Chapter 34: Dahil kay Maf

43 3 0
                                    

Chapter 34: Dahil kay Maf


After I broke down, minutes later, nagbell na sign that the lunch break has ended. I decided that I need to fix myself, I can't let what happened last time, na nag away kami ni Jake, na mangyari. If I want him back, I need to be strong.


Kaya I went with my lecture that day but hurriedly went home. Or more like, kina Jake ako dumiretso.


But wala siya doon. You see, may susi ako sa house nila so I have free access. Walang tao sa bahay nila, even maids. I decided to check every room just to make sure.


Nung nakita kong he's nowhere in this house, biglang may pumasok sa isip ko.


Nagpanic ako.


No, mali yung naisip ko.


It can't be.


Paulit ulit yan sa utak ko habang papunta ako ng room ni Jake. And I hurriedly went infront of his closet.


With shakey hands, i opened the closet.


I cried, again.


Why?


Still with that question. Too many why's running in my mind.


Like, why did he fell out of love?


Why didn't he explain?


Why did he looked hurt?


Why do I feel like, he didn't want to let me go?


And why is there no clothes in his closet?


My legs gave out.


Naamoy ko pa yung colonge niya, it's still lingering but medyo faint na. Sure akong bumalik siya dito after he went to the school. May gamit pa siya dito but most of the stuff he usually use were gone.


Where could he be?


I don't want to think about it, but maybe he's with the one he truly love.


I cried for hours infront of his cabinet, still hoping he'd come back. It's a wonder kung bakit di pa ako napapagod umiyak.


First love, first kiss, first date, first boyfriend, at madami pang first. Kaya sobrang masakit sa akin, na magbreak kami. With the reason na, he feel out of love. Kasi hindi ko lang siya boyfriend eh, kuya ko din siya.


Kasi kapag natatakot ako, nandyan siya para hindi ako mag isa.


Kapag umiiyak ako, yayakapin niya ako hanggang tumahan ako.


Kapag may gusto akong bagay, kahit di ko sabihin, ibibigay niya sa akin.


Kapag birthdays and occassions, magkasama kaming magsaya.


Kung ang taong buong buhay mo ng nakasama at nakilala, hindi ka kayang mahalin, paano pa kaya yung mga kakakilala mo lang?


Nung nakaramdam ako ng gutom, bumalik na ako ng bahay. Then, I decided na matulog sa kwarto ni Jake. Hoping that tomorrow he'll come back.


Lumabas ako sa may front door. Kaya paglabas ko, nakita ko si Maf. Nakaupo sa may gilid ng gate namin. Napansin niyang lumabas ako kina Jake kaya napatingala siya sa akin.


"Hi? Hehe," sabi niya habang napakamot sa batok niya. Ang cute lang nung action niya na yun but broken hearted ako kaya di ko na pinansin.


"Bakit nandyan ka sa labas namin? Sana sa loob ka na naghintay," mahinang sabi ko. Medyo masakit lalamunan ko sa kakaiyak kanina.



"Are you-- kamusta ka?" Tanong niya, he changed his question knowing well that I'm not okay.


"Why don't we go inside?" Pag iba ko ng topic. Kakatapos ko lang umiyak, knowing na may magkocomfort sa akin brought tears to my eyes.



And ayaw kong maubos luha ko, kahit sabihin niyang ang masochist ko, I don't want to be tired of hoping and waiting.


Pagpasok namin ng bahay, sinalubong agad kami ni Manang Claire. "Nako, iha, buti dumating ka na. Kanina ko pa pinapapasok tong kaibigan mo, ang tigas ng ulo, hihintayin ka na lang daw niya sa labas."


Napatingin ako kay Maf. "Eh, hindi rin naman ako magtatagal manang eh, kaya hindi na rin ako pumasok," pag explain niya.


"Kung sandali ka lang, edi sana kanina ka pa umuwi. Nagdilim na sa labas, andoon ka pa din. Ikaw naman iha, saan ka nagpunta? Pagkatapos ng klase niyo, nandito na agad tong kaibigan mo eh."


"Okay lang sa akin, gusto ko lang naman malaman if okay na si Berry eh," pagdepensa naman ni Maf.



Bakit naman magtitiis maghintay si Maf sa labas namin para malaman kung okay lang ako?


"Okay lang ako, Maf. Thanks for worrying," sabi ko kahit hindi naman talaga ako okay. "Dito ka na lang kumain, kapalit ng paghihintay mo ng matagal."


"Oo nga, iho, naihanda ko na din yung hapunan niyong dalawa sa dining. Punta na kayo doon at kumain," at dinala niya kami sa dining.



Nagsimula kaming kumain ni Maf ng tahimik. Konti lang kinain ko kasi nawalan ako ng gana bigla nung naalala kong iniwan ako ni Jake.


"Berry..." mahinang sabi ni Maf nung bigla niya akong niyakap. Di ko napansin na nawala siya sa tapat kong kumakain at napunta sa tabi ko.


"Shh. Tahan na, please." At pinunasan niya yung luha ko sa pisngi, di ko namalayan na umiiyak na pala ako.


"Ang sakit.."


At patuloy pa din siya magsabing ng soothing words. Pero umiiyak pa din ako.


Siguro ang tingin sa akin ni Maf, mahina ako. Na sobrang iyakin ko. Siya lagi ang nakakakitang umiiyak ako, kung kailan ako mahina.


Dadating din sa point na pati si Maf, magsasawang icomfort ako. Lagi na lang akong umiiyak sa kanya. Sino ba naman kasi ako sa kanya, baka bukas mawala na din siya. Kaya tumigil na ako sa kakaiyak.


Dapat maging matapang na ako.


Hindi ko dapat iniiyakan yung mga bagay o taong nawala sa akin.


"Wag ka ng umiyak ah?" sabi niya nung napansin niyang tumahan na ako. "Ang pangit mo kasing umiyak eh," pang aasar niya. Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso, di pwedeng malakas kasi may utang na loob ako sa kanya.


"Kung alam ko lang, baka pumunta ka dito para makita akong umiyak. Ano?" Pakikiride ko. Napangiti naman si Maf dahil sa sinabi ko.


Yan, tama na ang ginagawa ko. Hindi ako dapat masyadong magpaapekto. Baka mawala lahat sa akin. Mas hindi ko kakayanin kung mawala pa ang mga kaibigan ko.


Nag asaran pa kami ni Maf. Even if for a short time, nakalimutan kong malungkot ako. Dahil kay Maf.



////////////////////////

Ehem, may bantay salakay dito oh hahahaha nainspire ako dahil kay Hayoung. Ang qt niya kasi kahapon sa MTV Music evo. Sayang di siya nag engrish huhu kahit 24 minutes lang silang nagperform, super nag enjoy ako. Kahapon ko lang nalaman na Pink Panda pala fandom name ng APink huehue

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon