Chapter 31: True or False
Berry's POV
Okay.....
Ang weird ng best friend ko. Ang hyper nya na di mapakali. Halatang may secret sya eh. Natatawa na lang ako deep inside but curious cat pa din.
Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya and ang gulo ng response nya.
Nung may nagtext sa kanya, di pa ako nakakablink hintak niya na agad ako papuntang terminal ng mga tricycle.
Hindi halatang nagmamadali siya. Hays, kung magsisecret man dapat di sinasabihan si bes eh. Masyadong pahalata. Dapat siya na lang yung di sinabihan haha
After 18 minutes nakarating na kami ng bahay. Medyo malayo din house namin from the mall kaya ang mahal ng binayaran KO. Yes, wala pong pera ang mabait kong best friend. Ang sweet nya talaga. Hays.
"Sorry na bes," pang ilang sorry nya na yan simula pagkababa namin ng tricycle.
"Utang yun ah!" sabi ko pagkapasok ng bahay.
"Sorry, gutom na talaga ako kaya di na ako nakapag isip." Tapos nagpuppy dog eyes sya. Kunwari tampo ako, di ko na pinansin.
"Manang Claire, I'm home!" Sigaw ko. Feel ko lang magsabing I'm home. Huehue
Hindi sumagot si Manang kaya naisip kong pumunta ng kusina kasi don siya madalas nakastay. Iniwan naman namin ni bes yung bag namin sa sofa bago pumunta ng kitchen.
"Weird," sabi ko nung nakita kong wala si manang doon.
"Baka naman natulog na si manang?" sabi ni bes.
"Aga pa kaya! Tsaka walang pagkain oh, di naman matutulog yun ng di ako paglulutuan ng dinner," may halong tampo na sabi ko.
"Hala siya, nagdrama pa. Punta na lang tayo kina Ser pogi, doon tayo makikain!" sabi nya na parang bright idea yun. Grabe, di na nahiya makikikain pa.
Baka nga galit sa akin yun eh, di kasi ako nagpaalam man lang sa kanya. Silent treatment nga binigay nya sa akin ngayon eh, di ako tinadtad ng text.
Dumaan naman kami papunta sa backdoor para sa backyard namin kami dadaan kasi may entrance doon papunta kina Jake.
Pagkabukas ng back door namin, nagulat ako. As in napanganga at nanlaki mata.
"Advance happy birthday Berryyyy!" Sigaw nilang lahat.
Di pa din ako makagetover sa gulat. Sino ba naman kasing magugulat? Nandito sina Mommy and Daddy, tapos yung buong classmates ko, madami ding schoolmates ko, si Jake and mga kapitbahay namin. Ang daming tao!!
And take note, nakasemi-formal sila. Yung girls nakacocktail dress and heels tapos young boys naman mga nakapolo pa! Ang bongga naman. OP kami ni May kasi nakauniform kami. Si Manang din nakadress, ang cute eh. May color coding pa, mga nakafucshia pink, purple or white sila.
Tapos, ang ganda ng backyard namin. Buti nga malaki eh, kaya naaccomodate yung dami ng tao. Ang liwanag nga eh, dahil may spotlight na nakatutok sa amin. Tapos punong puno ng flowers, mostly roses, and balloons yung paligid.
May mga high tables na mukhang inarrange ng magcater, yung para sa bar pero mas malaki ng konti, tapos ang center piece, flowers. May 7 chairs per table. Ang motif ng paligid carnation pink and baby lavender.
Sa pinakadulo, may stage. May nakaset up sa isang side na 3D letters na Berry tapos sa kabila 3D naman ng 16. Tapos sa gitna may elegant looking na chair. May balloons and flowers din. May malawak na space sa harap ng stage bago yung mga tables.

BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomantizmFriendship over love. Bestfriend before boyfriend. Sisters before misters. But what if both you and your bestfriend fell in love with the same guy? Are you willing to sacrifice the one you love for the sake of friendship?