahihilo. Dagdag mo pa na kung saan saan ako dinadala nitong bestfriend ko. Hindi ako makapagreklamo dahil nga sa hilo na din ako. Hindi ako makalaban.




Mga magaalas-onse na ng umaga. Nakakatatlong oras na kaming namamasyal, or sila lang pala. Nung una, ayos pa ang pakiramdam ko. Pero nung nagtagal di ko na kinaya.



Di ko maappreciate ang ganda ng Tagaytay dahil sa hilo ko. Hindi ko din alam nasaan ang aking boyfriend, wala na akong alam sa nangyayari sa paligid. Basta ang ginagawa ko lang ay idilat ang mata at pumilit na maglakad.



Di ko ba alam bakit di man lang napapansin nitong kasama ko.



"Dalian mo maglakad bes! Ang ganda dito!! Ang sarap ng hangin, ang lamiiiiig!" Pagkahyper niyang sabi. Di ako makarelate sa kanya.



"Bes?"



Napansin niya na sigurong di ako sumasagot sa kanya kaya napatingin na siya sa akin. Nakita ko naman sa mukha niya ang pag aalala.



"Okay ka lang ba?"



"A-ayos lang ako," sabi ko.



"Di ka ayos Bes, di mo na nga halos madilat ang mata mo oh. Kahit man gusto kita makabonding dito sa fieldtrip natin, ayaw ko naman na mahimatay ka dito. Kaya sa tingin ko dapat bumalik ka na lang ng inn. Bawi ka na lang next time sa akin."



"Pero..." di na ako makaangal dahil hinatak niya na ako pabalik sa bus namin. Siya na ang kumausap sa driver namin doon at nagstay lang ako sa gilid ng bus.



"Di ko makita kung nasaan yung jowa mo bes kaya nagpatanong ako kay manong driver paano pabalik ng inn. Sabi niya may mga tricycle daw na pwedeng maghatid sa atin pabalik, mga 15 mins lang daw yon kaya tara na!" Tapos hinatak niya ulit ako.



"Bes, kaya ko ng bumalik mag isa. Ituloy mo na lang pamamasyal mo. Di naman porket may sakit ako at di makakapamasyal, di ka na din. Magpicture picture ka na lang ng lugar at ipakita mo sa akin later," mahabang sabi ko. Buti nakayanan ko lang magsalita ng mahaba.



"Sure ka ba bes? Okay lang sa akin na ihatid kita," paninigurado niya sa akin.



"I'm fine bes. Nakayanan ko nga maglibot ng 3 hours eh, ano pa ang 15 mins ride ng tricycle?"



"Sige na nga! Basta mag ingat ka ah. Wag ka matutulog sa biyahe. Kumain ka muna bago matulog," paalala niya.



"Okay bes! Enjoy ka ah, kwento mo na lang later. Bye," sabi ko tapos sumakay na ng tricycle. Si Mayree na kumausap sa tricycle driver at umalis na kami pagkatapos. Kinawayan ko na lang si May.



Pinilit ko talagang di makatulog sa biyahe. Naging mabilis ang pagbalik ko, imbes na 15 minutes, naka10 minutes lang. Nagbayad naman ako tsaka nagthankyou bago pumasok sa inn.



Naalala ko mga paalala ni May kanina.
'Sige na nga! Basta mag ingat ka ah. Wag ka matutulog sa biyahe. Kumain ka muna bago matulog.'



Nag-ingat ako
✔️ Hindi ako nakatulog sa biyahe



So, ang kulang na lang ay kumain bago matulog. Kaya dadaan muna ako sa canteen. Mas tumindi na hilo ko ngayon. Tiniis ko na lang, dahil baka makatulong din ang pagkain ko para mabawasan ang pagkahilo ko.



Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon