Chapter 12: Papa God mamamatay na ba ako?

116 3 2
                                    

Chapter 12: Papa God, mamamatay na ba ako?


May's POV


Helloooooooo! Eto nanaman ako ulit! Miss me? :') Echos.


WAAAAAAH! Ang saya ko lang naman eh. Magpapaparty na ako. WOOOOOH yeah!


Bakit ako masaya? Syempre kasi magkatotoo na ang dream ng aking bestfriend. Sila na ni Sir Pogi! Oha, haba ng hair ni baklush. Swerte niya kay Sir eh! Ano kayang pinakain niya doon? Mapakain nga sin kay Maffy baka mainlove din sa akin! Dejoke lang.


Okay fine!


Sige na, inaamin ko na, na hindi talaga yun ang dahilan ko. Pero partly lang yun, syempre masaya din naman ako para kay Berry.


Totoo niyan, dahil wala na akong kaagaw kay Maffy. I mean, madami pa din naman pero matinding kalaban yan si Berry eh. Kung di ko pa nasasabi sa inyo, sobrang ganda niyan eh.


Alam ko, ang sama kong bestfriend. Tingin ko sa bestfriend ko ay kalaban. Walang kaibi-kaibigan sa love noh!


Mas close kaya sila ni Maffy. Malaki ang chance na mainlove ang isa sa kanila or worse pareho sila. Hindi ako makakapayag noon!



Pana lang ng pana si Kupido, malay natin wala ako doon pagpumana siya kay Maffy at sa kasamaang palad eh nandoon si Berry. Hindi pwede yun! Buti nga at mabilis si Sir. Medyo nawala takot ko.



Napansin ko namang nabawasan na ang asaran nina Berry at Maffy! Huu! Nakahinga talaga ako ng maluwag doon. Sinunggaban ko agad yung chance na iyon para kausapin si Maffy. YEHEY! Close na kami ngayon.


Konting kembot na lang. Ipupush ko talaga ito! Walang makakahadlang sa pagmamahalan namin ni Maffy. Charot! Walang ibang makakapasok sa puso ni Loves kundi si magandang ako lang! Nyehehehe! ^_____________^


Time na para sa Mafree love team! *_____________* ako president noon!


"Hello to earth, Maffy!" nakatulala kasi siya pero kahit na ganun gwapo pa din niya. ^___________~


"Ikaw pala yan Cy," sabi niya tas ngiti. *///////////////* Gwapo forevah eh!


Yep, Cy ang tawag niya sa akin. Gusto niya daw magbigay ng bagong nicknames eh. Gusto niya din daw na siya lang ang atawag noon sa akin. Hindi na ako nagseselos dun sa 'Lollipop' thingy. Meron akong sarili!


"Uwian na po, baka ho di niyo napansin."


"WEH? Do I look like weird na nakaupo pa dito?"


Tinawanan ko naman siya. Si Maffy mukhang weird? Asa!



"Hindi noh! Ang gwapo mo nga tigna----- Ay! Ang daldal ko!" nadulas pa ako eh. Pero dahil doon tinawanan niya ako. Shems. Ang pogi niya talaga! ^//////////////^


"Haha. Gusto na kita kasi you told me I'm handsome. Dahil doon, ililibre kita!"


Gusto na kita...


Gusto na kita...


Gusto na kita...


Gusto na kita...


OH MY!!!!!!!! Sabi niya gusto niya na ako! YIIIIIIIIIE! Tapos ililibre niya pa ako, magdedate kami! HEH! Date ang gagawin namin, walang aangal!



"YEEEEEEEEY! Libre!" tuwang tuwa kong sabi.



"You're so cute. Para kang bata," namula naman ako doon.


Cute daw ako. ^/////////////////^


Papa God, mamamatay na ba ako bukas? Bakit ang daming magandang nangyayari sa akin ngayon? Pinaparanas mo na sa akin ang langit eh, kukunin mo na po ba ako? Wag pa naman po sana!


Pumunta kami sa fastfood malapit dito sa school. Siya na umorder, di nga man lang nagtanong sa akin eh.


Pagdating niya, ang dami niyang inorder. Last supper na ba ituuu? Kakatayin na ba kami bukas? Hahaha


"Dami naman niyan Maffy! Anong tingin mo sa akin matakaw?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.


"Sus di no! Eto lang naman kasi iyo eh. The rest are mine," inabot niy sa akin yung fries at float with his naughty grin. O-kaaay! Pahiya ako doon ah!


Sumimangot ako sa pagkaassumera ko. Ayan kasi Mayree, masyadong natuwa sa nangyayari.


"Uyy, eto naman. I'm just kidding! You can have anything you want here," bigla niyang bawi. Pagkasabi niya noon, napangit agad ako.


"Padamihan tayo ng makakain Maffy!" hamon ko sa kanya. Game face on! Charooot! Hahaha.


"Sure!"


Kumain na kami, ang takaw pala nito ni Maffy. Madami nanaman akong nalaman about sa kanya. Yiiie. Getting to know each other na kami :""""""">


"HUUUUU! I'm full!" sabi niya after namin maubos lahat ng inorder niya.


"Ako din! Next time uliii ha?!" pagpapacute ko sa kanya.


"Anong next time? Mamumulubi ako sayo Cy!"


Nagtawanan kami.


Ang saya sa feeling nito.Di pa din ako makapaniwala, pwedeng pasampal? Dejoke lang! Wag na! GRABE. Hindi ko naisip na magdedate kami ni Maffy ng ganito. Basta date ang tawag nito. Psh. Ang showbiz naman kasi kapqg sinabi kong kumain lang kami. Eh sa feeler din ako, kaya yun na iyon!


"I'll take you home na," wooh so conya niya ah. Ahaha


Shet na malagket! Totoo ba ituuu? Waaaaaah! Kinikilig ako, ipapakilala ko na siya sa parents ko. Legal kami kina Mama no, kaso kami lang may alam na kami na ni Maffy. :"""""""> Nakakatuwa nga eh, nakikiride sila sa akin. Hohoho magiging close na si Maffy kina Mama at Papa. Oha, di na siya mahihirapan pagnaging kami. OO! Magiging kami nyan pustahan pa tayo eh! De joke lang.


Nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay namin.


"Hehe. Salamat sa libre at paghatid," hiyang sabi ko. Kaya ko mahiya ano!


"Anong salamat? Ilabas mo yung Mom mo, sisingilin ko siya sa ginastos ko sayo!" sabi niya then grinned


Aysus, gusto mo lang makilala si Mama eh, sabi ko sa isip ko. :>


"Medyo kuripot ah. Ganito na lang," kiniss ko siya sa cheeks tapos tumakbo na ako papasok ng bahay ng hindi nagbababye.


^///////////////////////^


YES! One point for Orteza!


Sinilip ko agad siya sa bintana. Nakatayo pa din siya doon. State of shock pa din. Haha. After ilang moments, tumawa siya at iilimg iling. Baliw na ang Maffy ko. Joke


Papa God, willing na po akong kumain ng gulay at maging omnivore. Pero joke lang yung maging omnivore syempre! ^.^v Kapalit ng araw araw maging ganito kakilig at kasaya. Promise kakainin ko yung ew-yuck i mean gulay na iluluto ni Mama. Magsesecond batch pa ako kung gusto mo. Nyeheehe!


"Mama! Luto ka nga ng ginisang ampalaya! Medyo damihan mo!" energetic kong sigaw kay Mama.


"Dalian mo Mama hangga't ginaganahan pa ako!" pahabol ko.


"Lord, end of the world na ba?" narinig kong sabi ni Mama.


Lokaret talaga yun si Mama ko. Alam ko na ngayon saan ako magmana. ^______________^

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon