Chapter 32: 6 roses

32 2 0
                                    

Hi! Happy 3k reads! :)

Chapter 32: 6 roses


After a week nung sweet sixteen ko, nagresign na ang boyfie ko sa school so 'medyo' open na yung relationship namin. Pumalit si sir Harvey Gomez, yung kasama ni Jake nung birthday celeb ko. Swerte ng section namin, puro pogi nagiging adviser haha


Kaya medyo open yung relationship namin, kasi inamin ko kina Amber, Rachel at Ms. President na Charlotte pala pangalan. Tutal di na rin naman niya ako student, feel ko hindi na taboo relationship namin.


Kinilig naman sila kasi sabi nila dream come true daw para sa akin yun. Sa isip ko, sabi ko I know right. Pero nginitian ko na lang sila. Kunwari conservative hahaha


Mas madalas na din kami nagdedate, mga thrice to four times a week. Ramdam kong ang strong na ng relationship namin. Hinihintay ko na lang na magpropose siya sa akin haha joke too early for that.


Nagdaan na din yung third monthsary namin ni Jake. And super kinilig ako sa gimik niya. Wanna know what?


3rd monthsary...


"Ate, may nagpapabigay po sa inyo nito," nahihiyang sabi ng schoolmate ko na nasa lower year habang pauwi na sana ako ng bahay. Uuwi ako mag isa ngayon kasi di na teacher si Jake sa school, tsaka busy siya sa work sa company nila.


Tinignan ko yung babae, may hawak siyang stem of red rose.


"Sa akin?" gulat na sabi ko at nakaturo pa sa sarili ko.


"Opo, nautusan po akong ibigay sa inyo ito," sagot niya.


"Sorry. May boyfriend na ako kaya di ko tatanggaoin yan pakisabi sa nagpabigay," polite kong sabi. Kasi naman po, seloso ang aking boyfie, baka pagnakita niyang may hawak akong rosas magdilim mundo niya haha



"Nako, ate, di pwede ibalik to. Sabi niya, basahin mo daw yung note dyan." Sabay abot ng rose sa akin at alis. Hindi ko na nagawang ibalik kasi ang bilis nung babae nakaalis.


Dahil no choice ako, binasa ko na lang yung note gaya nung sabi nung babae. Nakita kong may nakalagay ngang sulat. Kaso printed kaya wala akong clue sino nagpabigay nito.



'Go to Lena's cafe along the school to the right.'


I was debating whether to go or not. Baka kasi kung sinong kidnapper to eh. Hindi pa naman ako marunong magjudo or karate. Di ako makakalaban pagkinuha nila ako.


So, nagdecide akong wag pumunta. Since out of the way din naman yung Lena's cafe na yun. Alam ko kung saan yun eh, nakapunta na kami ni May at Jake doon.


So naglakad ako paleft nung school nung nakalabas na ako. Biglang may kumalabit sa akin kaya napatalon ako sa gulat.


"Ay sorry ate! Nagulat pa kita," sabi ng lalaking schoolmate ko din. This time alam kong kabatch ko to kaso ibang section.


"Okay lang, ano palang kailangan mo sa akin?" tanong ko. Sana naman may sense sasabihin niya dahil nagulat niya ako.


Then dun ko lang napansin na nakatago pala sa likod niya yung isa niyang kamay kasi may hinarap siyang red rose sa akin. Napataas naman kilay ko, bakit may rose nanaman ako?


"May nagpapabigay ate, sige alis na ako."


And katulad nung babae kanina nagmadali siyang umalis. May note ulit na kamukha nung design kanina.


Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon